20. REASONS

652 13 1
                                    

Dahil na touch si ako sa message nya! Thank you! BLUEdeBLACK. Thank you!

******

"Salamat." Pinisil ni Mae ang balikat ni Brix at tinabihan ito.

"Para saan? Dahil ba akala mo tinuluyan na kita?" Nahihiyang tumango si Mae tinuktukan ito ni Brix. "Grabi ka."

Katahimikan ang namayani sa kanila. Pilit tinitimbang ang salitang sasabihin.

"Masaya ako--" Mae

"Masaya ka ba?--" Brix.

Parehong natigilan, napakamot ng noo si Mae at natawa si Brix. Nanunudyo ang ngisi sa mga labi nito.

"Halata nga."

Tumahimik muli, nakatingin sa malayo animo'y may nakikitang anghel sa malayo na naglalaro.

"I want you to be Happy too." Sabi ni Mae at pinisil ang kamay ni Brix.

Pinagsalikop ni Brix ang mga kamay nila at pinaglaruan. "Alam mong hindi ko kaya."

"Pero subukan mo."

Hinarap sya ni Brix. "Masaya ako na masaya ka Mae. May mga tao talaga na mas matapang ipaglaban ang alam nilang kanila. Sinabi ni Trip mahal ka nya atleast ikaw alam mo, Paano ako? Paano kung nakalimutan na ako ni Zalea?"

Tumango si Mae at niyakap si Brix. Naiintindihan nya ito, maswerte sya, dahil kahit sa maikling oras nakakasama nya si Trip.

"Mukhang hindi ko gusto ang nakikita ko."

Kumalas si Mae sa pagkakayakap kay Brix at hinarap si Trip na masama ang tingin kay Brix.

"O, Trip! Nandito ka!" Sabi ni Mae. Masaya sya dahil nandito na ulit ito sa harap nya.

"Ang talas talaga ng pang amoy mo Fontane." Napairap lang si Trip.

Sinaway ni Mae si Brix, baka magpang abot na naman kasi ang init ng dalawa magkagulo na naman.

"O..ok na ba sa inyo?" Tanong ni Mae kay Trip pero naiilang sya dahil nasa tabi nya rin si Brix.

"Wag ka ng mag alala." Lumapit si Trip at hinila patayo si Mae. Hinapit nya ito sa beywang at hinalikan sa noo.

Nakagat ni Mae ang labi at pasimpleng kinuha ang kamay ni Trip sa beywang pero idiniin lang nito ang hapit sa kanya kaya mas napayakap sya dito.

"Pwede ba Trip, wag ka nga pumulupot ng ganyan kay Mae nakakailang." Brix.

"Trip let go." Mae.

Napahinga si Trip at niluwagan ang paghapit sa kanya. Niyaya naman syang maupo ni Trip.

"Uhm...kukuha ako ng maiinom. Juice? Coffee?" Hindi sumagot ang dalawang lalaki. "Trip? Brix?"

"Tubig lang." Nakangiting sagot ni Trip.

Napangiti si Mae at binalingan si Brix. Nakatitig lang ito sa kanya at tinaasan sya ng kilay. Pinanlakihan ito ni Mae ng mata.

"Bahala ka dyan ang arte..." nagpapadyak na naglakad si Mae ng tinawag sya ni Brix. Naiinis na nilingon nya ito.

"Kape." Sagot ni Brix.

Mae roll her eyes. Ang arte!

"Yun lang kamahalan?"
Mae.

"Mainit na kape, yung kumukulong tubig na bagong hango mula sa takure. Yun lang salamat." Brix' evil smirk.

"Alam mo sumama ka nalang kaya at magmumog ng kumukulong tubig?" Sabi ni Mae at mabilis na lumisan.
Tinawanan lang ito ni Brix.

The Same Mistake (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon