Two weeks has passed. Maybe its a mutual decision. Hindi na muli pang nakipagkita si Trip. Last na yung naabutan kami ni Ann sa hotel. And when that time he call my name, ng hindi na ako lumingon.
That was the End.
Everything must have come to an End.
I thank God, he guided me. Pinakita nya ang worst for me to see the best. Ngayon Okay na. Na realize ko na kasi na wala na talaga. Hindi na sya pwedeng e laban kasi, masasaktan lang ako, masasaktan lang sya at walang hanggang pagsasakitan.
Gusto ko paring magpasalamat sa lahat ng nangyari. I've learn my lessons. Kahit sabihin ko pa kasi na ako naman yung mahal, ako yung minahamal. Kaylan man hindi naging tama ang makihati sa taong may responsibilidad na.
Yung alam kung Mali, sinubukan kong Itama. At once naging Mali...Mali na talaga.
At ngayon masasabi ko, Okay na. Magsisimula na ako.
"Kumusta Miss Movin on?"
Inabutan ako ni Brix ng juice. Tinanggap ko naman ito at napakibit balikat. Move on? Wala pa ako dun. Nasa stage palang ako ng Acceptance.
Then Healing. Followed by Letting go. And last Hold on to tomorrow.
"Ayokong mag Move on..."
"Ano?! Sige parin? Mourning padin? Unli? Marami kang reserve na luha?" Napatawa si Brix. "Aba, kailangan na kitang ilapit sa Manila water district para taga supply ng tubig."
I smile. "Doon natin napagkakamali, pag nasaktan ka hindi mo kailangan mag Move On. May narinig ka na ba na nagsabing mag mo-move on? Naka move on ba sila?" Naghintay ako ng sagot nya.
"Yung move on ba na sinasabi mo yung buburahin ko ang number nya pero memorize naman? Yun ba yung susunugin ko lahat ng bagay na binigay nya? Yung iiwasan ko kumain ng ganito kasi favorite nya? Yung iiwas na ako sa mga Gwapo kasi manloloko sila. Yung totoo move on ba yan o niloloko mo lang sarili mo?"
He just look at me.
"Wala diba Brix? Kasi hindi sya dapat move on. Its Healing. At ang healing may process. First, Accept. Tanggapin na wala na, wala kanang ilalaban. Second, Heal. Yun yung pinakamahirap gawin. Paano mag Heal? Balikan mo lahat. Pag sinabing lahat? Pati ang taong nanakit sayo. Then Let go and Hold on to tomorrow."
"Pareho lang naman yun Mae, move on parin yun. Ikaw ah. Talino mo talaga. Ayaw mo ng copy paste."
Nagkibit balikat ulit ako. "Alam mo Brix, minsan tinanong ako ni Fun kung naka move on na ako ang sabi ko, Oo. Kasi lumipas ang taon at araw na nakaya ko na hindi sya kasama.Napapatawa ako ng ibang tao. Ang alam ko may Asawa na sya. Dahil nag move on na daw ako, pero bakit noong nakita ko sya na may kasamang Iba, nasaktan ako? Bakit noong nagpakita sya ng interes, umasa ako? Move on Na diba?"
"Yun ang Move on Brix. Ang Move on? Pangyayaring napaglipasan ng panahon pero pag muling pina alala sayo? Masasaktan ka ulit."
Brix was amaze. Napanganga pa nga ito. Natawa naman ako.
"If you Accept, Heal and Let go. Isupalpal pa yang nakaraan mo hindi kana apektado. Kaya gusto kong mag heal Brix. Kailangan hindi ko lang alam na may Asawa si Trip dapat tanggap ko rin."
Tiningnan ko si Brix, hinawakan ko ang kamay nya at pinisil. "Alam mo tama ka. Dapat akong naghintay sa tamang panahon.D-dapat nakinig ako sayo Brix." Tumigil ako sa pagsasalita ng pinahid na ni Brix ang nagbagsakan kung luha. "Kasi ang sakit Brix. Ang sakit matalo. Ang sakit mawalan. Ang sakit mapagod at sumuko."
"Hindi Mae. Siguro nga masasabi mo na ako ang tama. Gusto kitang pagtawanan kasi all along pinakita mo sakin na never ako magiging tama kasi wala naman akong ginagawa."
I press his hands. "S-sorry..."
"Pero Mae hindi ko magawang tumawa. Nasabi mo lang na tama lang maghintay kasi hindi ka masasaktan. But you know what? Galawang Pang Loser lang yun kasi yun yung pinaka safe. Nasasaktan ka ngayon kasi ipinaglaban mo. Natalo ka, Oo. Pero wala ng What If's. Ngayon diba, na tanggap mo na, ipinaglaban mo walang nangyari."
Ako naman ngayon ang nakinig.
"Ako pag may nagtanong. Nagmahal ka na ba? Sasagot ako, Oo naman. Sasabihin nila, Asan na sya? Sasabihin ko ulit, wala sya e, nagbulag bulagan ako tapos binigay ko sya sa kapatid ko. Alam ko kasi dadating ang panahon babalik sya kasi kami ang para sa isa't isa. Pero dumaan na ang panahon at taon, wala parin sya."
First time. Brix tears fall at hindi man lang sya nag abalang pahiran ito.
"Alam mo yung masakit Mae? Yung tatanungin ko ang saliri na What if binawi ko sya? What if kung tinakas ko sya sa palasyo? What if kung naki usap ako sa Presidente? Sa Hari? What if hindi ako naghintay at lumaban ako? What if! What if! What if! Pucha Mae!" Yumakap ako sa kanya at sinabayan ang pagyugyog ng balikat ni Brix.
"Mabuti ka pa. Wala ng What if. Pag may nagtanong sayo. Masasabi mong, "Oo, hindi naging kami. Lumaban kami, sumaya at natalo. Ginawa namin lahat pero Okay lang hindi na masakit. Gumaling nalang bigla ang sakit wala kasing What if" yun yung tama Mae. Kaya Ikaw ang Tama. Dapat lang talaga na nilaban nyo. Tama ka naman, Una palang e..."
I tap his shoulder. "Sa nakikita ko ngayong pag iyak mo. Pareho tayong Tama. Minsan kailangan mong lumaban, minsan rin kailangan mo rin maghintay lang. Kahit ano pa ang Reason mo at kahit may Choices kapa Happiness will come at the right Time. Hindi sya naipipilit. Kusa syang darating."
"Mae?"
"Hmmm?"
"May sasabihin ako sayo. Magalit ka man tatanggapin ko."
Tumingin ako kay Brix.
"Noong bago palang nagpakita si Trip, kinausap ko sya." Tiningnan ako ni Brix sa magiging reaksyon ko pero hindi kumukurap na sinalubong ko ang tingin nya.
"Pinuno ko ng consequences ang utak nya. Nilason ko para hindi sya lumapit sayo. Kasi Alam ko na ang gagawin nya ang ipaglaban ka kahit kasal sya. Ang alam ko kasi mas mabuti kung hayaan si Destiny. Because Love is the master of all direction, babalik si Great Love sa tamang panahon. Gusto ko yung e prove kaya sinubukan kong pigilan ang naging relasyon nyo." Napasinghap ako sa rebelasyon nya.
"Mae, ako rin selfish. Mabuti nga yung Pinaglaban ngayon alam mong Tapos kana doon. Ako Mae? Kailan ako matatapos kung Una palang at hanggang ngayon wala akong ginagawa?"
And then it hit me. Nasaktan man ako, pero ang mahalaga wala akong pinagsisihan.
****
O? ANG BORING TALAGA. MAY MAISULAT LANG??? HAHAHA
****
MAEJESTY
BINABASA MO ANG
The Same Mistake (completed)
General FictionMAYBE THIS TIME & THE VIRGIN'S MISTAKE 2 The Same Mistake Again? pag nasaktan ka ng isang beses, uulitin mo pa ba? kaya mo pa ba? kung kaya mo.. sino ang pipiliin mo? ang kaya kang mahalin ng higit sa kaya mong ibigay o ...