36. REASONS

905 18 3
                                    

Kung makikita mo ang isang tao na malapit sayo na nasasaktan dahil sayo anong gagawin mo?

Dalawang araw.

Dalawang araw ng kung tignan sya ni Kate ng masakit. Dadaan sa harap nya at magdadabog.

Kung tignan nya si Brix kung may problema ang mga ito ang isasagot lang wala. Pero hindi natiis ni Mae pinuntahan nya sa likod bahay si Kate, doon ito madalas tumambay.

"Kailangan mo ng bumalik ng Niashin Brix. The council set an appointment para e discuss ang pagbalik ng trono sayo." Napatigil si Mae sa paglapit ng marinig nya ang pag uusap nila.

"Zy, please babalik tayo ng Niashin but, not now..."

"Not now? Bakit? Dahil hindi mo maiwan si Mae?! Brix! Malaki na sya! Goodness, that's her problem to fix! Sino ka ba sa akala mo na kayang ayusin ang hindi mo problema?"

Napaatras si Mae tama si Kate, kung mananatili sya dito magiging pasanin sya ni Brix.

"Zy please..."

"Bakit? Sya na ba?"

"Zalea...listen-"

"No! you listen. Kung ako parin yang nandyan sa puso mo, sasama ka sakin isang beses lang na mabigyan ka ng pagkakataon ng council pag binalewala mo yun. Lost your chance and lose me."

Muling sinilip ni Mae ang dalawa. Nakatalikod si Kate kay Brix habang napapahilot naman ang huli sa sintido. Nahihirapan si Brix dahil sa kanya. Panibagong relasyon na naman ba ang sisirain nya?

"Zy, alam mong kaytagal kong hinintay to. Pero sana maintindihan mo, not now. At isa pa wala akong pakialam sa trono nila. Ikaw lang sapat na sakin." niyakap ni Brix si Kate.

Pero tinanggal lang nito ang pagkakayakap ni Brix at hinarap ang binata.

"Pero gusto kong maging Reyna ng Niashin. Mahalaga ang magiging desisyon nila Brix, ibabalik nila sayo ang Kaharian."

Napailing naman si Brix. Nilampasan ito ni Kate.

"Hindi na ako magmamakaawa muli sayo. Eto na ang huli na pag-uusapan natin ito, at please kung mabigat sa loob mong sumama at iwan si Mae wag mo ng pilitin, mas masakit kasing isipin na nasa Niashin ka nga hindi ka naman masaya. Sabihin mo lang Brix at hindi na kita pipilitin."

Naglakad na si Kate, pero hindi naman nakagalaw si Brix.

"Once again, pagdating sakin nagiging mapagbigay ka parang ang dali sayo na ipamigay ako. Pero pagdating sa ibang tao napaka protective mo. Bakit Brix? Dahil akala mo matapang naman ako? Na dahil Mahal kita kaya kahit paulit-ulit mo man akong ipagtabuyan at the end of this day babalik parin ako sayo."

Lumakad na si Kate ngunit nakita nya si Mae na nasa sulok. Tinitigan sya ni Kate kaya nahihiyang napayuko si Mae. Pagak na natawa si Kate at binunggo nya ang balikat ni Mae.

"Hindi ko aakalaing ang taong hinabilin ko ngayon ayaw iwan ang taong pinaghabilinan ko."

Magsasalita pa sana si Mae pero wala na sa paningin nya si Kate. Hinarap nya nalang si Brix na ngayo'y nakaupo na. Naglakad sya papunta dito. Ng makalapit binatukan nya ito.

"Ano ba!" iritang sabi nito.

"Loko to. Tabi uupo ako." tinapik nya ang balikat nito.

Sinamaan sya ni Brix ng tingin at hindi umusod.

"Dami-daming mauupuan dyan. Kontrabida ka talaga."

Nagulat si Brix ng natawa si Mae. "Naalala mo Brix? Linya ko yun ng una akong dumating dito, yung pilit mong pinapasok ang buhay ko. Para kang tanga noon e."

The Same Mistake (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon