13. CHOICES

714 19 2
                                    


GUSTO KO MAG NOTE PERO WALA AKONG MASABI. ;)

ANG GANDA MO TALAGA... (*^﹏^*)

****

"AAAAHHHH....Busog na busog ako." Nag unat at hinimas-himas pa ni Fun ang kanyang tiyan.

Tahimik na nakasunod ako dito, kasabay nya si Kim at ramdam ko ang tumatagos na titig mula sa aking likuran.

Pa simple akong tumingin tingin sa paligid pero ang puntirya ko naman talaga ay ang dalawa pang nasa likod ko.

Napasimangot ako ng makitang tumigil sila sa paglalakad dahil parang may ipinapakita si Ann sa Cellphone nito. Inilapit pa ni Trip ang Cellphone sa mukha nya and that smile. Inakbayan nito si Ann and she giggle.

Napairap ako at binalik ang tingin sa unahan pero nasalubong ko ang nakangising si Fun. Nakaakbay ito kay Kim pero tinatapik tapik ang balikat ni Kim gamit ang kanyang daliri.

"I saw the sign, and I open up my heart I saw the sign..." pinanlakihan ko ito ng mata ng kumanta kanta ito.

"What? Hahaha..." sabi nya. "Grabi ang likot ng mga mata mo Mae."

"Kung pwede lang batuhin kita ng sapatos ginawa ko na!"

"Oooppss...wag yan!" itinaas ni Fun ang mga kamay.

"Pwes, patahimikin mo yang bunganga mo." nilampasan ko ito at binangga ko ang balikat nya.

"Babe!" Sinabayan nya pa ng halakhak.

"Urghhh!!" napapadyak ako ng tinawag ako ng malakas ni Fun.

Buwisit na lalaki pinapahiya talaga ako nito. Hindi ko na alam kong ano pa ang iisipin ni Kim at Ann. Dalawang lalaki na ang tumawag sakin ng Endearment na yan.

Kasalanan nya to e! Sya ang nauna!

"Hey! Kailan mo pa sya tinawag na Babe!"

O ayan pa, react ni Trip na nasa tabi na pala ni Fun. Mabibigat ang paang naglakad ako sa tabi nila at binatukan si Fun gamit ang paper bags kong dala.

Nawalan ito ng balance pero maagap itong nasalo ni Trip. Nag angat ng tingin si Fun sa nakasalo sa kanya at nagkatinginan.

"B-baby?" Sabi ni Fun at pinadaanan ng daliri ang tungki ng ilong nito. Hindi na nakapagpigil si Trip at sinapak si Fun.

Naiiyak na bumaling ito sa Girlfriend at sumubsob sa leeg nito kasama na halik ng halik dito. Namumulang umiwas iwas dito si Kim pero pinapigilan ni Fun ang balikat nya.

Napangiti ako ng makita silang dalawa. Hanggang sa umikot ang paningin ko at daanan nito si Trip, nakangiti rin ito pero sakin nakatingin.

Napayuko ako at inipit ko ang ilang hibla ng buhok ko.

"Mae, nakapony tail ka." Bakas sa boses nito ang pagka amaze. Tiningnan ko ito na hindi ko maintidihan ang sinasabi.

Tinuro nya ang ulo ko. Kinapa ko naman ito. Ano ba ang problema nya. Maayos naman ma naka ponytail ang buhok ko ah, mahihiya ang malalagyag kahit isang hibla---ah.ah.ah.

Tinakpan ko ng isang palad ang mukha ko at tumalikod. Mabibilis ang mga hakbang ko. Narinig ko pa ang pagtawag ni Trip sa pangalan ko, pero tumatawa.

"Gago yun ah. Pinahiya ako!" Sabi ko habang nasa labas na ng mall at nag aabang ng taxi.

"ARAY!" Nahimas ko ang batok ko ng may bagay na tumama rito.

Paglingon ko si Trip pala, nakayuko ito at parang may hinahanap sa semento. Ng may makita ito humarap ito sakin at may binato, mabilis akong nakailag.

The Same Mistake (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon