THE END IS YET TO COME.
****
"Kamahalan! Kamahalan!" Patakbong tinatawag ni Brix si Mae sa kabahayan.
Nagbukas ang pinto ng kwarto ni Mae at lumabas ang dalaga. "Brix? Bakit ka nagsisisigaw?"
"Ah! Pinasabi ni Tina may naghahanap sayo sa labas."
Kumunot ang noo ni Mae. "Huh? Sino?" At bakas sa mukha nito ang pag aalangan. "Naku Brix, tignan mo muna baka sila yan..." sabay himas ni Mae sa tyan.
"Yun na nga! Sinilip ko sa gate pero nasa loob ng kotse. Pero nasabi naman ni Tina babae raw." Nilapitan sya ni Brix at hinawakan ang kamay nya na humahaplos sa kanyang tyan. "I'm here."
Sa sinabing iyon ni Brix gumaan ang loob ni Mae, kaya nauna itong lumabas ng bahay, susunod na daw si Brix dahil magbabanyo pa ito.
Pagbukas ni Mae ng gate, bumungad sa kanya ang nakangiting babae. Maaliwalas ang mukha nito at puno ng galak na niyakap si Mae. Hindi sya nakagalaw dahil sa pagkabigla.
"Kumusta Mae? Natupad mo ba ang binilin ko? Ang pinangako mo?" Masayang sabi ni Kate Zalea Bermudez.
Natupad ko ba? Paano ko sasabihing. Ikakasal na kami?
"D-dumating k-ka..." kawalan ko ng masasabi. Kumalas ito ng pagkakayakap sakin at hinarap ako.
"Oo naman! Diba ang sabi ko may aayusin lang ako sa Niashin?"
Nayuko ako. "M-malaya kana ba?" Parang ang sama ko kasi gusto kong marinig na sabihin nyang ipagpatuloy ko lang muna ang pagbantay kay Brix. Na hindi nya muna ito kukunin.
Pero biglang gumuho ang pag-asa ko ng lumabas sa kotse ang isa pang tao na hindi ko inaasahan. Anong ginagawa nya rito? Magkasama ba sila ni Kate?
"Sa wakas! Oo Mae! Malaya na ako!" Nayakap muli ako ni Kate sa sobrang saya.
Wala na akong nagawa kundi ang tumango at magsabing. "Sandali Kate, tatawagin ko sya para sayo." Mabilis akong tumalikod sa kanya para magpigil ng luha pero pagharap ko ang nakatangang si Brix sa babaeng kanina'y kausap ko.
Noon ko lang nakita si Brix na gulong-gulo sa dami ng emosyong dumaan sa mata nya. Kaya nilagpasan ko ito, pero pinigilan nya ang kamay ko. Nilingon ko ito at hindi nito inalis ang tingin kay Kate.
Sa nanginginig na boses ay nagsalita ito. "A-anong...g-ginagawa nya dito?"
Napapikit ako at yumuko. "Natatakot ako dahil nandito si Trip at alam ko ang kailangan nya sakin. Pero Brix, nandito si Kate alam ko ang pakay nya at masaya ako para sayo."
Humigpit ang hawak nya sa kamay ko. "Anong.Ginagawa nya rito." Diin nyang tanong.
"Kukunin nya ang kanya." Sagot ko.
Unti-unti ang pagluwag ng hawak nya sakin at lumingon. "Wala syang kukunin. Dahil walang kanya."
Napangiti ako, alam ko nagsisinungaling si Brix. Kasalan yun, ang sabihin nyang ayaw nyang lapitan at hagkan si Kate nya. Ang pananabik sa pamamagitan ng panlalamig at panginginig nito ay tanda ng lubos na pagmamahal kay Kate.
"Brix, simula ng nagkakilala tayo nagpakatatag ka. Pinakita mo na ayos ka lang. Sa tuwing nagkakaproblema ako andyan ka. Hindi ko hinihiling sayo, nagbibigay kana. But this time, hihiling ako..."
Kinuha ko ang kamay nya na nakahawak sakin at nilagay ito sa bandang puso nya. "Pakiramdaman mo." Pumikit si Brix. "Pakiramdaman mong mabuti ang pintig nya." Tumulo ang luha ni Brix. "Ang lakas diba?" Tumango ito. "Ngayon, pakinggan mo kung ano ang sinasabi nito..." tumahimik si Brix at patuloy sa paglandas ang luha nya na pinigil ng limang taon. "Ang hiling ko Brix at sana tuparin mo. Yakapin mo at punan lahat ng panahong nasayang nyo ng babaeng iyong pinakamamahal."
Dumistansya si Mae at unti-unting dumilat si Brix. Sa harap nya ang kanyang Zalea si Zy-zy ng buhay nya. Nakatingin ito sa kanya ng puno ng pagmamahal at pangungulila. Naalala ni Brix kung paano nya ito tignan mula sa mga nabibiling dyaryo. Ang magandang mata nito at ang mamumulang pisngi nito.
Ang mga labi nito na palagi nyang tinitignan noon tuwing ito'y magsasalita. Ang mga tainga nito na handang makinig sa kanyang reklamo sa mga bodyguards noon. Ang noo nito na noon ay madalas kumunot tuwing may hindi ito magustuhan sa pinagagawa nya.
At hindi sya makapaniwala ang babaeng nakasama nya paglaki, ang babaeng pinakawalan nya ng limang taon ay nakatayo mismo sa harap nya.
"Xy-xy?" Umiiyak na lumapit si Zalea at hinaplos ang mukha ni Brix dahilan ng pagpikit nito ng madama ang mainit na palad ni Zalea.
Sya na nga ito. Sabi ni Brix sa sarili. "Zy-zy?" At mahigpit nya itong niyakap.
Two old friends meet again
Wearin' old faces
And talk about the places,
They've been"Zalea, mabuti bumalik ka." Sabi ni Brix na mahigpit paring yakap ang babae.
Two old sweethearts feel apart,
Somewhere a long ago
How are they to know
Someday they'd meet again
And have a need for more than reminiscin'"Salamat Xy, at naghintay ka." Sabi naman ni Zalea.
Maybe this time
It'll be lovin' they'll find
Maybe now they can be more than just friends
She's back in his life
And it feels so right
Maybe this time
Love won't endMula sa likod ay nagulat si Mae ng nakapalibot na sa kanya ang bisig ni Trip yakap sya nito.
"Masaya na sila, sana tayo rin."
Nanindig ang balahibo ni Mae at lumayo kay Trip hinarap nya ito na may ngiti sa mga labi.
"May mga bagay na matagal na dapat naayos, meron din na kahit anong kumpuni ay sira parin. Siguro hindi kasi match, hindi pares. Katulad din ng pagsusuot ng sapatos. Hindi pwedeng parehong kaliwaan dahil siguradong hindi ka makakalakad."
Umatras ng tatlong beses si Mae. "Trip salamat sa pagdala dito kay Kate. Pero Ikaw at Ako ay tulad ng isang sapatos, parehong kaliwaan, hindi match kaya pagmagkasama tayo hindi tayo makakalakad. Lets seperate or end this way. You walk on the right side, while I'll take the left. That way maginhawa tayong makakalakad."
Nilingon ni Trip ang tinuro ni Mae na daanan nya. laylay ang balikat at malungkot syang tumango kay Mae. Ng magsimulang humakbang si Mae, nagsimula narin si Trip sabay ng pagbagsak ng luha nya.
Ang Right side na daan na tinuro ni Mae para kay Trip ay palabas ng shelter.
At ang left side na tinuro ni Mae ay ang pabalik sa loob ng sheter. Na sya ngayon nilalakbay nya.
*****
i'm Happy for the Zy-Xy couple. Masaya ako para kay Zalea. Yung kwento nila ni Xyprus ang nagpaiyak sakin noon. And to all who send me messages na fan nila eto na yun! Thank you guys! I will end this way...but next chapter ay alay padin sa mga Maybe this Time readers. Next up will be Brix Xyprus flashbacks.
Pahinga muna kay Mae at Trip. Ginagawa ko na kasi ang biggest reveal. ;)
THANK YOU sa patuloy na nag a-add sa Library at Reading list nila sa mga stories ko. Salamat sa pagdami ng followers ko!
*****&&&****
MAEJESTY
BINABASA MO ANG
The Same Mistake (completed)
General FictionMAYBE THIS TIME & THE VIRGIN'S MISTAKE 2 The Same Mistake Again? pag nasaktan ka ng isang beses, uulitin mo pa ba? kaya mo pa ba? kung kaya mo.. sino ang pipiliin mo? ang kaya kang mahalin ng higit sa kaya mong ibigay o ...