Nakatawag na ako kanina sa Hotel para mag order ng agahan namin ni Trip. Naliligo sa banyo si Trip habang nagpapahinga naman ako dito sa sofa.
Trip was unstoppable last night. Wala na nga kaming tulugan ayon sa kanya, every seconds, every minutes counts. Wala dapat sayangin kasi sa pagsikat ng araw balik na sya sa totoong nagmamay ari sa kanya.
Para kaming kriminal na nagtatago. Para kaming vigilanteng takas sa kulungan. Mali. Oo alam namin. Pero dito ko na napatunayan...
Mas Masarap ang Bawal.
May nag do-door bell. Sunod sunod at parang nagmamadali ito.
Nakatulog ba ako? Lito kung tanong sa sarili habang naglalakad patungo sa pinto. Parang inip na inip na ang nasa labas ng pinto.
Ganito ba mainip ang mga Empleyado ng Hotel na ito?
Bubuksan ko na sana ang pinto ng magsalita si Trip sa likod ko.
"Yung breakfast na ba yan? Gutom na ako." Sabi nya habang hubo't hubad at kinukoskos ang basang buhok.
Napalunok ako ng masundan ng mata ko ang padaloy ng butil ng tubig sa likod nya pababa sa matambok ng pwet. Napakagat ako ng labi ng tumulo pa ito papunta sa balakang nya.
"Mine..."
Ang hot nya talaga. Parang napirmi na ang mata ko sa katawan nya. At parang sanay na ako na makita si Trip na wala ng tshirt at jeans.
"MINE!"
"Ah...Huh?!" Gulat kong sabi.
Nag smirk lang ito at nagpalingo-lingo. "Yung tao sa labas." Medyo napahiya naman ako at nagsuot na si Trip ng boxer. Sayang.
I open the door. Only to hold my breath. Nag iigtingan ang bagang nito at nanlilisik ang mata ni Ann. Nanginginig ang kamao nitong nakakuyom.
Bigla nalang nahabag ang buntot ko. Sa nakikita ko kay Ann hindi ito mangingiming patayin ako. At hindi ko sya masisi dun.
"Mae, let the crew In." Sigaw ni Trip.
Nakikita ko ang pag apoy ng mata ni Ann. And the next thing I know she's dragging me and maybe I'm still lucky I have my panty on and Trip's polo.
MAEJESTY POV:
"MGA HAYOOOOP! ANG LANDI LANDI MOOO!" kinaladkad ni Ann si Mae sa hallway habang hawak ang buhok nito.
Pilit na tinatanggal ni Mae ang pagkakahawak ni Ann sa buhok nya pero agad din syang nawawalan ng lakas ng sipain sya nito sa hita.
Nadapa si Mae sa sahig at mabilis syang sinakyan ni Ann sa likod pinagtatampal, suntok at sabunot. Tanging sigaw ni Ann at mahinang daing at pag iyak ni Mae ang namutawi.
Feeling ni Mae wala syang karapatan na padapuan ng kahit isang sampal si Ann. Hindi nito deserve ang makalmot at magantihan ng tulad nya. Dahil napakalaki ng kasalanan nya dito.
Habang si Trip naman ay nakatulala lamang ng makita nya ang biglang paghila sa mga buhok ni Mae ng isang babae at ang pagsisigaw nito. Huli na ng marealize nyang ang babaeng yun ay walang iba kundi ang Asawa nya.
Dali dali syang tumakbo palabas at naabutan nyang nakapada sa sahig si Mae habang kinukubabawan ito ni Ann.
"ANN!! TAMA NA!" hinila nya si Ann para makatayo ito pero nagpumiglas ito at kinagat ang braso nya.
Trip wince in pain. Hinarap sya ni Ann tigmak ng luha ang mata nito at pinagsasampal sya. Trip did nothing and close his eyes.
Saktan na sya ni Ann. Gantihan na sya nito. Pahirapan. Tatanggapin niya. Pero hindi sya magsisisi. Dahil ang sa mga panahon na nakasama nya si Mae ang pinaka mahalagang pangyayari at araw-araw nyang babalikan.
BINABASA MO ANG
The Same Mistake (completed)
General FictionMAYBE THIS TIME & THE VIRGIN'S MISTAKE 2 The Same Mistake Again? pag nasaktan ka ng isang beses, uulitin mo pa ba? kaya mo pa ba? kung kaya mo.. sino ang pipiliin mo? ang kaya kang mahalin ng higit sa kaya mong ibigay o ...