Di maka get over sa Ending? Yan tayo e...Because WE believe...Kapit lang...
****
"Revise it!" nagkalat sa mesa ni Miss Dream ang mga papel.
Hindi na pinansin ng dalaga ang lukot na mukha ni Miss Dream, unti-unti nyang pinulot ang nagkalat na papel. Blanko ang ekspresyon nito. Ang mga papel na iyon ay naglalaman ng mga bagong pahina para sa sinulat nyang libro.
Nakapag publish na sya ng unang libro, naging matagumpay ito kaya nakumbinsi syang gawan ng book 2. Ilang buwan nya itong pinagpuyatan at iniyakan tuwing bubuo sya ng mga eksena at linya.
Nakatunghay lang sa kanya ang Boss, wala syang pakialam kong ayaw nila itong e publish. Una palang naman nakuntento na sya sa book 1. But, those Hopeless romantic readers ay naghahanap pa ng Special chapters o the popular Happy Ending.
Hindi nya makita ang saliring ngumingiti habang gumagawa ng masasayang eksena. When she try to write one, nabablanko sya. That leave her with no choice but to twist the story, bagay na hindi kinasanayan ng nakararami.
Matapos nyang mailagay sa folder ang mga napulot na pahina ay tumayo na sya at tumalikod.
"Maejesty." napatigil sya sa paghakbang.
Hinarap sya ni Miss Dream at wala sabi-sabing niyakap ang dalaga. Hindi man lang ito kumurap at nakatayo lang na parang estatwa.
"Hey?" nag-iwas sya ng tingin ng yugyugin ni Dream ang kanyang balikat. "Ano bang problema mo? Lumaki ka naman na buo ang pamilya diba? I meet your parents at mababait naman sila? Hindi ko maintindihan kung bakit ang better mo?"
Ipinagkibit balikat ng dalaga iyon. "Ayaw nyo sa sinulat ko?"
"Hindi! Hindi sa ayaw namin..." she cup her face. "Youre story is one of a kind, ang dami ko ngang niluha doon its very touching, nakuha mo ang mga puso namin...but Maejesty, The Day Dream Hearts publication have this motto and goals."
"At yun yung tinutukoy nyo na Happy Ending?" pagak syang natawa at napailing. "Walang ganyan sa tunay na buhay Miss Dream, kalukuhan lang yan! What do you expect na ang buhay ng tao ay parang teleserye? Yung parang gulong ng buhay? Minsan nasa ilalim, minsan nasa ibabaw? Hiprocrisy!"
A slap by Miss Dream stop her. Pagtingin nya sa Boss ay hindi nya inaasahan ang luhang tumulo mula sa mga mata nito.
"M-miss Dream..." lalapitan nya sana ito.
"Stay." naglakad si Miss Dream at humarap sa floor to ceiling window. Kitang kita ang mga sasakyan at mga taong busy sa daan. "Come here..." hindi maintindihan ni Maejesty kung bakit sya napahakbang.
"Tignan mo sila..." napasunod ang tingin nya sa itinuro nitong mga taong naglalakad sa init ng araw. May iba naka sumbrero at may naka payong.
"Ang pagsusulat ay pagkukwento ng buhay ng tao, maraming writers kaya iba't-ibang kwento ang ating nababasa mapatunay na kwento o pawang likhang isip lamang. Pero lahat ng mambabasa ay umaasa na sa huling pahina ng kanilang binabasa ay magbibigay sa kanila ng pag-asa." sabi ni Miss Dream.
"Tulad na lamang ng mga taong yan, naglalakad sa init ng araw, mga nagtitiis. Kung kukunin mo ang sumbrero at payong nila ay parang binawi mo narin ang pag-asa nilang lakarin pa ang mahabang distansya. Ang una nilang gagawin? Sumuko. Tumigil." napayuko ang dalaga at pasimpleng pinahid ang butil ng luha sa kanyang mukha.
"Maejesty, nagbibigay ka ng magagandang kwento at aral sa buhay. But what we hope and want to see that in this life after the storm and struggles bibigyan mo kami ng pag-asang ang ganda ng buhay. Masarap umibig." puno ng saya ang nasa mga mata ni Miss Dream.
BINABASA MO ANG
The Same Mistake (completed)
General FictionMAYBE THIS TIME & THE VIRGIN'S MISTAKE 2 The Same Mistake Again? pag nasaktan ka ng isang beses, uulitin mo pa ba? kaya mo pa ba? kung kaya mo.. sino ang pipiliin mo? ang kaya kang mahalin ng higit sa kaya mong ibigay o ...