6. REASONS

861 28 12
                                    

Muli kong tinuyo ang luha sa mata ko. Mag aalas nuebe na ng dumating ako sa Shelter. Nakapatay narin ang ilaw sa paligid tanging ang bilog na buwan ang umiilaw sa dinaraanan ko.

Mabigat ang hakbang na tumungo ako sa garden, hindi ko alam kong sisisihin ko si Trip dahil sa paglapit nito sakin, o ang sarili ko dahil naniwala ako kahit papaano sa pangakong iyon.

Kung babalikan ko ang dating si Mae, napakalayo na ng nilihis ko papunta sa tuwid na daan. Simula noon, sinabi ko sa sarili ko matatag ako, walang manlalamang sakin dahil hindi ako magpapalamang.

Pero isang araw, napana ako ng mapurol na pana ni kupido, sapol. At lahat ng alam kong tama, kinalimutan ko. At ngayon, Mahal ko parin si Trip ang nakatakdang pagkikita nayun...Mali.

Pero bakit, sa tingin ko yun ang pinakatama?

Bakit nanlumo ako ng hindi ko sya naabutan doon, bakit nasaktan ako? Bakit umaasa ako?

Kasi, ikaila ko man sa kanilang lahat, sa puso ko hindi ko maipagkakailang...umaasa ako na iiwan ni Trip ang Asawa nya para sakin.

Sa ideyang yun. Kumabog ang puso ko. Bakit? Mali kasi, pero sa puso ko ang masasabi ko lang...

Wala akong paki!

"Kung ano man yang iniisip mo, para sa salitang delikadesa maghunos dili ka." Madiing sabi ng boses na nanggaling sa likuran ko.

"Mae, kahit kailan hindi naging tama ang agawin mo ang taong pagmamay ari na ng iba." Sabi pa nya.

Tumulo ang luha ko. Totoo kasi yun at masakit sya.

"Kaya ba hinayaan mo si Kate sa kapatid mo kahit alam mong ikaw ang mahal nya?" Ganti ko.

"Wag mong idadamay ang buhay ko dito Mae! Ikaw ang may problema dito, ang utak mo dapat luminaw kaya wag mong ibabalik sa nakaraan ko ang usaping ito!" Bakas sa boses ni Brix ang galit.

Naiinis ako kay Brix, ano ang naging tama sa desisyon nyang sumang ayon sa pagpapakasal ni Kate sa taong hindi nya Mahal. Nakikita ko ang paghihirap ni Brix sa tuwing sinusunog nya ang dyaryong laman ng balita si Kate at Fren. Naghihirap rin ako kaya gusto kong maghanap ng paraan para tuldukan ito.

"Anong pakiramdam mo Brix sa tamang desisyon na iyon, masaya kaba?"

"Oo!" Mabilis nyang sagot.

Tumayo ako at hinarap si Brix.

"Kung totoong okay kana, sabihin mo sakin kung bakit nasa iyo parin ang litrato ni Kate na tuwing gabi mong hinahalikan at iniiyakan? Sabihin mo sakin kung bakit mo ginagawa yun!"

Hindi ko maaninag ang naging reaksyon ni Brix.

"D-dahil yun ang tanging paraan ko na ipakitang Mahal ko parin sya." Mahina ang pagkakasabi nya pero dinig na dinig ko yun.

"Kung ganun makukuntento ka nalang doon? Hindi mo sya kukunin?"

"Bakit Mae? Babawiin mo rin ba si Trip?" Sansala nya sa sasabihin ko. Napaawang ang mga labi ko.

Nahuli ba ako ni Brix? Yun ba talaga ang pinupunto ko?

Inilang hakbang ni Brix ang distansya namin hinawakan nya ako sa balikat at bahagyang niyugyog. Napasinghap lang ako.

"Kukunin mo sya mula sa Asawa nya? Para ano? Para mapatunayan mo na yun ang tama? Dahil kayo ang totoong nagmamahalan? At ano ang kapalit Mae? Ang sirain ang tingin ng tao sa kanya? Ang sirain ang pangakong sinumpaan nya sa harap ng Dyos? Ang saktan ang taong nagmahal sa kanya noong mga oras na iniwan mo sya? Dahil para sa ano? Sa sarili mong kaligayahan? Dahil lang doon kaya mo syang sirain?! Ganun ba ang tama para sayo Mae?!!" Brix is so furious and mad.

Nahahapo ako, sapo ko ang puso ko. Sunod sunod ang luha nagbagsakan sa mata, nanghihina ako, humigpit ang hawak ni Brix sa balikat ko hanggang sa unti-unti ang hikbing iyon ay lalong lumakas.

"M-mae...mae...." pukaw ni Brix sakin.

Pero wala akong ibang naririnig kundi lahat ng isinampal na salitang galing kay Brix.

Ang pagmamahal kong iyon kay Trip kapalit ng pagsira ko sa kanya? Sa lahat ng taong nagmamahal sa kanya bukod sakin?

Niyakap ako ni Brix.

"Mae andito ako. Nandito ako. Handa ako...handa ako para sayo."

Hindi ko maintidihan ang ibig ipagkahulugan ni Brix. Lady Jam? Asan ka gusto kitang makita...

****

Hindi alam ni Trip kung bakit umalis sa sya pagkakaparada sa harap ng opisina ni Mae at nagparada ilang gusali malapit lang din sa opisina ni Mae. Natanaw nya pa nga ang palinga lingang si Mae tanda na hinahanap sya nito.

Hindi nya rin alam kong bakit sinundan nya ang sinakyang taxi ni Mae pauwi sa Shelter.

Marami syang tanong, at pangamba ngunit ang makita kanina at mapalapit kay Mae ay sobrang saya ang dulot sa kanya.

Bakit nga ba sya nakipagkita dito?

Sa loob ng ilang buwan na hindi nya ito nakita, ay sobrang pangungulila ang kanyang nadama. Nandyan si Ann, Mahal sya nito pero hindi nya mabaling ang pagmamahal nya dito.

Noong, kinausap sya ni Mae gabi ng Engagement party nya. Sobrang saya nya ng makita ito, pero bigla ring natakot na baka pag iniwan nya si Ann saktan lang ulet sya ni Mae. Yun ang mahirap kay Mae, dahil napaka impulsive ginagawa kong ano ang maisip. At natatakot syang maiwan na naman.

Ann was there. Natulungan sya nito at noong gabing yun natutukso man syang balikan si Mae at iwanan si Ann. Hindi nya nagawa, hindi nya magagawang iwan si Ann sa harap ng lahat dahil alam nya ang maiwan sa gitna ng kasiyahan at atensyon ng lahat. Andyan si Ann noong bumabangon sya sa pag iwan ni Mae sa kanya, pero si Ann sino ang aalalay dito kung iiwan nya ito at piliin si Mae?

Siguradong magkakagulo. Masisira ang lahat. Ann was the safest choice. To be with Mae is a risk.

Pero sa nakalipas na buwan na si Ann ang kasama nya. Doon nya naisip, pinili nya nga ang pinakaligtas na babae hindi naman sya masaya.

Doon na sya nagka What if?

Pero ang malaking bumabagabag sa kanya ngayon...

What if tanungin nya si Mae to be his Mistress? Papayag kaya ito?

****

Nakatulog na si Mae sa mga braso ni Brix. hinawi nya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa basa nitong pisngi.

"Bakit sya muling nagparamdam sayo Mae? Ano ba ang balak nya? Wag kang mag alala Mae. Hindi kita papabayaang mapasa Kanya."



****

MAEJESTY

The Same Mistake (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon