30. REASONS

629 13 3
                                    


Masayang naglalakad sa tabing daan sila Mae at Brix, every Morning ritual na nila ang maglakad ng 5 meters para sa exercise ni Mae. May nakitang ice cream vendor si Mae sa kabilang daan. Kanina nya pa pinipilit si Brix na ibili sya nito pero ayaw ni Brix dahil masyado pa daw maaga at hindi pa sila nakapag breakfast.

"Ang damot mo talaga...Ikaw pag naging mukhang talakitok tong anak ko Ikaw talaga ang sisishin ko. Makikita mo." reklamo nya kay Brix.

"At ako pa ang sinisi mo?! Aba ibintang mo yan sa mukhang kuhol mong jowa!"

Pinanlakihan nya ng mata si Brix. "Sige ulitin mo pa at itutulak kita sa tulay."

Sinundot ni Brix ang tagiliran nya. "Uy..Uy...ayaw marinig ang name nya? Ano yan move on?"

Nilagpasan sya ni Brix, hinarang at sumayaw sayaw sa harap nya. Hindi napigilan ni Mae ang matawa sa ginawa ni Brix. Hindi talaga ito nag fail na simulan ang araw nya na may ngiti sa mga labi. Minsan naiisip nya paano kaya nya masusuklian ang kabutihan nito.

"Uy! ano ba?"

"O? Bakit?" inakbayan sya nito. Napa pout naman si Mae.

"Akala mo ba hindi ko napapansin na inaaliw mo ako para hindi mo ko mabili ng ice cream?"

"Kulet." ginulo nito ang buhok nya. "Bawal nga. Mamaya magtae ka pa dahil nalamigan ang tyan mo."

Tinanggal nya ang braso nito na nakaakbay sa kanya. "Ano ako bata?"

"Oo. HIndi ka nga bata pero may bata kang dala."

Napapadyak si Mae ng nasa-sight nyang malalampasan na nila ang ice cream cart. Ilang beses nyang nilunok ang laway dahil sa takam. Pa sipol-sipol na nauuna sa kanya si Brix.

"Brix!"

Naiiyak na tinawag nya ito.

"Briiiiixxxxxx."

Hindi talaga sya pinansin ni Brix, bagkos mas binilisan pa nito ang paglakad. Naiiyak na talaga si Mae nalagpasan na talaga nila ang ice cream. Tumigil sya sa paglalakad at tumingin sa kabilang daan. Konti lang ang dumadaang sasakyan. Pero kaya nya kailangan si Brix dahil naubos na kanina ang pera nya kakabili ng arrozcaldo sa plaza, kaya ngayon wala na syang pera...sad to say si Brix meron. Malayo pa ang shelter para kumaha sya ng pera.

Muli syang tumingin sa ice cream na dinidilaan ng bata. Napalunok at napakagat sya ng labi. Paano kaya kung uutangin nya nalang? Kung lilimosin nya kaya? Ah! Bahala na basta gusto nila ng baby nya na kumain ng ice cream. Hindi na tumingin sa daan at mabilis syang tumawid.






***PPRRRRRRTTT***

"MAE!!!"

Napaupo si Mae sa kalsada ng muntik na syang mabangga ng humaharurot na kotse. Namumutla sya at mabibigat ang hininga. HIndi nya alam kung saan galing ang kotse dahil hindi nya napansin na paparating ito. O, mas tamang sabihin. She's been drug...yeah by an ice cream.

"MAE!?!" nilapitan sya ni Brix. Pero parang wala parin sya sa sarili at niyugyog na sya nito.

Nang mag angat sya ng tingin at magsalubong ang mata nila ni Brix at napayakap nalang sya at napahagulgol sa dibdib nito. Dahil sa katigasan ng ulo muntik na syang madisgrasya at mapahamak ang anak nya.

"SSssshhh...you're safe...you're safe..." alo ni Brix dahil ito mismo ay nangangalit ang bagang dahil sa galit sa driver ng kotseng yun.

Alam ni Brix na over speeding ito.

The Same Mistake (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon