35. CHOICES

719 15 1
                                    

HOW ARE YOU GUYS? LOL.

Dahil nakatanggap ako ng 89notifs here's d upd8. THANK YOU!

*****

Gustuhin mang umiyak ni Mae pero wala na syang mailuha. Parang biglang nag shut down ang paligid nya. Hindi na sya napigilan nina FourEver at Destiny ng halos hindi sya makalakad palabas ng opisina nila.

Paano nagawa ni Trip ito sa kanya. Ang mas malaking tanong paanong nakasal sila ni Trip?

Masaya ba sya?

Sasagutin nya sana ang katanungang yan ng paglabas nya ng Capitolyo ay nakaabang sa kanya si Trip. Tumiim ang titig nya sa mukha nito na nagmamakaawa. Ng hindi matagalan nag-iwas sya ng tingin dito at lumihis ng nilalakaran.

"Mae...mae..."Kinorner sya nito.

Iwas parin syang tignan ang mukha nito.

"M-Mae...please kausapin mo ako." sinubukan nyang hawakan ang kamay ko pero tinapik ko ito.

Ayokong kausapin si Trip baka hindi ko na talaga mapigilan ang galit ko. Hindi biro ang ginawa nya. Hindi sya nagtago ng dyamante fifty feet sa ilalim ng lupa at noong nahukay ko matuwa ako. Ang makita itong tinatago nya ay isang sampal sa pagkatao ko.

Napaglaruan? Hindi sobra pa.

"M-mae..." garalgal nyang tinig. "Please hear me out..."

Hindi ako sumagot. Patuloy na nakaiwas ang paningin ko sa kanya at nakatingin sa malayo. blanko ang aking ekpresyon.

"Noong gabi ng makausap kita sa Engagement, ng Umalis kana...naisip ko kahit pala magalit ako o magtampo sayo hindi ko maipagkakailang Mahal kita at sa'yo lang ako. Hindi ko magawang tumalikod kay Ann noon isang malaking proyekto ang napagkasunduan ng mga pamilya namin. Ang pagtayo ng pinakamalaking Hotel sa Asya...Yung nasa likod ng Luneta park?"

"Ipagtatayo kita ng rebolto sa Luneta at wag kang mag-alala hindi magiging photo bomber yun." Fun (from the talk with Mae chapter 13)

Muli kong naalala ang sinabi ni Fun. Hinarap ko si Trip at hindi ko na napigilan ang pagtama ng palad ko sa mukha nya. Napayuko lang ito. Habang tinitignan ko sya, mas nagpupumiglas ang galit sa puso ko.

Ang isang sampal ay nagdagdagan pa sa kabilang pisngi.

Isa pa. Isa pa. Isa pa at isa pa ulet hanggang sa hindi na mabilang ni Mae kung ilang sampal ang naibigay nya kay Trip at kung saan na ito tumama namumula ang pisngi nito.

"Yan! Sorry! Sorry ha!" nanlalabo ang kanyang mga mata habang dinuduro ang dibdib nito. "Tanggap mo yun?! Pwes tanggapin mo! Dahil kulang na kulang pa yan sa lahat ng sakit na nararamdaman ko."

Hindi makatingin si Trip sa kanya pero yumuyogyog ang balikat nito tanda ng pag-iyak rin.

"Alam mo ba yung feeling ko ngayon? Yung sana hindi ko hinayaang pagtawanan nila ako o yung hayaang saktan ako? Trip sana lang, maipadama ko sayo yung oras na ipinahiya ako ng akala kong Asawa mo."

Pinahid ni Mae ang pisngi at ilong nya.

"Yung mga oras na hinayaan ko si Ann na saktan, yurakan at ipahiya ako sa mga tao. Sabi ko sa sarili ko sige lang Mae, Okay lang yan tanggapin mo . Hindi ako lumaban kasi nga wala naman akong karapatan. Wala akong karapatang magyabang ang kaya kong gawin ialay ang mukha ko sa sampal ni Ann."

"Mae..." sinubukan syang yakapin ni Trip pero umatras sya.

"Pinagtawanan nila ako sa bar na yun..." puro hikbi nila ang maririnig. Si Mae na parang nagsusumbong sa nakakatanda sa kanya. "Sabi....sabi nila bakit mo daw ako kakampihan? Kabit ako, malandi sana daw mamatay nalang ako."

The Same Mistake (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon