ZALEA
"Queen Kate pinapatawag na po kayo ni King Fren."
"Susunod na ako Ya..."
Sabi ko ng hindi lumilingon sa kay Yaya Lani. Nagmamadali kasi ako para matapos na ang nobela na aking sinusulat. Kung hindi ko kasi ito matatapos ngayon magugulo na naman ang isip ko sa mga bagong ideya.
Naalala ko pa kung paano ako nagsimula bilang isang manunulat, King Fren ask me to write his story. Hindi ko alam na may madrama palang estorya ang isang yun.
Tulad nalang noong...
Nagpunta si Fren sa isang party, tumakas ito sa mga bodyguard. Nakipag flirt sa isang babae, nagising sa isang hotel room, tinakasan ang babae sa pagmamadali nakalimutan nyang mag brief.
At ito pa..
Minsan dahil tinakasan ang driver, naligaw sya papauwi. Naholdap, tinanong sya ng Holdaper kung ano ang brand ng kanyang brief. Nang nasabi nya na, tinalikuran lang sya nito.
At ito pa talaga...
Isang gabi nanaginip si Fren nasa loob daw sya ng isang aquarium na puno ng pugitang nakabrief.
At yun nga ang pinasusulat ni na kwento ni Fren tungkol sa masalimoot nyang karanasan sa mga briefs. At kung tatanungin nyo sya sa tittle ng kwentong iyon ang sagot nya.
Ang brief...Bow.
Alam ko naman na binibiro nya lang ako, pinapasaya. Sabi nya ng bumalik daw ako sa Palasyo galing Pilipinas nag iba daw ang Aura ko. He can see Life in me.
Wala, nayakap ko lang sya. Nagpapasalamat din ako kay Fren sa lahat ng pag iintindi nya sa akin. Hindi nya ako pinabayaan, hindi nya sinamantala ang panahong nawala ako, he saw that worst in me. Ginising nya ako, hindi pala sa paraang alam ko matatama ang lahat.
Tama noon si Fren, nasa kanya na ang kapangyarihan para palayain ako, pero bakit hindi ko ginawa? Bakit umarte ako na hawakan din ako ni Fren?
Kasi sa totoo lang, ang hinihintay ko noon ang lisanin ni Fren ang Niashin at ibigay ang korona kay Brix.
Pero everything happen for a reason, Mahal ko si Brix pero tinuro sakin ni Fren na hindi dahil hindi kami magkasama ni Brix sisirain ko na ang babaeng minahal ni Brix.
Hindi ang Niashin at ang pagiging isang Reyna ang sumira kay Kate Zalea Bermudez, dahil ako mismo ang sumira dito. Ano nga ba ang ginawa ko noong mga panahong iyon?
Naisip ko lang, paano pala pag naisipan ko noon na magpakamatay? Babalikan na ba ako ni Brix noon? Hindi parin diba.
Kaya tama si Brix noong sabihin nyang sundan ko lang ang daang nakalatag sa harap dahil hindi ako nito ipapahamak.
Kaya pangako ko kay Brix, babalik si Zalea. Ang Zalea na kanyang minahal, ang Zay-zay ni Xy-xy.
"Itatali na talaga kita dyan sa upuan mo Kate."
Napapikit ako. "Ugh! Fren naman! Malapit na akong matapos last chapter na to!"
Alam nyo kung bakit nakakainis pag si Fren na ang pumupukaw sa atensyon ko, kasi hindi ko mapigilang ma distract kung ano-ano kasi ang kinukwento nya.
"Kate, may bago akong kwento!" bakas sa boses nito ang tuwa.
"Fren, huwag mong sabihin tungkol na naman ito sa adventure ng Briefs mo! Mapapatay na talaga kita!"
"Hindi iba na kaya...."
Si-nave ko muna ang tina type ko para makinig sa kwento ni Fren. Baka may bago na naman akong kwento na maisulat galing dito.
BINABASA MO ANG
The Same Mistake (completed)
General FictionMAYBE THIS TIME & THE VIRGIN'S MISTAKE 2 The Same Mistake Again? pag nasaktan ka ng isang beses, uulitin mo pa ba? kaya mo pa ba? kung kaya mo.. sino ang pipiliin mo? ang kaya kang mahalin ng higit sa kaya mong ibigay o ...