"Pwede ba kitang sunduin mamaya?"
Napangiti ako at kinuha ang unan para itakip sa nag iinit kong mukha. Mabibigat ang aking paghinga.
"Mae? Wag mo naman akong tulugan." Hindi ko man nakikita ito ngayon, sigurado ako na nakakunot noo ito.
Tinanggal ko ang unan sa mukha at tinignan ang oras. Napahikab ako.
"Trip...anong oras palang." Inaantok kong sabi.
"E, hindi na ako makatulog." May lambing sa mga salita nya.
"Bakit mo ba ako kailangang sunduin pa?"
"Kasi Delikado ang daan."
"Trip...."
Naupo ako at sumandig sa headboard. Nasa tenga ko parin ang cellphone at pinaglaruan ng daliri ko ang aking buhok.
Hindi ko maipaliwanag ang nadarama, may sundot sa puso ang ganito kaagang pagtawag ni Trip. Pag-aalala, dahil hindi ko matandaan na may ganitong habit sa magkaibigan...
Ang magtawagan, habang hindi pa tumitilaok ang manok. Hula ko hindi parin nga naka three am prayer sila Sister.
"B-bakit ka ba kasi tumawag?" Napakagat ako sa labi. "B-baka magising mo si Anne..."
Dinig ko ang pabuntong hininga ni Trip. "Kung alam mo lang sana...."
Napatuwid ako ng upo. "Trip? May nangyari ba?"
"Wala...wala...kalimutan mo na yun." Sabi nya.
Tinanggal ko ang kumot na nasa mga paa ko, bumaba ako ng kama at naglakad patungo sa bintana. Ng makita na madilim pa talaga sa labas muli akong bumalik sa kama at naupo.
"Trip, kung may problema kayo ng Asawa mo pwede ba wag ako ang tawagan mo. Baka malaman nya ito, mas lalo kayong magka galit."
"Hindi naman kami nag-away, tumawag ako para madinig ang boses mo. Mae?"
Napalunok ako at napahawak sa dibdib, parang biglang may nagpulasan na daga sa kaloob-looban ko. Namasa narin ang kamay ko na nakahawak sa cellphone.
Hindi nya na dapat ginagawa ito. Pilit kung pinapaalala na may Asawa sya, kung dating kami pa. Malaya syang tawagan ako kahit anong oras ay okay lang, pero iba na ngayon. Komplikado. Hindi nya ako natutulungan.
Tinanggap ko na makipagkaibigan sa kanya dahil akala ko makakamove on ako dahil okay na kami. Pero sa ginagawa ni Trip, mukhang magkakaproblema akong muli.
Nag-ipon ako ng hangin sa baga at pinakawalan ito.
"Trip I know we're friends."
"Yeah, I know." Sya.
Tumango ako kahit hindi nya nakikita. "At lahat ng magkaibigan may limitasyon."
"Anong ibig mong sabihin?" Sya.
"Trip, hindi mo dapat ako tinatawagan sa madaling araw para tanungin ng kung ano-ano. Naiisip mo bang marinig ka ng Asawa mo? Magising sya na w-wala ka sa tabi nya? Trip, hindi mo obligasyon na tawagan ako at wala rin akong obligasyon para sagutin ito. Trip kahit okay na tayo, please lang."
Naibagsak ko ang likod sa kama. "Lumagay ka naman sa lugar."
Natahimik ang kabilang linya, tinignan ko ang cellphone kung pinatay na ba ni Trip ang tawag pero hindi pa pala, muli kong pinakinggan, Ang paghinga nya ang naririnig ko kaya nakagat ko ang labi. Siguro nasaktan ko sya.
Nakonsensya naman ako.
"T-trip s-sorry...."
Sinagot nya ulet ako ng malalim na paghinga.
BINABASA MO ANG
The Same Mistake (completed)
Ficción GeneralMAYBE THIS TIME & THE VIRGIN'S MISTAKE 2 The Same Mistake Again? pag nasaktan ka ng isang beses, uulitin mo pa ba? kaya mo pa ba? kung kaya mo.. sino ang pipiliin mo? ang kaya kang mahalin ng higit sa kaya mong ibigay o ...