Yung napa Type at Update ako kasi akala ko ikakasal na si Miley at Liam, tapos buntis si Girl! #MiamGoals #Nangarap****
"Asan ang lakad mo?" Matapos kung ikabit ang hikaw ko sa kaliwang tenga, kinuha ko naman ang suklay para muling pasadahan ang buhok ko.
"Alas syete na, saan ka pupunta?"
"Brix." Hinarap ko ito, nakasandig ito sa hamba ng pinto.
Napasmirk ito. "Ganda natin ah."
"Brix pwede ba..." Hindi ko na ito pinansin. Kinuha ko ang cellphone at nagcheck kung may mensaheng dumating.
"8pm."
Pilit kung iniwasan ang mga mapanuring mata ni Brix, pero para parin akong napapaso.
Naupo ako sa dulo ng kama ko. Kita ko sa gilid ng aking mga mata ang paghakbang ni Brix papalapit sakin. Isinara nya ang pinto at nilock.
Napahinga ako at nag iwas ng tingin.
"Saan ang punta mo?"
Hindi ako sumagot.
"Magkikita kayo."
Hindi ito nagtatanong. Parang tinumbok nya talaga ang mangyayari. Kaya napatawa ito.
At masakit ang pagtawang iyon.
"Mag d-date kayo? Makikipagdate ka sa taong may Asawa? Makikipaglandian? Magkikita ng patago?" Muli itong natawa ng mapang uyam. "Nakakasuka."
Tiningala ko ito at sinamaan ng tingin.
"Tumigil ka na. Hindi ako katulad ng iniisip mo!" Galit kung sabi.
"Hindi ako pinanganak kanina, kaya wag mo akong gawing tanga! Alam ko yan! Alam na alam ko yang ginagawa mo!" Dinuro duro nya pa ako sa mukha.
Tumayo ako at pinalo ang kamay nya. Nakipagtitigan ako dito. Mata sa mata. Nasasalamin nya siguro ang emosyon sa mata ko kaya ito rin ang unang nagbaba ng tingin.
"Talaga? Alam mo? Alam na alam mo? Bakit ginawa mo na ba? May ginawa ka ba?" Napasuklay ito ng buhok at tumalikod.
"Bakit mo ba palagi ibinabalik sakin yan Mae?" Hinilot nito ang sentido.
"Dahil wala ka ring karapatang pagsabihan ako sa kung ano ang tama. Pareho lang tayo Brix, ang ipinagkaiba natin ako may ginagawa, ikaw wala. Kaya sa bawat salitang ibabato mo sakin, ibabalik ko lahat sayo...alam mo kung bakit?"
Hinawakan ko ang balikat nito para harapin ako.
"Kasi Brix, hindi ka perpekto. Andami mong mali, kaya wala kang karapatang itama ang mali ko, kung ang sayo mismo hindi mo maayos." Tinapik ko ang balikat nya at naglakad na papunta sa pinto.
Pinihit ko ang doorknob, bago tuluyan itong maisara nilingon ko si Brix.
"Brix, hindi ka bulag. Nakikita mo ang lahat. Kung patuloy kang magbubulag bulagan baka sya rin mabulag na at makalimutan nya ang mukha mo, lalong lalo na ang pagmamahal nya sayo."
Muli itong tumalikod mula sa kinatatayuan ko.
"K-kaya ko nang masaktan ngayon. Ikaw? Kaya mo ba?"
****
"Saan mo gusto?"
Napangiti ako sa kawalan ng tanungin ako ni Trip, nakapark ang kotse nya dito sa labas ng shelter.
"Niyaya mo ako, nagbihis ako at nagpabango tapos ang ending wala ka palang plano sa pupuntahan natin."
"E...kasi .."
BINABASA MO ANG
The Same Mistake (completed)
General FictionMAYBE THIS TIME & THE VIRGIN'S MISTAKE 2 The Same Mistake Again? pag nasaktan ka ng isang beses, uulitin mo pa ba? kaya mo pa ba? kung kaya mo.. sino ang pipiliin mo? ang kaya kang mahalin ng higit sa kaya mong ibigay o ...