2. REASONS

2.9K 38 3
                                    

"Kamahalan, pwede ka bang maging Girlfriend?"

Walang pag aalinlangan kong binato ng tabo si Brix. Tumakbo itong humalakhak at nagtago sa sa poso.

"Ulitin mo pa yan Brix gigilitan kita!" sigaw ko dito.

"E date?" nakangisi nyang sabi.

"Ano?!"

"Mag date tayo, libre ko..." sinamaan ko ito ng tingin. "Arte nito, Hoy! Miss Veloso tigilan mo na yang kaka novena mo na kunin na ni Lord ang Asawa ni Trip, masama yan!"

"At paano mo nasabi na ipinag nonovena ko na mamatay ang Asawa ni Trip?!" nakaka inis talaga si Brix.

Naglakad ito palapit sa akin at dinuro-duro ang noo ko. "Kala mo di kita narinig ng isang gabi ah."

Nag iwas ako ng tingin. "Lasing ako nun."

"Lasing daw! at kailan ka pa natuto uminom?!" pinandilatan nya ako.

"Isang beses lang nga! Di na naulet kaya wag ka masyado affected dyan." tinulak ko sya ng bahagya para tumabi at ipinagpatuloy ko ang pagwawalis sa likod na bahagi ng shelter.

"Galit ako sayo."

Nilingon ko si Brix at kinuotan ng kilay.

"Nagtatampo ako sayo." umismid pa sya.

Nagkibit balikat ako at tinalikuran si Brix.

"Kamahalan naman e...."

Di ko sya pinansin.

"Kamahalan..."

"Hmmm?"

"Mae..."

Nilingon ko ulet sya ng tinawag na ako sa pangalan ko.

"Sa...sa susunod na iinom ka at magnonovena isama mo ako ah." natulala ako sa kanya. "Diba sabi nga nila mas marami ang nagdadasal mas malakas na makakarating sa taas."

"Brix!!!!"

Hinabol ko si Brix at tawa ng tawa habang hinabol ko ito.

"Bilis kamahalan! Ang taba mo kasi! Hindi mo ako mahahabol!!" sigaw nya.

Nanggagalaiti ako nahumabol sa kanya ng malingunan ko ang isang babae.

Tumigil ako at pinagmasdan syang mabuti. Kumikinang ang kaputian nito na pinatingkad pa ng dress nito.

Kumaway sya sakin.

Lumingon ako sa paligid ng hindi ko na makita si Brix Naglakad ako sa papunta sa gate. Hindi ako nagbaba ng tingin sa kanya. Parang naghihigop ang ganda nito.

"M-magandang umaga...." pagbati ko ng mapagbuksan ito ng gate.

"Good Morning, ikaw ba si Mae?" ang boses nito nakapa sweet sa pandinig. Nakikita ko na ang babaeng napaka perpekto na sa hinagap hindi ko na makikita.

"Oo, ako nga."

Inabot nito ang kamay ko. "Pwede ka bang maka usap?" sabi nya.

Tumango ako at nilakihan ang bukas ng gate. "Halika pasok ka."

Tumingin ito sa likod ko. "Hindi wag na, kung maari pwede mo akong samahang maglakad-lakad..."

"Sige."

Hinintay nya ako na maisara ang gate. Bago kami tahimik na naglakad.

Naiilang ako sa katahimikan sa paligid namin. Nilingon ko sya diretso lang ang tingin sa nilalakaran. Wala rin naman akong maapuhap na salita kaya tumingin nalang ako sa daan.

The Same Mistake (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon