37. IF ITS ENOUGH

1K 15 10
                                    

AFTER TWO YEARS

****

Dalawang taon na ang nagdaan nanatili si Mae sa probinsyang iyon tahimik na namumuhay kasama ang anak nya.

Oo, nanganak na sya isang taon at anim na buwan na ang napakaganda nyang anak na si Chamilla Anica Fontane.

Kahit hindi nya sigurado ang papeles ng legalidad ng kasal nila ni Trip, hindi nya ipinagkaet sa anak na dalhin ang apelyido nito.

Kung gusto ni Trip na makita ang anak nito nakahanda at hindi nya ito ipagdadamot. She moved on.

But not healed. Naalala nya pa kasi lahat, hindi madaling kalimutan ang sa kanila dahil ito lang naman ang lalaking kanyang minahal.

Na kahit magmahal man syang muli hinding-hindi nya ito makakalimutan. Ano ba kayo hindi ako nagpaparinig na may bago akong natitipuhan. Katunayan, wala talaga akong makita na makasama habang buhay. Pwede bang sabunutan nyo ako? Kung sasabihin ko na sya lang ang nakikita ko tuwing pipikit ako?

Sa ganung paraan nakakatulog ako ng mahimbing. Sa ganung paraan umaasa parin ako.

Nanganak akong wala sya. Katangahan man dahil kong sumama ako noon kay Brix malamang kasama namin sya ng anak nya.

Pero hindi ko pa kaya noon. Ang anak ko ang rason ng pagpupursige ko sa buhay, kami nalang ang magkasama, sa kanya ko na lang iaalay ang buong ako.

"Ay suki, isang kilo nga ng danggit."

"Naku isang kilo? Naku dagdagan mo, bagong bagsak yan galing pang Oseana port. Atsaka kumuha ka na rin nitong tilapia fresh na fresh at bagong harvest yan mula sa punong ni Dario."

Tama kayo, isang akong fish vendor dito sa Dulusan Public market. Ito na ang nakita ko na kabuhayan, ang anak ko ay iniiwan ko sa kabitbahay at tuwing gabi ko na kinukuha.

Minsan naawa narin ako sa kanya dahil hindi ko na nabibigyan ng atensyon. Kailangan ko kasi kumayod para sa kinabukasan nya, gatas, gastusin sa bahay.

"Ay naku Mae, babawasan mo na naman ang budget ko para sa labing-labing namin ni Mister. Kung ano-anong inoofer mo." Sabi ng suki ko habang namimili ng Isda at nilalagay sa timbangan.

Naiiling na natawa ako. "Hay, sa hirap ng buhay ngayon uunahin ko ring isipin ang gatas ng anak ko. Kaya wag kang ano dyan pili ka na-Ay suki!" Tawag ko sa paparating na mamimili.

"Dito ka na! Ayos na 'tong boneless bangus mo." Paypay ko sa kanya.

"Oy alam mo nagtataka ako dyan sa mga kasama mong vendor, hindi ba sila nagagalit na ikaw lang ata ang nagsisigaw dyan at namamaypay ng costumer?"

kumindat ako sa kanya at inabot ang bayad nya. "Alam mo bhe, ninong at ninang ng anak ko ang mga yan. Kaya pag wala akong benta sa kanila ako dumidilihensya ng pang gatas ni Chammy."

Napa chuckle ito. "Naku wais ka talaga. Sige mauna na ako, hihintay na ako ng mag-aama ko. Salamat dito!"

Tumango ako at bakas sa mata ko ang lungkot. Sana....

"Uy Mae, handa na ba ang limang kilong tilapia ko?"

Bumalik ang sigla ko ng dumating ang suki kong may karinderya.

"Oo. Mayroon din akong boneless kunin mo na."

Natuto akong makihalubilo sa mga taong hindi ako kilala ng personal. Natuto akong magtiwala sa kanila. Nakakangiti ako na ang dahilan ay sila at ang anak ko.

Wala man sya sa buhay ko. I have my reason kong bakit hindi sya ang pinili ko.

And I also have Choices kung magiging misirable ako. Sa pagkakataong ito pinili ko ang ngumiti at maging masaya. Mahirap noong una pero samahan mo ng dasal at conviction.

The Same Mistake (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon