4. REASONS

1.2K 30 10
                                    

4. CAUSE I'M ONLY HUMAN

HAPPY BIRTHDAY TODAY KAY FRIENSHIP KO ANAMAE OSINSAO (FEB.18) THANK YOU GIRL! <3

-------

"Brix! Bilis na! Argh! Ang bagal talaga!" Napakuskos ako sa buhok ng kinakatok ko si Brix sa labas ng silid nya.

"Sandali lang! Mauna kana kaya!" Ganting sigaw nya.

Sinipa ko ang pinto nya.

"Mae! Sumusobra kana ah! Pinilit mo na nga ako tapos ngayon minamadali mo ako?!"

"Lumabas kana nga Brix ano paba ang ginagawa mo dyan? Pinagbihis lang naman kita ng pormal ah?" Naiiritang tinapik tapik ko ang pinto.

"Ang hindi ko naman kasi alam kung bakit mo pa ako pinagbibihis ng pormal e, yun na ang pinakapormal kung ayos kanina." Reklamo nya.

Oo, pinagbihis ko na yan kanina sabi ko pormal, dahil pormal yung party na eho-host ko pero ang loko lokong si Brix nag costume bilang Captain Amerika at sabi pa nya..

"Bakit ba? Kagagalang galang naman si Captain Amerika ah!" Ika nya.

Gusto kong hambalusin ang mukha nya. "Oo, Brix kagalang-galang nga si Captain Amerika kung yang sheild na dala mo ay hindi takip ng kaldero."

Halos halikan ko na ang talampakan ni Brix ng iluwa ito ng pinto. Pinagmasdan ko ang kabuuan nito at tinalikuran.

"Hoy! Mae..."

"O?" Naglakad na ako palabas ng shelter.

"Mae, ok na ba tong suot ko?" Nilingon ko si Brix habang tinutupi nya ang manggas ng polo nya.

Nakanguso ko itong nilapitan. Tinapik ko ang kamay nya at ako na ang nag ayos ng pakakatupi ng polo nya.

"O, maayos na ano ba kasing gina--" nag iwas ako ng tingin ng nakangising nakatitig si Brix sakin.

Medyo nailang ako, Oo. Madalas nyang ginagawa yan. At madalas din na pinagwawalang bahala ko yun. Pero sa tulad nito na ang tahimik ng paligid, mas tumindi ang pagkailang ko. Lalo't may nais kumabog sa dibdib ko.

"Bakit ka namumula?" May pigil na ngiti sa mga labi ni Brix.

Mabilis kong tinalikuran si Brix. Napahawak ako sa pisngi ko, bakit ba kasi ako nag iinit sa titig na yun. Ah letse na!

Nasiko ko pa si Brix ng pasakal nya akong inakbayan. "Crush mo na ako no?!"

Napakagat labi ako. "Ano?"

"Uy, mas lalo pa syang nagblush!" Tinusok tusok nya ang pisngi ko.

"Brix! Ano ba! Ang kulet naman,tumigil ka nga." Tinaasan ako ni Brix ng kilay. "A-at hindi kita crush napaka mo talaga!"

"Baka mautot ka bigla ah." Sabi nya.

Sinamaan ko sya ng tingin. "Nagbanyo ako kanina baka ikaw tumae ka sa kaba mamaya."

"Hindi mangyayari yun, wala naman kasi ako dapat aminin." Sabi nya nalito naman ako.

Nagets. Naman ata nya ang pagkunot ko ng noo. "Amin-amin din pag may time TEH, baka kapipigil mo masamang hangin ang lumabas." Tumatawang sabi nya.

Hindi ko gets. Pero dahil patuloy na tumatawa, ngingisi at tumingin si Brix sakin nagets ko rin sya, kinuyom ko ang kamao ko tanda na itutumba ko na talaga si Brix pero mabilis itong tumakbo palabas ng gate.

Hindi ko na sya inabot, napakibit balikat ako. Apat na oras itatagal ang party na yun, di naman siguro masamang umamin na...

"Ang sarap ipalaman sa tinapay si Brix, ang Cheezy kasi. Alam ko naman na sya may crush sakin, pasimple din magpaamin e. Deskarte nya inaanay na e, kailangan ng e. Update sa Almanac."

The Same Mistake (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon