11. CHOICES

733 24 3
                                    

Dumaan ako sa Prayer room. Doon naabutan ko si Sister Sara na nagrorosaryo. Umupo ako sa may likuran nya.

Tumingin ako sa altar at naalala ko kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon.

Tinuring akong Princesa ng mga magulang ko. Pinrotektahan sa mga bagay na makakasakit sakin. My Mom suffered from a desease, lumayo sya para hindi ko makita na maghirap sya...Para hindi ako masaktan.

Hindi ako nag Boyfriend, dahil feeling ko lulukuhin lang nila ako 1 is to 100 ang ratio ng matitino at totoong Nagmamahal ngayon. But when Trip came, sa sandaling panahon Minahal ko sya.

Dahil padin takot akong masaktan at maiwan, ako ang unang nang iwan.

Ano nga ba ang pagkakaiba ng sitwasyon ko ngayon. Natatakot akong masaktan noon at handa akong masaktan ngayon para sa taong yun.

"Mae?" Tapos na pala magrosaryo si Sister.

Inabot ko ang kamay nito at nagmano. "Magandang gabi po Sister Sara."

"Ay, Magandang gabi rin."

"Sabay napo tayong pumasok sa Shelter." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"O sya sige, magliligpit lang ako." Tumungo si Sister sa Altar at pinatay ang kandilang nangangalahati na.

Nakaupo lang ako roon. Nakatingin sa Maylikha na nakadipa sa krus. Ng biglang tumulo ang luha ko.

Naramdaman ko ang pagpisil sa balikat ko, at pag angat ko ng tingin ang nakangiting si Sister. "Tayo na?"

Hindi ako nakasagot. Bumalik lang ang tingin ko sa Krus.

" Gusto mo bang may maka usap o gusto mong mapag isa?" Sabi nya.

pinahid ko ang luha ko. "M-mauna na po kayo...susunod nalang po ako."

Noong naramdaman ko si Sister Sara na humakbang na, parang tumulak bigla ang dugo ko paitaas. Parang nais nilang kumawala at naghahanap ng sagot. May mga bagay na hindi ko kayang maibahagi.

"S-sister....." pagtawag ko at ang pagtigil ng takong nya.

Alam ko, sa nakikita nyang pagkabahala sa mata at kilos ko alam nyang may dinaramdam ako.

"S-sister...bakit po..." lumunok ako at nanginginig ang labing nakatitig sa krus.

"B-bakit po may mga babaeng pumapayag na maging K-kabit?" Nakagat ko ang labi ko.

Bumalik si Sister umupo sya sa tabi ko at hinawakan ang mga kamay ko. Sinalubong ko ang titig nya kahit bakas sa mata ko ang pagtutubig.

Tumagilig ako para maharap ko sya.

"Gusto kong sagutin mo ang tanong ko." Sabi nya at tumango ako.

"Sino ang Mas Mahal mo, ang Mortal o ang Immortal? Ang Taong nilikha o ang Dyos na syang lumikha?"

Nagbukas sara ang bibig ko. Ang kanina'y dugo na umakyat sa kaibuturan ko ay parang nanghina. Bumilis ang tibok ng Puso ko kasabay ng pagpintig ng Sentido ko.

Nakakapanindig balahibo ang naging tanong ni Sister.

"Sa bawat oras na gumagawa ka ng desisyon ito'y iyong tinitimbang. Ang iyong pagpipilian lamang sino ba ang nagbigay ng malaking sakripisyo para sa ikabubuti ng lahat. Kung pipipiliin mo ang Mortal, gaano ba kalaki ang isinakripisyo nya para sayo? Ang Dyos? Hindi mo pa nagagawa napagbayaran na nya."

Tinapik ni Sister ang kamay kung hawak nya at tumingin sa Altar kaya napasunod ang tingin ko doon.

"Sa tanong mo na bakit may pumapayag na maging kabit? Sa Sumisira sa pangako ng ilan sa harap ng Dyos, sila ang mga taong hindi pa nahahanap ang totoong ibig sabihin ng pagmamahal sa piling ng Maykapal. Kaya mas napagtutuunan nila ng pansin ang pantaong responsibilidad, ang pantaong pangangailangan, ang panandaliang saya."

Pantaong pangangalaingan. Kaya ba kahit alam na mali, sige parin?

"Hindi natin sila maaring husgahan, bagkos dapat natin silang tulungan. Hindi sila masama, hindi sila salot. Madali silang tulungan, kasi may Puso sila, nagmamahal sila, yoon nga lang sa maling panahon, sa maling sitwasyon. May Puso sila, nasasaktan, mga taong alam ang tama pero hindi alam kung paano itatama."

"Mahigpit sa utos ng Dyos ang bawal na pakiki apid sa isang Relasyon, Alam ng lahat. Sino ba ang may gusto na tibagin ang utos na yaan? Makakabangon pa sila, maitatama ang lahat kung bubuksan natin ang Puso natin na may tamang panahon ang lahat, ibibigay ng Maykapal ang nararapat sayo kung marunong kang tumanggap at marunong kang maghintay."

Tumanggap.

Kaya ako nalagay sa sitwasyong ganito kasi hindi ako marunong tumanggap. Hindi ko matanggap na bahagi ng mundo na nilikha ng Maykapal ang masaktan, bumangon, matuto, magpatawad at sumaya. Nakalimutan ko ang mga bagay na yan at ang inisip ko lang paano pa ako Sasaya.

Inisip ko ang puro Saya. Nakalimutan ko na ang Dyos, na sa oras na hindi mo na kaya sya mismo ang bibigay ng daan para makaya mo ang lahat.

MAGHINTAY.

Hindi ako marunong maghintay. Kasi alam ko na ang bagay na labag sa utos nya, kinokonsedira ko parin. Hindi ko mahintay, na lahat ay may tamang panahon, hindi ko naisip na may Dyos na Personal na nag aayos ng Forever para sakin.

Hindi tayo marunong Tumanggap at Maghintay kaya nagkakasala at nakakasakit tayo.

Kaya tayo nagiging mahina, kasi hindi buo ang kapit natin sa kanya. Kaya tayo nagdadalawang isip kasi hindi tayo naniniwala sa kanya.

What is Love?

Love is God. In God's perfect time, its always right to Love.

"Wag mong isipin na hindi perpekto ang mundo. Kaya nya tayo binigyan ng buhay kasi Mahal nya tayo, ginawa nyang perpekto ang mundo kasi lilikha sya ng bagay na Espesyal at yun ang tao. Sinalba nya tayo sa pagiging makasarili, bakit? Para sa oras na nagkakamali tayo maisip natin na hindi nya tayo susukuan, kaya wag natin syang sukuan."

Kaya ba tuwing nanghihina ka na at sumusuko, pagnapapatingin ka sa kanya na nasa krus, pinapakita nya na kahit mahirap wag sumuko.

"Kaya kung may gumugulo sayo, naiisip mo na dapat makuha mo ang taong yun mali o tamang paraan, alalahanin mo Mas Mahal ka ng Dyos." Kasabay ng pagpisil ni Sister ng mga palad ko.

Tinamaan ako. Pero hindi ako umiyak. Wala ni Isang luha na muling pumatak sa mga mata ko. Kumalma ang circulasyon ng dugo ko.

Sabay sa ideyang.

Hindi ko dapat pagtaguan si Trip. Hindi ako dapat matakot. Kasi masaktan man ako, alam ko may gagabay sakin at magpaparamdam ng higit pa sa pagmamahal na kailangan ko.

****
Leason Learned. Thank you Lord.

HUWEBES SANTO night. TRUST EVERYTHING TO HIM.

DIVORCE INVITATION movie, Nanggigil ako sa Mistress nya kaya hindi ko alam kong paano ko nahugot ito. #nohate

Done typing. Goodnight.

MAEJESTY

The Same Mistake (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon