CRYING MAE==>>
****
Nagpalakad lakad si Brix sa labas ng E.R. Si Trip ay nanghihina na nakaupo sa tiles at nakayokyok sa mga tuhod. Si Fun lang ata ang normal ang kalagayan sa kanila.
Galit si Brix pero hindi nya kayang suntukin si Trip dahil sa nanginginig ang kamay nya. Baka pagsinuntok nya ito tumama lang ang kamao nya sa semento.
Hindi rin naman mapakali si Trip, deep inside natataranta ang atay at balunbalunan nya. Hindi na sya makapag isip at tanging dasal ang maayos ang kalagayan ni Mae.
Komportable namang nakaupo lang si Fun na nagwa-wonder kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon ni Trip at Brix parang may silent war. Nagpalipat lipat ang tingin nya sa dalawa at ng di nakatiis nagtanong na sya...
"Hoy! Brix para kang ferris wheel hindi ako nakasakay sayo pero nahihilo ako." Sabi nya tiningnan lang sya ni Brix at maya pa ay umupo ito sa tabi nya.
At ngayon ang pinsan naman ang binalingan. "At ikaw naman Trip, anong drama mo at nag walling ka dyan?" Tumawa pa si Fun. "May pa yuko yuko sa tuhod with matching yugyug balikat pa ang drama...ugok! Walang shooting ng MMK! Tado!" Humagalpak pa ng tawa si Fun.
Nanggigil na nag angat ng tingin sa kanya si Trip. Namumula naman sa tawa si Fun. Kumuyom narin ang kamao ni Brix. Nagkatinginan ang dalawang lalaki nagkakasundo ang isip nila na dalhin sa morgue si Fun.
Dadambahin na sana ni Trip si Fun ng bumukas ang BAhay ni Kuya.
(Joke! Nasa work kasi ako ngayon mabuti na yung natatawa ako habang nagttype kaysa umiiyak Hahaha)
lumabas ang doctor nagpaunahan pa si Trip at Brix na lumapit Dito.
"Doc! Kumusta na si Mae?!" Trip.
Hinawi naman ni Brix si Trip at sya naman ang humarap sa doctor.
"Ligtas na po ba sya?" Brix.
Naguluhan naman si Fun sa dalawa. Tumayo sya at hinatak sa kwelyo ang dalawang lalaki na kulang nalang huburan ang doctor dahil sa higpit ng hawak ng mga ito sa coat ni Doc.
"Aaahhh...pacensya na po kayo." Sabi ni Fun sa Doctor.
"Patayin mo muna yang katangahan mo Fun!" Trip.
"Kung hindi ka nag aalala kay Mae mabuti pang umalis ka na lang!" Brix.
Tumikhim ang Doctor at minabuting sabihin na lang ang kalagayan ng pasyente.
"Dapat sa mga oras nato hindi kayo nag aaway dapat sa inyo nagdadamayan dahil sa nangyari sa inyong mahal sa buhay-" Trip cut the Doctor's speech.
"Pwede ba Doc wag na kayong Mag Homily!" Naiinis na sabat ni Trip.
Napahinga na lang si Fun at tinalikuran ang dalawa. Walang nagawa ang Doctor kundi diretsohin nalang ang dalawang makulet na lalaki.
"Patay na po ang pasyente." Mahinahon na pagkakasabi nito.
BINABASA MO ANG
The Same Mistake (completed)
General FictionMAYBE THIS TIME & THE VIRGIN'S MISTAKE 2 The Same Mistake Again? pag nasaktan ka ng isang beses, uulitin mo pa ba? kaya mo pa ba? kung kaya mo.. sino ang pipiliin mo? ang kaya kang mahalin ng higit sa kaya mong ibigay o ...