29. CHOICES

621 12 2
                                    

"Ayokong nakikisawsaw ka pa sa problema ko Brix."

Tumigil sa pagsubo si Brix ng mapasukan sya ni Mae sa kusina. Dalawang araw din syang hindi pinansin ni Mae matapos nyang sabihin na magpapakasal sila.

"Ah ganun? pakikisawsaw naba yung gusto kitang ilayo sa kahihiyan? Diba gusto mong layuan ka ni Trip? Tignan mo nga ngayon kung ginugulo ka pa nya matapos kung sabihin yun?"

Naghila ng upuan si Mae at hinarap si Brix. "At sa tingin mo nakatulong ka?" Tumango si Brix at walang pakialam na ipinagpatuloy ang pagkain.

Huminga ng malalim si Mae. "Hindi tayo magpapakasal. And that's final."

Ibinagsak ni Brix ang kubyertos at tinulak palayo ang plato nya. "I'm just trying to help!"

Napahilot sa noo si Mae. "E hindi ka nga nakakatulong! Naiintindihan mo ba Brix? Hindi ito isang charity work, hindi ito National emergency na kailangan magpanic, at lalong lalo hindi ito isang larong luksong tinik napagnatinik ka aayawan mo!"

Inabot ni Mae ang palad ni Brix. "I'm thankful na nag aalala ka sakin. Pero Brix, hindi mo kailangang itali ang sarili mo sakin because I know, dyan." ituro nya ang puso ni Brix. "Umaasa kang babalik sya. At ako? Hindi ko kayang isakripisyo ang kaligayahan mo para maligtas lang ako sa landas na pinili ko."

Napayuko si Brix. Kasi sa totoo lang being Mae's husband ang isa sa itinuturing nyang kabayaran sa kasalanan nya kay Zalea. Hinayaan nyang makasal si Zalea sa taong hindi nito Mahal. And now, sya. Pakakasal din sya sa taong itinuring nyang kaibigan para maranasan din ang naranasan ni Zalea.

Sound stupid and crazy. Pero desperado si Brix. Parang ang gulo na at wala na syang maintindihan.

"Marami namang single mother dyan, nakakaya naman nila. Kaya alam ko kakayanin ko ring kakayanin ko yun."

"Pero paano yun Mae, pagnalaman ni Ann na nabuntis ka ng Asawa nya? Siguradong magwawala naman yun?" Puno ng pag aalalang sabi ni Brix.

Pagak na natawa si Mae. "At dyan ko kakailanganin ang tulong mo. I know you can defend me."

"At tingin mo hindi natin kailangan ng kasal?"

"Now you get it. Definitely." Mae smiling at him.

****

"Hindi nya pwedeng akuin ang anak ko!" Sinipa ni Trip ang inuupuan ni Fun.

Dahil sa gulat natapon ang inumin ni Fun. Galit nyang tiningnan si Trip.

"Ang daming sisipain talagang yung upuan ko pa?!"

"Sorry...sorry." napapahilot sa sintidong sabi ni Trip.

"Apology Accepted." Sabi nito at muling nagtagay sa baso.

"Bwisit yung Brix! Palaging epal sa buhay ko! Alam mo ba dati kinausap ako nyan...para wag kung lapitan si Mae dahil sasaktan ko--"

"O? Diba tama sya?" Fun cut him.

Binagsak ni Trip ang baso matapos itong tunggain. "Ah...letse Oo!"

"So? Bakit galit ka parin? Tama naman sya diba? Padalos dalos ka kasi Insan, tingin mo ba nakatulong yung ginawa mo kay Mae? Mas lalo mo lang pinalala..."

"At ngayon ano? Inanakan mo, na may Prinsipeng handa akuin ang Anak mo at may Asawa kang baliw." Hinampas ito sa balikat ni Trip. "Kung ako si Mae? Mas pipiliin ko yung Single na Prinsipe at hindi ako sasaktan, aalagaan ako at malay mo maisipan ni Brix na bumalik sa palasyo nya. At pag nangyari yun maging proud ka!" pinalo nya ang balikat ni Trip at animo'y tuwang tuwa. "Maging playmates ng anak mo si Prince George o pag naging Babae ang anak mo magiging bestie nya si Princess Charlotte."

The Same Mistake (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon