MAEJESTY SAID: NAISIP KO NA ANG ENDING PERO HINDI KO ALAM ANG GITNA. HAHAHA.
(*^*)
"Mae, may bisita ka."
Tinitigan ko si Bing ng sabihin nya sakin yun. Tinaasan nya muna ako ng kilay at tinalikuran.
Sino naman kaya ang bisita na yun? May kapamilya ba ako na nakaalala sakin?
"Mae, may gwapo kang bisita." Sabi ni Kaye ng napadaan ito sa table ko.
"Si Brix?" sabi ko sa kanya.
"Pag gwapo si Brix agad?" Tumango ako. "Bruha hindi si Brix, ngayon ko lang nakita yun." Sabi nya at umalis na.
Tumayo na ako at nilabas ang bisita ko daw. Naabutan ko itong nakaupo sa Love seat, napatigil naman ako ng makilala ko ito. Kilalang kilala.
Napansin siguro nito na nakatayo ako sa likod nya, kaya lumingon ito. Ngumiti ng malapad at sinalubong ako.
Napaigtad pa ako ng halikan nya ako sa pisngi. Nahalata naman siguro nya ang pagkaasiwa ko kaya umatras din ito.
"P-pacensya na..." sabi nya.
Tumango ako. "Ano pala ang ginagawa mo dito?"
"Pwede ba kitang makausap?"
"Ha? Tungkol saan?"
"Random things, hindi na kasi kita mahagilap noon pagkatapos ng kasal ko."
Pagak akong natawa. "E, anong gusto mong gawin ko, hintayin matapos ang kasal mo tapos ako ang sasalo ng boquet nung bride?"
Bigla naman syang nataranta at hinawakan ang kamay ko. "Hindi...hindi naman yun. Sorry na."
"Ano ba kasi ang kailangan mo?"
Aba, malay ko ba dito at kinakausap pa ako nito, alam ko naman ang 3months rule at oo lampas na pero kasi, ngayon palang ako nagsasanay ka tuluyang tanggalin sa puso ko si Trip.
Bitter na kung bitter, basta hindi pa ako handa. At sana lang wag na ulet syang pumunta sa lugar kong nasaan ako. Baka magkasala lang ako sa mata ng Dyos at tao.
"Mangangamusta lang sana." Sabi nya pa.
"May trabaho ako."
Hinawakan ako nito sa balikat. "Hihintayin kita."
Napaikot ko ang mata ko. Sa lahat siguro na magsabi sakin ng 'Hihintayin kita' si Trip ang hindi kapani paniwala. Subok na to e.
"Maghihintay ka?! Pinagloloko mo ba ako?" Sarkastiko kong sabi.
Hindi naman sya umimik at pinagmasdan lang ako. Nag init naman ang pisngi ko dahil sa ginagawa nyang paninitig. Maya maya pa, nagcross arms ito, naka tshirt lang ito kaya kitang kita ko ang pag flex ng muscles.
Ang macho ng hinayupak! Mas yummy sa kape ni Coco.
"O, ano na naman yan?" Tinuro ko ang ngiti sa labi nya. Yung parang nanunukso.
"Tapatin mo nga ako Mae..." nakangisi parin sya.
"A-anong...ipagtatapat?" Kinikilabutan ako.
"Mahal mo pa ako."
Mabuti nalang at hindi ako kumakain ng polvoron sa mga oras na yun. Wala man lang preno kung magtanong.
"M-may trabaho pa ako..." mabilis akong naglakad para umiwas kay Trip.
"Hihintayin kita!" Napatalon naman ako noong magsalita si Trip.
Humihinga narin ata ako sa bibig, dahil hindi nagiging normal ang tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
The Same Mistake (completed)
General FictionMAYBE THIS TIME & THE VIRGIN'S MISTAKE 2 The Same Mistake Again? pag nasaktan ka ng isang beses, uulitin mo pa ba? kaya mo pa ba? kung kaya mo.. sino ang pipiliin mo? ang kaya kang mahalin ng higit sa kaya mong ibigay o ...