12. REASONS

712 28 3
                                    

Napagpasyahan kung gumala muna. Nauna kong daanan ang Kettle corn bumili ako, isa ito sa paborito kung kainin habang naglalakad at tumitingin sa mga botique.

Marami akong paper bags na dala habang pababa ako ng Escalator, nahagip ng tingin ko ang couple na ang babae nakapulupot ang kamay sa braso ng lalaki.

Napangiti ako. Hindi na ako nakapaghintay, nagmadali akong bumaba sa Escalator tama lang na wala masyado nakasakay.

Hindi ko sila nilubayan ng tingin, baka mawala pa. Napahinga ako ng malalim ng pumasok sila sa Vikings.

"Welcome Maam..." bati sakim.

Nginitian ko lang sya at ginala ko ang tingin sa mga taong kumakain. Nandoon sya, pinaghila nya ng upuan ang kasama.

"Table for how many Maam?" Tanong pa ulet sakin.

"No thanks, nakahanap na ng table ang kasama ko." Sabi ko at agad naglakad papunta sa kanila.

Hindi ako nito napansin. Kaya itinakip ko ang kamay sa mata nya.

"What the fuck!" Hiyaw nya.

Napangiwi ako at binatukan sya.

"What the He---!" Nanlaki ang mata nya at lumingon sakin. "Mae?!"

"Oo Ako nga! At hindi ko inakala na Mumurahin mo ako." Inirapan ko ito.

Tumayo sya at niyakap ako. "Na Miss kita! Saan kaba nagsusuot?" Ginulo pa nito ang buhok ko.

"Fun!" Humalakhak ito habang inaayos ko ang buhok ko.

"Ang ganda mo parin Mae." Sabi nya na he-ned to foot ako.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ng babaeng kasama nya.

"Ang kapal ng mukha mo na purihin ako samantala may maganda kang babaeng ka date." nginitian ko ang Babae at nagbaba ito ng tingin at namula ang mukha.

Nakita ko ang paglingon dito ni Fun, kumindat ang loko sakin alam ko nakita nya ang pag blush ng babae.

"Mae, meet Kim my Girlfriend. Hon si Mae nag iisang babaeng nambasted sakin." Nanlaki ang mata ko at hinampas ang balikat ni Fun.

"Walang hiya ka!" Tawa ito ng tawa at sinabunutan ko pa.

Napatigil ako sa pagmurder kay Fun ng may tumikhim, si Kim pala nakangiti ito at tinuro ang mga taong nasa loob rin ng restaurant.

"Pacensya na..." nahihiya kong sabi. Sinamaan ko ng tingin si Fun pero nagpalingo lingo ito at pinaghila ako ng upuan.

Bali five seater table, magkatabi sila ni Kim at mag isa akong kaharap nila. Nag order na si Fun habang naghihintay sa order namin nag uusap kami ni Kim.

Isa pala syang Kinder teacher, nagkakilala sila ni Fun ng magdonate ang Kompanya nila ng klassrooms sa School na pinagtuturuan ni Kim.

Mabait si Kim, medyo tahimik at mahiyain. Ilang beses ko ng nasipa sa ilalim ng mesa si Fun dahil binubully nya ito. Ngunit sa tuwing tumutulis na ang nguso ni Kim bigla nya itong kakabigin at hahalikan sa noo.

Hindi ko lubos maimagine ganito pala ka sweet si Fun. Ang Fun na nakilala ko dati, barumbado ang alam lang ang agawin ang mga taken na babae kahit pa sa kadugo nito.

I'm Happy for him. Nababago at naitatama ang lahat sa tamang Pag-ibig at sa tamang taong iibigin.

"Excuse me Cr lang ako." Paalam ni Kim.

Aalis na sana ito ng biglang tumayo si Fun at hinila ang kamay nito at hinalikan ang noo. Napayuko naman si Kim, nagsalubong naman ang kilay ko sa ginawa ni Fun. Patakbong tinungo ni Kim ang banyo.

The Same Mistake (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon