"Oh! Eto pa." Inilapag ni Mae ang pang apat na batch ng labahin sa tabi ni Brix.
"Ge lang, lagay mo lang dyan..." nagpose ito at pinagalaw galaw ang biceps. "Oh, eto lang? Moooorrree..."
Napalingo nalang si Mae, nakaupo sa Brix sa maliit na upuan (yung plastic na upuan ng kinder) naka straight ang binti at nakabukaka. Sa gitna ng mga hita nito ang batya at tambak na labahin.
Maganda ang katawan ni Brix. Kitang kita ni Mae dahil nakahubad ito. Naka jersey shorts na Miami Heat (yeah Fan evah! Solid).
"Napag isip-isip mo na ba Mae?" Sabi nito habang tuloy ang pa machong pagkuskos sa damit.
Ipinuwesto ni Mae ang balde sa poso, Gumilid at nagsimulang itaas baba ang handle ng poso para may lumabas na tubig.
"Ang alin?"
Muling nag inat si Brix at nag flex ng muscle. "Na ako na ang magiging Best Husband."
Iniusod ni Mae ang balde ng mapuno ito at pinalitan ng bago at nagsimula ulit. "Yung totoo Brix, paano mo nabuhat yang plastic na upuan? Kapal ng mukha mo."
Umismid si Brix at muling nagpatuloy sa pagkuso. Nakangiti itong pinagmasdan ni Mae. Tama nga ito, magiging isang mabuting Asawa nga si Brix. Bukod sa aking Hangin nito sa utak, masipag, masiyahin at matiyaga pa.
He deserve the best.
"O? Natulala kana sakin? Sabi na e...napag isip-isip mo na ano? Ang gwapo mo Brix! Whoah! Tagos!"
"Alam mo Brix tuloy mo lang yang pagkuskos marami pa doon."
Matapos kusuin ang sotana ni Sister Sara ay piniga ito ni Brix at inilagay sa balde na nilagyan ni Mae ng tubig. Pagkatapos kumapa ulet ng labahin sa batya na puro bula, at ng may mahatak ito nanlaki ang mata nila ni Mae ng makuha nito ang Xxl na panty ni Ate Grace.
"AMA SA LANGIT! IBABA MO YAN BRIX!" sigaw ni Ate Grace na hiningal dahil sa pagtakbo.
Hinawakan ni Brix ang panty at nagpalipat lipat ang tingin nya sa balakang ni Grace at sa panty na ngayon ay lantarang nakadisplay sa harap nya.
Hinablot naman ito ng matanda. "Dyaheng bata ka! Bakit mo to nilabhan!"
"Ay bakit po? Inuulit nyo pa yan? Mga ilang araw pa yan bago malabhan?" Nakangising tanong ni Brix pero dumakot ng bula si Mae at binato sa kanya.
"Oy! Ano ba ito dumagdag kapa! Pasaway na mga bata!" Napalingo si Grace sa ginawa ng Dalaga sa Binata.
"Ah! Ganun?!" pinahid ni Brix ang mukha na natabunan ng bula dumakot din sya ng bula mula sa batya nya at hinabol ang patakbong si Mae.
Tili ni Mae at Halakhak ni Brix ang namayani sa kapaligiran. Naupo si Grace sa iniwang upuan ni Brix at sya na ang nagpatuloy sa labahin.
Ang tinig na kanyang narinig ay nagsilbing musika. Mapapaisip ka, saan na nga ba nakarating ang dalawang pusong nasawi? Sa isang bubong din pala ng mga batang mula pagkabata ay iniwan ng magulang at nakahanap ng kapamilya sa mga ulila rin.
Ang dalawang pusong nasawi at nasugatan ay unti-unting nakahanap ng paghilom at pagtanggap sa isa ring sawi. There goes the song, where do broken hearts go? Can they found there way home back to the open arms of the love that's waiting them.
Muling nag angat ng tingin si Grace sa dalawa ng tumahimik na ang mga ito at nakaupo na si Brix sa damuhan at nakatingala sa langit habang nakaupo rin si Mae at nasa balikat ni Brix ang ulo nya.
Sa tanong na Where do broken hearts go? Sa nakikitang eksena ni Grace malamang nakahanap na ang mga ito ng kakampi pero hindi ng bagong pag-ibig.
BINABASA MO ANG
The Same Mistake (completed)
General FictionMAYBE THIS TIME & THE VIRGIN'S MISTAKE 2 The Same Mistake Again? pag nasaktan ka ng isang beses, uulitin mo pa ba? kaya mo pa ba? kung kaya mo.. sino ang pipiliin mo? ang kaya kang mahalin ng higit sa kaya mong ibigay o ...