"Ano pa ba ang kailangan mo sa kanya?"
Nakayuko si Trip kaya ang una nyang nakita ang dalawang pares ng sapatos sa kanyang harapan. Unti-unti syang umangat ng tingin at doon nya nasalubong ang nagtatanong nitong mga mata.
"B-brix?"
Parang piniga ang puso ni Trip this Guy, ang swerte nito dahil nahahawakan, nakaakbayan, nakakausap at nakikipagtawanan kay Mae. Mga bagay na noon kaya nyang e request kay Mae na ipagkaet sa ibang lalaki. Kahit na nga kay Fun.
Simula ng napunta si Mae sa Shelter na yun, palagi na silang magkasama. Sobrang napalapit na ang loob ni Mae kay Brix, tingin nya mahihirapan sya.
Nandito sila sa loob ng sasakyan ni Trip. Si Brix ay nakaupo sa passenger seat at si Trip sa driver seat. Tahimik lang silang dalawa, nagpapakiramdaman.
Malalim ang buntong hininga na pinakawalan ni Brix bago nagbukas ng paksa.
"Ano ang dahilan mo para muling lapitan si Mae?" Nilingon lang sya ni Trip pero hindi sumagot.
Brix continue...
"Mahal mo sya, nagpakasal ka sa iba...pero mahal mo sya. Lalaki ako Trip kaya ang gusto kong malaman mula sayo Ano ang kailangan mo kay Mae?"
Habang nagsasalita si Brix nakatingin lang si Trip dito. Ang bumabagabag sa kanyang isipan, bakit interasado masyado si Brix kay Mae? Dahil ba....
"May gusto kaba sa kanya?" Sa itinanong yun ni Trip napahigpit ang hawak nya sa manobela.
Pigil nya ang hininga sa isasagot ni Brix, pero seryoso lang na nakatitig ang huli sa kanya.
"Gusto?" Ulit nito sa sinabi nya. "Oo, gusto ko si Mae-"
"Fuck! Hindi mo sya pwedeng gustuhin!" Halos maglabasan na ang ugat sa kamao ni Trip.
Nanggigigil sya, may gusto rin sya. Gustong-gusto nyang basagin ang nguso ni Brix hanggang sa magdugo at lagyan ng alcohol at asin.
"You really think you can kill me by death glares?" Natatawang sabi ni Brix.
Nabaling ni Trip ang tingin sa labas ng kotse, Kung ipaglalaban nya si Mae sa lalaking ito, hindi sya pwede maging pikon. Dahil doon sya nito iinisin at titirahin. He need to calm down.
"Pwes kahit gusto mo sya hindi magiging madali ang lahat." As if na papayag ako. Idiot!
Lalo pang lumakas ang tawa ni Brix, nakagat nalang ni Trip ang ibabang labi dahil sa pilit na pigilan ng inis na nararamdaman kay Brix.
"Gusto si Mae? Oo. Bawal gustuhin si Mae? Paano ko hindi magugustuhan ang babaeng napakadaling mapasunod sa mga gusto ko?"
Tulalang napabaling si Trip kay Brix, biglang nag iba ng expression ng mga mata nito. Biglang naging seryoso, nawala ang kanina ay mapaglarong ngiti.
"A-anong sinabi mo?" Trip.
"Hindi ba pwedeng gustuhin ko na sumaya si Mae? Oo, gusto ko si Mae, pareho kami ng pinag dadaanan hangad ko ang mapabuti sya. Gusto ko makatagpo sya ng lalaking ipaglalaban at aalagaan sya." Brix.
Trip has nothing to say. Instead he ask him...
"Do you Love her?" Isa na namang matapang na tanong pero natatakot sya sa isasagot nito.
"Dalawang beses ka ng nagtanong. Before I answer your second question, pwede ko bang ibalik sayo ang una mong tanong sa akin?" Brix.
Trip smirk. "Hindi ko sya Gusto. Dahil Mahal ko sya. Mahal ko si Mae."
Got that? Huh? A Prince without a crown? Without a Palace? Smack that!
Brix look at him.
"Mahal mo sya? Hindi mo sya gusto?" ulit ni Brix at tumango si Trip.
Umayos ng upo si Brix at diretso ang tingin sa harap.
"Kung paiiralin mo ang PagMamahal na yan Trip, mababago ba ang lahat? Wala na bang masasaktan? Lahat ba ng sakit mabubura?"
natahimik si Trip.
Ang sagot nya? Hindi. Dahil oras na bumalik si Mae sa kanya kailangan nilang magsimula muli. At magsisimula sya sa paghilum ng alalang masasakit.
"Trip sa mga oras na ito. Hindi Pagmamahal ang dapat mangibabaw para sa kapakanan ni Mae. Gustuhin mo sya. Gustuhin mo ang pagbabago nya, Gustuhin mo mo may matutunan sya sa lahat ng nangyari, Gustuhin mo ang sumaya sya kahit wala ka, Gustuhin mo na mahanap nya ang lakas nya, Gustuhin mo na sya mismo sa sarili nya kayang manindigan, Gustuhin mo na sa tamang panahon babalikan ka nya."
Trip's tears fall.
"Trip, Gustuhin mo sya. Wag mong ipagsigawan sa lahat ang Pagmamahal mo sa kanya, dahil baka yun ang tuluyang sumira sa kanya. Makalimutan nya ang sarili nya. Makalimutan nya ang ibang bagay na magpapasaya sa kanya. Trip, Gustong gusto ko si Mae, yung pagkagusto na hayaan sya. Hayaan syang magdesisyon hanggang sa dumating ang araw na pwede na ulit...pwede mo na syang kunin ulit." Brix.
Hindi parin nakakapagsalita si Trip. Tama si Brix, kung hindi nito sinabi ang lahat sa kanya. Malamang sisirain nya nga si Mae, asking her to be his Mistress is a Sin.
Wala syang pinagkaiba kay Satan. His asking Mae to be his companion betraying his Wife.
O God, forgive me. Mae don't deserve this. But please, wag nyo naman isipin na hindi ako ang tama para sa kanya. Itatama ko ang lahat. Just forgive me.
Betrayal an Immortal Sin.
"Naniniwala ako sa wagas nyong Pagmamahal, Pero Trip pwede mong maparamdam sa kanya ang pagmamahal na yun. Simulan mo sa personal mong buhay. Ayusin mo mag isa at hayaan mo muna si Mae."
Hindi matignan ni Brix ang sumisinghot na si Trip. Tingin nya ang cruel nya. At never nyang inexpect na iiyakan nito ang sinabi nya.
"M-mahal mo ba si Mae?" Hindi parin napigilang itanong ni Trip.
Lumingon si Brix sa kay Trip. Sinalubong naman sya nito ng titig. Mata sa Mata. Determinasyon versus Determinasyon. Love versus Like.
"No....Hindi ko Mahal si Mae..." nag iwas na naman ng tingin si Brix. "Because like what I told you, sa sitwasyong ganito mas mahalaga na Gustuhin mo lang ang Mahal mo. Dahil sa oras na magustuhan nya ang lahat, darating sya at doon nyo na maipararamdam ang Pagmamahal nyo."
*****
Sinungaling ka Brix!
Manggagamit ka!
Manloloko!
Sinuntok-suntok ni Brix ang pinto ng banyo nya. Pag uwi nya mula sa pag uusap na yun nila Trip ay tumapat sya agad sa dutsa. Gusto nyang matanggal ang kasinungalingan kumakapit sa kanya.
Pag nalaman ito ni Mae, masasampal sya nito dahil ang totoo ginagamit nya si Mae at Trip!
Pinaglalaruan nya ang dalawa.
Gusto nyang tumawa, pero walang lumalabas na boses. Kaya minabuti nyang ibuhos sa pader ang lahat ng kasakiman nya.
****
Horror Mode? Hahaha. Thank you Everyone!
MAEJESTY
BINABASA MO ANG
The Same Mistake (completed)
General FictionMAYBE THIS TIME & THE VIRGIN'S MISTAKE 2 The Same Mistake Again? pag nasaktan ka ng isang beses, uulitin mo pa ba? kaya mo pa ba? kung kaya mo.. sino ang pipiliin mo? ang kaya kang mahalin ng higit sa kaya mong ibigay o ...