Hindi ko alam kung paano kami nagkasya ng mga rainbow girl sa kulay lila na mini van. Imagine 8 kami.
Maejesty note (11 sana ilalagay ko kaya lang naalala ko si Kuhlasese sabi nya 7 lang fans nya at ayaw nyang mag add).
Yung iba nga kaliwang mukha nalang ng pwet ang nakaalalay sa upuan yung iba nakakandong na. Nag suggest ako kanina mag taxi ako nalang ako, sinalubong naman ako ng palad nila at sinabing No!
Kaya eto kami ngayon, siksikan. Tinalo pa namin ang Sardinas.
Hindi ko rin alam ang destinasyon namin, parang gusto ko nalang sampalin ng sampalin ang mukha ko paano ba naman umiskapo ako sa trabaho.
Sana may balikan pa akong trabaho pagkatapos nito.
Nakarating kami sa ABCXYZ Exclusive University for Special. Nakakamangha ang laki ng building nila, nakikita ko rin ang mga estudyante na ang sososyal. Grabe para akong nasa ibang demensyon.
Naputol ang pagkamangha ko ng may tumapik sa balikat ko. Si Red Hair Girl.
"Pagbaba natin ng Limowsink...sumunod kalang sa amin, tapos lahat ng gagawin namin susundin mo." Sabi nya hindi ko alam kung matatakot ako o tatawa.
"What The!" Napahawak ako sa dibdib ng may tumusok sa tagiliran ko. Si Green Hair.
"At iisang Dyosa lang ang iyong titignan." Nanlilisik ang mata nya.
Oh no! kakausapin lang naman ako ni Trip diba? Tinakasan ko si Trip dahil nakakatakot ang susunod na eksena hindi ko alam na mas nakakatakot pala ang sumama sa mga taong may kulay ang buhok.
"Tara na!" Senyas nila.
Nauna na silang bumababa.Parang mas kinabahan pa ako, siguro naman hindi nila ako mapapaslang bigla bigla dahil nasa loob kami ng sosyal na University.
"Hoy!" hinarangan ako ni Violet hair.
"Bakit?" Ako.
"Diba sinabi na sayo na sundin mo lahat ng ginagawa namin?!" Sya.
Napalunok ako. "Si...sinusunod ko naman po ah."
"Paano mo kami nasusunod kung dyan ka sa tiles na footwalk dumadaan!" Nanlaki ang mata na dinuro nya ang naka tiles nga infairness na daan.
Kung kanina naisip ko mamamatay tao sila ngayon tingin ko may sayad na sila.
"Bakit ba hindi ako pwedeng makadaan dito?!" Ako.
"Hindi pwede!" Orange hair.
"Bakit nga?!" Ako.
"Basta hindi!" Maiiyak na ata sya dahil sa frustration.
Nagkibit balikat ako. "Bahala kayo basta dito ko gusto dumaan..." nilingon ko sila. "Ba't ba kayo kasi nadaan dyan sa lupa? Dito nga kayo sa dinadaanan ko kayo rin madumihan yang sapatos nyo." Yaya ko.
Kitang kita ko ang pagkinang ng mata nila. Pero parang may pumipigil sa kanila. Isang malakas na Shakra.
"H-hindi pwede..." nag iwas ng tingin si Red Hair.
"Red hair anong bawal, atsaka bakit ang big deal ng tiles na footwalk at dyan sa lupa na daan, ano ang ipinaglalaban nyo?" Ako.
Nag isang linya ang labi nya. Nanubig ang mata. "Dahil. Isa yang uri ng pagtalikod at pag-usig sa Dyosa na aming sinasamba!"
Ano daw?
"Kami ang nag recruite sayo kaya dito ka sa teritoryo namin!" Hindi na ako naka move ng hilahin ako ni Pink hair.
BINABASA MO ANG
The Same Mistake (completed)
General FictionMAYBE THIS TIME & THE VIRGIN'S MISTAKE 2 The Same Mistake Again? pag nasaktan ka ng isang beses, uulitin mo pa ba? kaya mo pa ba? kung kaya mo.. sino ang pipiliin mo? ang kaya kang mahalin ng higit sa kaya mong ibigay o ...