19. CHOICES

597 13 0
                                    

"Sige na isa lang..." nagpout pa si Trip at nilapit ang mukha sakin.

Natatawang tinampal ko ang nguso nya. "Tumigil ka nga."

Inabot nya ang kamay ko at pinaglaruan ang daliri ko. nakatingin lang ako sa kanya at sumisilay ang mga ngiti.

"Napakasaya ng araw na ito."

Naalala ko naman na bigla ang napagkasunduan namin. Ayoko ko na ulit mag isip para lang akong nababaliw at wala rin namang naitutulong. Mabuti na ang ganito atleast masasabi kung I'm Happy.

Ilang sandali pa kami nanatili ni Trip sa loob ng kotse nya, magkahawak kamay at tanging paghinga at tibok ng mga puso ang syang nag iingay.

"Labas tayo ulit?" Nilingon nya ako.

Sasagot na sana ako ng magring ang cellphone nya. Binitawan nya ang kamay ko para abutin ang cellphone nya.

Umayos ako ng upo at tumingin lang sa kanya.

"H-hello Ann?"

Napangiwi ako at ibinaling ang tingin sa labas ng kotse. Nasa labas lang ulit kami ng Shelter.

"Nasa bahay ka na? Sorry may meeting kasi akong dinaluhan hindi na ako nakauwi...Oo, oo naman..." Trip.

Gusto kong maawa kay Ann.

Gusto kong magalit kay Trip dahil sinungaling sya.

Pero paano ba kung nagsabi sya ng totoo? Magagalit si Ann. Mag aaway sila. Ayokong maputol ang nangyayari ngayon sa amin ni Trip.

I mean, wala namang monkey business between the two of us...its just that...may binubuo kaming bagong simula ayokong matapos yun sa ngayon.

"Mae?"

"Mae?"

Napaigtad ako ng niyugyug ni Trip ang balikat ko. Tapos na pala silang mag usap.

"You lied." Sabi ko.

"For now."

"Trip..." kinagat ko ang ibabang labi. "Ba't di nalang kayo maghiwalay?"

gusto kong malaman ang sagot nya. Kung sinasabi nya na ako lang ang Mahal nya bakit di nalang sila maghiwalay diba? His being unfair to Ann and Me.

"Hindi ko sya pwedeng iwan...pa." tumingin sya sa mga mata ko na nagpapa awa.

Ano pa nga ba ang magagawa ko? Pagdating sa kanya madali akong maawa at hindi ko sya matitiis. Kaya lumapit ako sa kanya at yumakap.

I inhale his scent. Mas naniniwala ako na Mahal nya nga ako dahil kahit sa simpleng pabango hindi nya binitawan. Pangako ko hindi rin ako bibitaw sa kanya.

Mangyari man ulit ang mga umagang ganitong hindi sya makakauwi sa Asawa nya dahil magkasama kami, paulit-ulit syang magsisinungaling, iiwanan ako para umuwi sa legal, makikihati ako sa oras nya. Kaya ko yun.

Bakit? doon ako masaya e.

Sa ilang taon na kinalimutan ko sya, tingin nyo hindi ako nag try harder? Hindi ko lang sinubukan. Ginawa ko rin. Nandoon na nga ako na tuwing titigan ako ni Brix tingin ko tumatambol ang puso ko, nag iinit ang pisngi ko.

Pero yun na nga. Iba parin pag si Trip ang kaharap ko.

Pag kay Trip ang Mali nagiging Tama.

Pag kay Brix alam ko Tama lahat. Pero bakit parang may mali?

Dahil ba hindi perpekto si Brix kaya tingin ko wala syang tama?

Oh! Brix patawad!

"Pinapauwi nya ako." Sabi ni Trip habang nakasubsob ako sa dibdib nya at hinihimas nya ang likod ko.

hindi ako sumagot dahil nagtutubig ang mata ko. Magiging brat na ata ako pag pumadyak ako ngayon at maglupasay para wag na syang umuwi.

Pero hindi ko gagawin yun. Baka makita ako ni Brix at idiretso sa kusina at pakuluan.

"Ok lang.."

"Wow! Hindi mo ako pipigilan?"

Pinalo ko ang braso nya.

"Wag mo akong pilitin!"

"Sinusubukan ko lang."

Kumalas ako. "Uwi ka na." Pabulong kong sabi.

"Kiss mo na muna ako, kanina ko pa hinihingi yun ah?"

"Saka na."

"Kailan?"

"Basta...Saka na." bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse pero hinila nya ako paharap sa kanya.

"Kelan nga?" Kumurap kurap pa sya.

"Pag sakin kana umu-uwi."

Bigla naman nagseryoso ang mukha ni Trip. Nagpakawala ng buntong hininga.

"I'M Sorry."

"Sorry."

Sabay naming sabi. Yumuko si Trip, ayoko na maghihiwalay na naman kaming ganito.

Hinawakan ko sya sa Balikat at unti-unti akong lumapit para halikan ang noo nya. Pagkatapos nun, tinapik ko sya at sinabihang. "Umuwi kana sa kanya, Okay lang ako."

Nasalubong ko si Brix sa kusina, tatalikod sana ako at babalik nalang mamaya pero naunahan nya ako.

"Kumain ka na. Pinaghanda na kita kanina pa. Baka malamig na yun initin mo na lang." Malamig na approach nya sakin.

"H-hindi ka galit?" Alangan kung tanong.

Sumandig ito sa hamba, tumaas ang gilid ng labi at nag cross arms.

"Pwede mong tikman ang inihanda kung almusal para sayo, kung bumulagta ka nalang bigla maaring mas matindi pa sa galit ang nadarama ko sayo." naglakad sya at nilampasan ako.

Ilang beses akong naglunok ng laway, at pa horror na pumasok ng kusina. Nandoon nga ang pagkaing inihanda ni Brix.

Naghila ako ng upuan. At taos pusong nagdasal ng kapatawaran at kaginhawaan. Baka ito na ang last breakfast ko. Hindi rin naman kaduda duda kung bakit gugustuhin ni Brix na patayin ako, natapakan ko kasi ang Ego nya.

Kinuha ko ang tinidor at nagtusok ng Ham, umabot ata sa tatlong minuto bago ko ito nalapit sa bibig ko, habang na kanganga iniisip ko...

May pera kaya panglibing si Brix sakin? Saan kaya nya ako ililibing? Huwag naman sana sa talahiban na wala man lang ayos. Naku Brix mumultuhin kita!

Pero sana wag naman po!

Its now or never. Nginuya ko ang Ham...nilunok ko sya. Pinakiramdaman ko kung paunti-unti na ba akong mahihirapan sa paghinga.

"Ikumusta mo nalang ako kay San Pedro..." sabi ni Brix na nasa may pinto ng kusina at agad ding umalis.

Nakatingin lang ako sa likod nyang unti-unting naglalaho sa paningin ko. Napahigpit ang hawak ko sa mesa.


Two Seconds...

Two minutes...

Two minutes and fortyfour seconds.

Nakaupo parin ako at normal ang paghinga. At unti unti sumilay ang ngiti sa aking labi.

hindi sya galit!

"YESSSSS!!!"

Nagpatalon talon ako sa kusina at sumayaw ng running man at tatlong bibe!

Dahil hindi nagalit si Brix, tutulungan ko sya kay Zalea! Magiging masaya din sya!

Napakagandang Umaga!

*****

MAEJESTY

The Same Mistake (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon