33. CHOICES

665 11 3
                                    



GREETINGS FROM MY READER'S OF MAYBE THIS TIME...I SUGGEST TO READ MAYBE THIS TIME OR KUNG STORY TALAGA NI MAE YUNG SINUBAYBAYAN MO. BETTER NOT TO READ THIS HINDI PO KAYO MAKA RELATE. THANK YOU! ^_^



****

BRIX' FLASHBACKS



(NOTE: FROM CHAPTER OF "TEMPLE OF THE KING")

Nairita si Brix makita ang nagkalat ng Niashin guards halos hindi kasi umaalis ang mga tingin nito sa kanya. Sinabi nya kay Zalea na may plano syang takasan ang mga ito pero nagalit ang dalaga. Ipapahamak daw nya ang Ama nito, ipinagkatiwala daw sya ng Hari dito. Isang kalokohan ang gagawin ni Brix, kapahamakan hindi lamang sa Presidente ng bansa kundi pati ng buong Pilipinas.



Dahil sa inis nasabi nya kay Zalea na ang isa sa dahilan kung bakit naririto sya sa bansa ay ang takasan rin ang higpit ng Palasyong kanyang pinanggalingan. Ayaw na ayaw nya ang nakakulong sa isang sulok, nagbabasa at nag-aaral habang napapalibutan ng mga Guards.

Hindi nya maintindihan kung bakit nagalit ito sa kanya. At doon pinaalala ng dalaga na noong umalis sila ng Pilipinas para manirahan sa Niashin nangako sya babalik sya ng Pilipinas sa nag-iisang rason para kay Zalea pero ngayon bumalik sya dahil ayaw nya sa responsibilidad na naka atang sa kanya.

Ilang araw na hindi sya nito pinansin, humingi sya ng tawad dito at nagulat nalang sya ng hawak nito ang kamay nya at tumatakbo sila. Sinabi nito na tumakas na sya; tinulungan sya nito na tumakas. Umiiyak ito ng itulak sya palayo.

Habang humahakbang palayo sinabi ni Brix sa sarili.

"Babalikan kita Zalea, umalis man ako iniwan ko naman ang puso ko sayo."



****

Nagkagulo ang buong mundo ng mabalita ang pagkawala ng Prinsipe ng Niashin. Galit na galit ang Hari ng Niashin sa Presidente ng Pilipinas kung bakit hindi nito nabantayan ang Prinsipe. Dahil narin sa tulong ng ibang bansa, nahanap nila si Brix sa isang probinsya.



Isang kasunduan ang nabuo, hahayaan ito ng Hari na mamuhay ng normal pero may nakabantay di kaluyuan sa kanya at sa edad na twenty five babalik sya ng Niashin para pakasalan ang napili ng Imperyo at maging isang Hari.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, naaksidente si Brix. Kinailangan itong maoperahan sa mata. Matagumpay namang naisagawa ito. Naghihintay si Brix sa isang tao na dumalaw sa kanya. Kada bukas ng pinto ng kanyang kwarto kung hindi nurse, Doctor ang pumapasok.

Kabilang nalang sa araw na ito, bumukas ang pinto. Nagalak si Brix sa pag aakalang si Zalea ito.



"Kumusta na?" bati ni Farrel Bermudez ang Philippine President.

"Mabuti naman po." tiningnan ni Brix ang pinto.

"Hindi sya makakadalaw." agaw pansin ni Mr. Farrel.

Malungkot na ngumiti at yumuko si Brix, nahihiya sya sa kaguluhang nagawa nya noon. At ang nanunuot na titig ni Mr. President ang hindi nya makayanan.

"Xyprus..."

Nag-angat ng tingin si Brix hindi nya inaasahan na tatawagin sa nito sa kanyang second name, ito ang tawag sa kanya ni Farrel noong bata pa sya at kung kakausapin ng masinsinan. Kaya kinakabahan sya ngayong tinawag na naman sya nito sa kanyang pangalan.

"Nandito ako bilang Ama ng bansang ito, alam mo naman ang nangyaring gulo noong tumakas ka." nahihiyang tumango ang binata. "Hiyang-hiya ako sa Ama mo sa kapabayaan ko.."

The Same Mistake (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon