"Brix sigurado ka ba na wala kang gagawin?"
"Doing for this for two months, two months mo na rin tinanong yan at two months narin akong sumasagot nyan." I raise my brow. "Di ka pa ba nadala Mae?"
"Kung sabagay di ka naman madadala pag di ka inuntog."
Nang may nakita akong tinidor agad ko itong binato kay Brix. Tinawanan nya lang ako.
"Wala ka bang trabaho? May Company service kami bakit ba kailangan mo pa akong ipagmaneho?"
Its been two months, masasabi ko balik normal na ang buhay ko. Si Brix ang syang nandyan para sakin. Sa bawat gabi na hindi ako makatulog at umiiyak sya ang sumasama sa akin para mag movie marathon. Hanggang sa nagising nalang ako sa mga salitang binitiwan ni Ann noon.
"Your selfish Mae. Dyan ka lang ba magaling? Ang isama sa kabiguan mo ang lahat? You're better than this."
And yeah. I'm better than this. May pinagdadaanan din naman si Brix pero hindi mo sya makikitaan ng lungkot.
"Pangarap ko kasing maging taxi driver, kaya hayaan mo na ako. Practice ba..."
Napalingo na lang ako, mga trip nya sa buhay ang hindi ko rin masabayan minsan. His living the dream, ito naman ang pangarap nya. Freedom.
Pagkatapos kong magsipilyo lumabas na ako ng kitchen at nilapitan si Brix na nakatutok sa TV.
"Tara na.." tinapik ko sya.
Bago pa ako makahakbang pinigil nya ang kamay ko at tumayo sa harap ko.
"Bakit?" Tanong ko.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?" Puno ng pag aalalang hinaplos nya ang pisngi ko.
"O-oo naman..." natawa pa ako. "Nabigla lang ang tyan ko kanina." Sabi ko na sinalubong ang tingin nya.
Kanina kasing agahan ng maamoy ko ang taho ni Brix ay bumaligtad ang sikmura ko at nagsusuka ako.
Nagtitigan kami ni Brix. I know, he know. Kahit lubog ako sa mga titig ni Brix pinipisil naman nya ang kamay ko. May gusto syang iparating, at natatakot akong paglaanan yun ng pansin.
"Basta. Mag ingat ka."
Yun lang ang sinabi nya at inalalayan ako palabas ng shelter. Brix, showing his Lovable side and I'm afraid I'll fall again. Ayokong gagawin na naman akong option.
Ayokong mamili between choices and reason. Nangako ako kay Kate na babantayan ko si Brix para sa kanya. Ayokong maakusahan na Bantay-Salakay.
Ayoko ng manira. Kumota na ako. Once is enough.
Kailangan kong ibaon sa isip ko na Brix is just Helping me to Heal and not pushing me to Fall.
****
Isang Auction event ang pinuntahan namin. Kasama ko sa team sila Cherry, Ana, Riezl, Joy, Grace at Gladys. 8pm pa ang start kaya tumambay muna ako sa may pool area.
Ilang minuto pa akong nagpahangin ng tawagin ako ni Joy dahil nag dadatingan na ang mga bisita.
Pagpasok ko sa hall nasa stage na si Grays. Dumaan ako sa pinakagilid papunta sa backstage.
"Sa susunod na araw pa ako makakauwi...may bagyo sa Atlantic ocean kaya hindi makadaan ang cruise ship..." sabi ng isang lalaki nasa madilim din syang part at halos wala ng magagawi.
"Oo, at medyo choppy ka nasa barko kasi ako ngayon..." sabi pa nito na ikinataas ko ng kilay.
Hay mga lalaki nga naman sinungaling na nga, manloloko pa.
BINABASA MO ANG
The Same Mistake (completed)
General FictionMAYBE THIS TIME & THE VIRGIN'S MISTAKE 2 The Same Mistake Again? pag nasaktan ka ng isang beses, uulitin mo pa ba? kaya mo pa ba? kung kaya mo.. sino ang pipiliin mo? ang kaya kang mahalin ng higit sa kaya mong ibigay o ...