"Brix, bakit di mo pa tanggapin yung alok na trabaho ni Cherry?" sabi ko na niligpit ang mga folders na naglalaman ng client info.
Tahimik lang si Brix, kaya umupo ako sa tabi nito. Binatukan ko ito ng mahina.
"Ikaw napaka feeling mo, tingin mo ba pagkakaguluhan pa yang mukha mo, ha? Mahal na Prinsipe?"
"Maghahanap nalang ako ng ibang trabaho yung hindi expose ang mukha ko." Mayabang na pagkakasabi nya.
"Hahahaha!" Hindi ko maiwasang matawa. "Grabe Brix, ilang galon ng panis na gatas ang nilantakan mo at naging puti lahat ng kulay ng dugo mo? May ikakapal pa bang kakapalan mo?"
Tiningnan ako nito ng masama, inakbayan at kinurot sa pisngi. "You know my reason."
Tiningnan ko ito ng masama. "Seryoso ka?" Tumango sya kaya hinampas ko ang balikat nya. "Brix pinaglipasan kana ng panahon! Baka nakakalimutan mo Apat na taon kanang kinalimutan ng Niashin. Wala na silang pakialam sayo, kaya kailangan mong tulungan ang saliri mo. Wag kang magkulong dito sa shelter at magtago sa isang boses. Bumangon ka, hindi bilang si Prince Brix Xyprus Presston pero bilang si Brix."
Nag iwas sya ng tingin.
"Ano? Nahihiya ka kasi huhusgahan ka nila? Hindi ganun ka kitid ang tao Brix. Konti nalang ang buhay sa Fairytale. E, ano kung ikaw ang pinakagwapong Prinsipe na tinapon sa kangkungan? Mas hahangaan ka ng tao kung babangon ka magsimula ng panibago."
Hindi ko na talaga maintindihan si Brix, ayaw nyang humarap sa maraming tao dahil baka husgahan sya. Maliitin, na sa totoo lang paano mo mamaliitin ang taong height ay 6ft plus inches long...ay sorry tall.
May fansclub sila dati ni Kate e, hanep tinalo pa ang Jadine. Marami ang nadisappoint sa kanya kaya ayan! Nahiya na makaharap ang sambayanan.
Pinisil nya ang ilong ko. "Ang kulet mo, may pambili pa ako ng brief Mae, kaya hindi ko kailangan ng malaking sahod ok na ako sa Station."
"Pero Brix sayang yang talent at charm mo, magagamit yan sa ibabaw ng stage." Pilit ko pa.
"Ah, tama ka naman Charming talaga ako. Pero Mae, may phobia ako sa crowd hindi ko kaya."
"Anong phobia? Ikaw si Prince Brix, kinaya mo noon kakayanin mo higit ngayon."
Napabuntong hininga sya at malungkot akong tinignan. "Ikaw na rin nagsabi, kayang kaya ni Prince Brix, pero si Brix nalang ako ngayon Mae, tinalikuran ko ang buhay na lahat ay nakatingin at namuhay ng simple dito sa Shelter, tinalikuran ko yun at ayokong balikan yun."
Napakamot ako ng noo. "Brix sino ba ang nagsabi na balikan mo ang dati? Ang point ko lang naman mag host ka ng event hindi maging Prinsipe ang labo mo."
Tumayo si Brix at hinila ako patayo. "Late kana." Pinatalikod nya ako at tinulak tulak patungo sa pinto.
"Sandali nag uusap pa tayo!"
"Wala..wala na tayong pag uusapan malabo ang point mo, at malabo ang reasons ko. Kaya humayo kana ng marami ang kitain mo sa araw na ito." Natatawang sabi nya. Umiwas ako at hinarap sya.
"Pumayag kana kasi Brix!"
Hinawakan nya ako sa balikat at pinatalikod. "Alis na..tsupi!"
"Brix! Please..."
"Mae No, mayayaman ang siguradong dadalo sa pagtitipon na ganyan paano kung may kakilala ng pamilya ko doon. Mae, dala ko parin ang Apelyidong Presston ang kaakibat ng Apelyidong ito. Sana maintindihan mo." Malungkot na sabi nya.
Sinalubong ko ng panghihinayang ang mata ni Brix. "Tingin mo ba may pakialam pa ang Angkan ng Presston sayo?"
Napakagat labi sya at nag iwas ng tingin sa ibang direksyon.
Hinawakan ko ang pisngi nya at sinalubong ang tingin nya.
"Brix hindi na uso ang Surname ngayon kahit sa mga sikat na tao halimbawa..." kinagat ko ang labi at kunwari'y nag isip. "Sia o yung kumanta ng Chandelier wala syang Apelyido, Lady Gaga bakit tingin mo Gaga yung lastname nya?" Nakita ko ang pagliwanag ng mukha ni Brix.
"Rihanna." Brix.
"Kiray." Ako
"Bentong." Brix
"Sadako." Natatawa kung dugtong.
"Gloc 9, tinging mo Apelyido ang 9?" Ngisi ni Brix.
Inirapan ko ito. "Tingin mo lastname din ang Up?"
"Ha?" Brix.
Napakamot ako sa batok. "Si 7 Up?"
Natigilan si Brix. Ako rin. Maya maya pa. "Mae, kanina ko pa sinabi umalis kana."
"Brix last na si Kulaketong."
Mas nagsalubong ang kilay ni Brix. "Artista ba yun?" Lumingo ako. "Polotician?" Lumingo ulet ako. "Sino yun?" Pagsuko nya.
"IKAW!" tinuro ko sya.
"Anong ako?"
"Diba ayaw mong makilala ka nila bilang si Brix kasi kasunod nito ang Apelyidong dala mo?" Tumapat ako sa mukha ni Brix at hinawakan ang mga balikat nya. "Why do we change youre name into something..." naglalaro sa labi ko ang isang panalong ngiti.
"S-something What?"
"Yung something na pagnarinig ng tao makakalimutan nila kung sino ka at saan ka nanggaling." Sabi ko.
"And that name is?...."
"KULAKETONG..." magical kung pagkakasabi. Yung namamaos-maos pa.
****
O, abangan ang journey ni Kulaketong. HAHAHA
MAEJESTY
BINABASA MO ANG
The Same Mistake (completed)
General FictionMAYBE THIS TIME & THE VIRGIN'S MISTAKE 2 The Same Mistake Again? pag nasaktan ka ng isang beses, uulitin mo pa ba? kaya mo pa ba? kung kaya mo.. sino ang pipiliin mo? ang kaya kang mahalin ng higit sa kaya mong ibigay o ...