"Mae!"
Si Trip pala.
"Oh, hi!"
Pilit kung pinakalma ang sarili noong tinawag ako ni Trip at sinabayan sa paglalakad.
"Saan ka?" Nasa mga bulsa nya ang kamay.
"Dyan lang..." kaswal kung sabi.
Nagpatango-tango si Trip. "Uhhmmm...want someone's company?"
Tumigil ako at tumingin kay Trip, nakangiti ito pero dahil kilala ko sya alam ko kinakabahan to. His eyes, shouting for a moment.
"Nababaliw kana..." ngumiti ako at muling naglakad.
"Mae..." narinig ko ang papahinang pagtawag ni Trip sa pangalan ko.
Nilingon ko sya. Nandoon parin ito nakatayo. Nahabag naman ako dahil para itong cute na puppy na iniwan ng amo.
Nagkibit balikat ako at dali-dali ko syang nilapitan.
Tumigil ako sa harap nya at sinalubong ang titig nya.
"Why?" i ask.
Nasundan ko ng tingin ang pag-abot at pagpisil nya sa palad ko.
"No reasons. Basta ang alam ko, i want you---."
Napasinghap ako at hinila ko agad ang kamay ko. Tumingin ako sa paligid parang normal lang naman ang mga tao sa paligid. May nakarinig kaya sa sinabi nya?
"H-hey...its not what you think!" Depensa nya.
Tinaasan ko sya ng kilay. Telling him 'wag mo akong gawing tanga' look.
Agad naman nagbalik ang expression ng kanyang mata. "Naku Mae, wag kang magmaganda. Hindi ka ganoon ka ganda para iwanan ko si Ann para sayo." Natatawang sabi nya.
Ah.Ok. My reaction. May panlulumo akong nadama, pero sandali lang naman. Alam kong maganda ako kaya mahirap tanggapin na isa si Trip na magda-down sakin.
Come to think of it, bakit ba sya habol ng habol at lapit ng lapit kung kaya naman pala nyang e resist ang Ganda ko. For Sure hindi nya lang maamin sa sarili.
"So? Bakit gusto mo akong samahan ngayon?"
"Pag ba nakasabay ka lang kailangan may dahilan?" Sya.
"Ewan ko. Siguro para sa akin."
Napabuntong hininga si Trip at nilahad ang palad nya.Nagpabalik-balik ang tingin ko sa palad nya at sa mukha nya.
"Mae, you're my bestfriend. May kasalanan ka sakin pero hindi ko magawang magalit sayo." Napayuko ako at naalala na naman yun, pero inaangat nya ang baba ko para makita ko ang mukha nya. Walang galit sa mga mata nya.
"Sinaktan mo ako, yung unang babaeng nang-iwan sakin halos isumpa ko." Hinaplos nya ang pisngi ko. "Pero ikaw, hindi ko kayang magalit sayo. Alam mo kung bakit? Kasi ikaw lang ang may kakayahang buuin, sirain at muling bubuo sakin. Indeed, you're not just a Lover you're also a Bestfriend."
I close my Eyes and smile.
"Hindi mo ako kayang iwasan o kalimutan. Ako din. Kasi hindi lang natin Mahal ang isa't-isa bilang isang magkarelasyon. Mahal din natin ang isa't isa bilang magkaibigan at yun ang hindi natin kayang iwasan." Pagpapatuloy nya.
Tama, naging mabuti kaming magkaibigan ni Trip. Bago ko sya naging Boyfriend tinulungan ko muna syang kalimutan ang first Love nya. Bago nya minahal si Mae, nakilala nya si Lady Jam.
"Kaya Mae, hinihingi ko na sana tanggapin mo ulet ako, hindi bilang isang Minamahal pero isang kaibigan." Punong puno na pag-asa na sabi nya.
Gugustuhin ko bang muling mapalapit kay Trip? Hindi ba awkward? Hindi ba ako naghuhukay ng malalim para sa huli mailibing lang ang puso ko?
BINABASA MO ANG
The Same Mistake (completed)
General FictionMAYBE THIS TIME & THE VIRGIN'S MISTAKE 2 The Same Mistake Again? pag nasaktan ka ng isang beses, uulitin mo pa ba? kaya mo pa ba? kung kaya mo.. sino ang pipiliin mo? ang kaya kang mahalin ng higit sa kaya mong ibigay o ...