A/N: Sorry sa naghintay naging busy lang po just came from 3 day seminar. Thank you ulet. ;) (Na miss ko lang cla Kuhlasese kaya nasama ang baliw na Sesefans)
MAE
"Mae? Ok ka lang ba? Baka gusto mo ihatid na kita?" Hinabol pa talaga ako ni Brix.
kumunot ang noo ko kay Brix at tinuloy ko ang pagbukas ng gate.
"At bakit mo ako kailangang ihatid?"
"Alam mo na...b-baka.. kasi.." sabi nya habang hindi makatingin sa akin ng diretso.
"Hoy Brix! Ok lang ako wag ka na nga mag alala."
Tinitigan ako nito.
"Fine!" Pagsuko ko. "Iiwasan ko si Trip, hindi ko sya papansinin o kaya hindi ko sya kakausapin."
Napahinga naman si Brix, parang nabunutan ng tinik.
"Promise yan Mae." Babala nya pa.
Itinaas ko ang Left hand at nilagay sa tapat ng puso. "Promise." And I wiggle my brows at him.
Hindi parin ngumiti si Brix at pilit parin binabasa ang mga mata ko. Tinusok tusok ko ang pisngi ni Brix.
"Uy! Bakit ganyan ka?!" nakapout parin ako habang pino-point point ko yung finger ko sa pisngi nya.
Hinuli nya ang daliri ko at kinagat.
"Aray! Brix!" Pilit kong binabawi ang kamay ko pero hindi nito binitawan.
"Ikukulong na talaga kita Mae pag may ginawa kang kalukuhan." Nakakatakot na talaga si Brix ang Creepy nya.
"Mae?"
"Oo na! Paulet-ulet naman to e."
"O sya umalis kana." Tinapik nya ako sa braso.
"Bye Brix!" Kaway ko pero ang Mama, tinuro nya ang mata nya at tinuro ako. Pinaikot ko lang ang mga mata ko.
****
Dahil late na ako at sobrang naipit ang taxi na aking sinakyan, nagpasya nalang akong maglakad papunta ng opisina.
"Excuse me..." pasintabi ko dahil sa nag uumpukan na mga babae sa aking daraanan.
Pero talagang hindi ko sila matibag para na nga akong nagpatintero. Hanggang may isang one whole pad ng bondpaper ang tumaklob sa mukha ko.
Naiinis ko itong kinuha sa mukha ko, lalakumusin ko na sana ito pero curiosity kills me. Isa pala itong Dating Site advertisement.
"Ang Gwapo talaga ni Kuhlast Drive!!!" May padyak at kasamang tili ng babae.
"Hindi! Mas gwapo si Broomm Vashtic!" Yung isang babae at hinampas pa ang kasama.
"Shut up Girls! Lahat sila Gwapo at Every girls Dream! Wala namang members ang FAFAngs na panget diba?" Yung isa.
Nagyakapan naman sila at parang uod na sinilihan na kinilig kilig.
Muli kong pinasadahan ang hawak kong papel, at doon ko nga nakita ang black and white na kuha sa limang lalaki. Muntik na akong mapa antanda, totoo ba ang dating site na ito? Baka pag pinatulan ko manono sa punso lang ako.
Hindi kasi klaro sa picture ang mukha ng mga lalaki pero may naka bold, Algerian font with color Blue at highlights THE FAFAngs ito ba ang sinasabi ng mga babae kanina? Gwapo daw? Asan banda. Puro stolen shots pa ata.
Tinapon ko na ang add nayon at nagpatuloy sa paglakad ng may sumigaw na!
"How dare you!" Oo sinigaw yan ng nilikhang may dilaw ng buhok sa pagmumukha ko.
BINABASA MO ANG
The Same Mistake (completed)
General FictionMAYBE THIS TIME & THE VIRGIN'S MISTAKE 2 The Same Mistake Again? pag nasaktan ka ng isang beses, uulitin mo pa ba? kaya mo pa ba? kung kaya mo.. sino ang pipiliin mo? ang kaya kang mahalin ng higit sa kaya mong ibigay o ...