Nakakapanindig balahibo habang paulit-ulit na bumabalik sa ala-ala ko ang mga naganap sa amin ni Trip.
Mayroong sinubukan kong takpan ng unan ang mukha ko para patigilin ang aking paghinga. Kalokohan! Sino ba ang niloloko ko?
Mayroong pupunuin ko ng tubig ang balde tapos ilulublob ko ang ulo ko. Ngunit sa tuwing mangangapos ang hininga ko ang mga ngiti ni Trip ang nakikita ko.
Nag walling ako. Dahil sa pagod. Ano na ba itong pinaggagawa ko? Dali-dali akong tumayo at lumapit sa bintana.
Tamang-tama! Nasa second floor ako.
Kumuha ako ng upuan. Tumungtong. At handa na sanang tumalon. Pero pagyuko ko nakita ko si Brix na nagwawalis. Tsamba naman na na-hatching ito kaya napatingala sya.
Naningkit ang mata nito ng makita nya ako.
"Hihihi!" Kumaway ako kay Brix at sinara ang bintana. Muli nalang akong umupo at yumukyok sa kama.
****
"Anong drama yan?"
Tinanggal ko ang unan sa mukha ko at sinundan si Brix na tinali na ang kurtina sa kwarto ko.
"Tumayo ka at maligo. Makakatulong yun." namula ako ng dumako ang tingin nya sakin.
"Ayos lang ako." Mahina kong sabi.
"Alam mo wag ka ng mahiya. Ngayon pa." Brix.
"Brixxxxx..."
Tiningnan ako ni Brix at tinawanan. Lalo lang nag init ang mukha ko.
"Na de-virginize kalang Mae! No big deal Mahal mo naman diba?" Natatawa parin sya kaya tumalim ang tingin ko rito.
"Yun na nga!" Ugh! Nakokonsensya ako. May Asawa yung tao. Kinakabahan ako paano pag nalaman ito ni Ann.
"Psst!" Naagaw ang pag-iisip ko ng sumitsit si Brix. "Nag Condom kayo?!" Napanganga ako at mas lalong humagalpak ng tawa si Brix.
****
Nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko ba si Trip na naghihintay sakin sa Garden. Ilang ulet akong nagbuntong hininga, hahakbang pero muling tatakbo pabalik sa bahay at magkubli.
"O? Anyare sayo?"
Nadaanan ako ni Brix dala ang batya na may laman ng pinaglabhan nya ng damit. Ang Hot naman labandero nito.
"Brix...hindi ko kayang harapin." Nagmungay ang mata ko.
"Seryoso ngayon kapa nahiya ngayong nahubaran at nahimas na ni Trip lahat ng pinakakatago mo? Ser.Yos.Ly?"
"Brix! Yung bunganga mo!" Na eeskandalo ako sa pagkataklesa nito.
Pinagtaasan ako ni Brix ng kilay. "Pag-usapan nyo yan. Ginusto nyo yan. Nangyari na. Go Mae, face him." tapos mabilis na itong nawala sa harap ko.
Ugh! Sinilip ko si Trip mula dito sa pinagtaguan ko. Nakayuko ito pinaglalaruan ang daliri, ginugulo ang buhok at kinakagat nya ang labi.
Naawa naman ako dito. Ganyan ka naman lagi Mae, sobra mo kamaawain kaya bigay lang ng bigay. Hindi lang ako ang nahihirapan si Trip din. Hindi ko sya pwedeng iwanan ngayon He needs me.
Naupo ako sa tabi nya na hindi nagsasalita. Napatuwid naman ito ng upo. Nakita ko ang pagtitig nya, magsasalita sana sya pero nauwi ito sa malalim nyang paghinga at patingala.
Nagtutubig ang mata ko. Ang hirap.
umayos ako ng pagkakaupo. And tap my lap. Tiningnan nya ako.
"Lay here." I tap my lap again. "Natulog ka ba? Nagpahinga kana ba? Kumain ka ba?" gumaralgal ang boses ko.
Lumingo si Trip at nagsimulang magbagsakan ang luha sa mga mata nya. Pilit ako ngumiti at hinila na mismo ito para mahiga sa lap ko.
He close his eyes. Sinuklay suklay ko ang buhok nya.
"Wag ka namang pupunta dito na ganyan ang itsura." sabi ko.
Nagmulat ito. "Bakit?"
"You look wasted. Halata ang pagod sa mukha mo. I know you. Hindi ka ganyan, nakilala kita sa magiging makulet at punong puno ng kalokohan. And seeing you right now...."
I traces those lines sa noo nya. "Seeing you like that mas lalo akong naniniwala na walang mali sa nangyari sa atin. Na wala tayong natatapakan."
Tumango si Trip at ngumiti.
"Pero Trip, kung nakakadagdag ako sa alalahanin mo sabihan mo ako, para titigil narin ako."
Hinawakan nya ang kamay ko. "Hindi ko gagawin yun, Ikaw lang ang totoo sa lahat ng ito, ang meron tayo ang tama. Wag ka ng mag isip pa ng ibang bagay. I want you too remember everything happen that night." He kiss my hand. "Because we are the truth and nothing but the truth. Ang Ako at Ikaw ang may Tayo."
Hindi ako nakapagsalita sobra akong na overwhelm sa sinabi ni Trip. Ang sarap pakinggan na ang meron lang ay kami.
"Nagkita na ba kayo ni Ann? Anong sabi ng inumaga ka ng uwi?"
"Stop. Stop thinking about her. I Love you only you. Walang Ann. Meron lang si Mae. Kaya I Love you."
I groan. At pinalo ito sa dibdib.
Muli nyang hinuli ang kamay ko at hinalikan. "Seriously Mae, stop thinking her habang ako ang kasama mo. Nagseselos na tuloy ako. Mas iniisip mo pa ang nararamdaman nya kesa sa feelings ko." Nakangusong sabi nito.
Dahil ang Gwapo nito sa paningin ko ninakawan ko ito ng halik. Mabilis lang sana yun pero nahawakan nya ang batok ko at mas dinumina ang paghalik sakin.
May tuhikhim sa di kalayuan kaya natulak ko sa dibdib si Trip pag angat ko ng tingin nakita ko si Brix na nag se-set up ng sampayan.
NapatakIp nalang ako ng mukha ng sumipol ito at natawa naman si Trip na niyakap ako sa beywang.
****
NEXT UP...
"Malandi ka! Kahit anong isuot mong disenteng damit hindi mo maitatago na isa kang Malanding babae! At nilandi mo ang Asawa ko!"
****
GODLUCK NA LANG. ANG HEAVY NG EKSENA. NA MISS KO ANG KETTLE CORN.
****
MAEJESTY
BINABASA MO ANG
The Same Mistake (completed)
General FictionMAYBE THIS TIME & THE VIRGIN'S MISTAKE 2 The Same Mistake Again? pag nasaktan ka ng isang beses, uulitin mo pa ba? kaya mo pa ba? kung kaya mo.. sino ang pipiliin mo? ang kaya kang mahalin ng higit sa kaya mong ibigay o ...