21. CHOICES

627 15 1
                                    

LISTEN TO THIS.....SONG BY  LASSE LINDH RUN TO YOU



........

Hindi ko makakalimutan ang mga bilin ni Brix bago kami umalis ni Trip kanina. Binigyan nya ako ng curfew, alas 11 dapat nasa labas na ako ng gate. Ipinakita pa talaga nya kanina ang pagkuha ng bangko at tumambay mismo sa labas ng gate.

Sisiguruhin nya raw na mauuwi ako ni Trip. Medyo nagtampo pa nga kanina si Trip dahil naiiyak ako at nayakap ko si Brix, grabi naman talaga ang concern na ipinakita ng isang yun.

"Let's go?"

Magkahawak kamay kami ni Trip na pumasok sa isang napakaingay na lugar. TRAVEL's PLACE. I never go to a place like this in my entire life, hindi ko rin maalala noon na nagpaalam si Trip sakin para pumunta sa mga ganitong lugar.

Naging mapatmagyag ang mata ko, nanlaki ang mata ko ng makita na kahit saang sulok may nag m-make out.

Kung hindi lang nakakahiya tatakpan ko na sana ang mata ko, pero baka magmukha akong tanga at mapahiya si Trip, I know marami ang nakakakilala sa kanya rito.

"TRAV!" Nakita ko ang lalaking kinawayan ni Trip. Yung bartender.

Lumapit kami ni Trip. Nagbatian just like Boy-friends do. Bro-fist and Man-hug.

"How are you Trip MaBoy?" Sabi nung Trav.

"Give me one, Trav. And stop calling me as if..." naiirita yung tono ni Trip.

Tumawa yung Trav at nagserve ng inumin kay Trip. "What?"

Tinungga agad nya ito. "Manwhore."

Sabay silang napahalakhak. Pinagapang ni Trip ang kamay nya at permanente itong nilagay sa beywang ko.

Nawala ang ngisi noong Trav ng dumako sa akin ang tingin nya, nailang ako ng makita nya ang kamay ni Trip sa beywang ko. Pilit ko itong inalis pero tinapik lang ni Trip ang kamay ko.

"She is?..." Trav facing Trip.

Nagtitigan sila ni Trip. Parang biglang may Yelo sa pagitan nila at nagpapaunahang tunawin ito. Si Trip ang nag iwas ng tingin at nilingon ako.

Pinisil nya ang beywang ko. "She's..." humarap sya kay Trav. Pigil ko ang aking hininga, hindi ko alam kung paano ako ipapakilala ni Trip sa mga kaibigan nya. "She's Mine."

Kumunot ang noo ko kay Trip. Ano daw?

"Ow?" Trav smirk at inabot ang kamay nya sakin. "Nice meeting you Mine?"

Hindi ako nakagalaw. Hinihintay kung e-correct ni Trip ang pakilala nya sakin.

Pinalo ni Trip ang nakalahad na palad ni Trav. "Jerk. Her name is Mae."

Trav throw a confuse look to Trip. "What? I thought she's Mine?" Gulo itong nagpalipat lipat ng tingin sa amin ni Trip.

"You just ask Who is she, To me she's Mine. But for you? you call her Mae." Trip.

Napahinga si Trav. "Ang Corny mo Trip. Kung ano-ano pang nalalaman." Nakipag highfive si Trip dito.

"By the way Mine..." baling ni Trip. "This guy a Friend, he's Travel Hammon." Pakilala ni Trip.

Nahihiya ko itong kinawayan. "Mae. Mae Garcia. At please wag kang maniwala kay Trip." Pinalo ko ang hita ni Trip at bahagyang natawa.

Kinindatan ako ni Travel. "Oo naman, nakikita kung youre a fine lady. Ang mga tulad mo ang di maloloko nitong si Fontane, lalo na pagnagsusumigaw ang proweba sa daliri." Malakas na natawa ito.

The Same Mistake (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon