16. REASONS

660 19 1
                                    

"Mae, lumipat ka nga doon sa kusina." Nakabusangot ang mukha ni Brix.

Hindi ko ito pinansin at nanatili ang mata kay Trip na nakikipaglaro sa mga bata.

Lumingon ito at kumaway, mabilis din akong gumanti ng kaway.

"Bwisit talaga."

Dinig ko yan. Sino pa ba kundi yang katabi ko na nagdadabog na nililigpit ang pinagkainan ng mga bata dito sa si-net up naming table sa garden.

Lumingon muli si Trip, this time kumindat na sya sakin. Napaiwas ako ng tingin at namula.

"Bubulagin ko na talaga yan! Isa nalang!"

"Magbibigay lang daw ng laruan, pero hindi pa umuwi kumain pa ng budget na kasya lang sa mga tao dito?"

Halos tumaob na ang mesa sa kuskos ni Brix, habang may sinasabi ito. Naaliw naman akong pagmasdan ito habang patuloy na kumikibot ang labi, ngunguso at kukunot noo.

"Sa susunod na pupunta yan dito hindi ko pagbubuksan ng gate. Kala nya"

Tumayo ako at naglakad sa likuran ni Brix. Hindi ako nito napansin at tuloy sa pagsalansan ng mga pinagkainan.

"Tapos hindi na nahiya, hindi man lang tumulong sa paglinis sa pinagkainan nya..."

"Brix!" Napatuwid ng tayo si Brix ng bigla akong yumakap sa kanya.

Napadampi ang kaliwang pisngi ko likod nya, pilit kong pinagsalikop ang braso sa tyan ni Brix. Pero dahil malaking bulas ito, hindi ko mapang abot ang mga kamay ko. Kaya nanatili na lamang ang kamay ko sa may tyan ni Brix.

"O? Bakit?" Malamig ang boses na pagkakasabi nya.

"Kanina ko pa napapansin na panay ang kibot ng labi mo..." Pilit kong inaninag ang mukha nya. "Parang yung nakikita ko sa horror movie, yung mangkukulam Brix ganun na ganun yung facial expression mo."

"Ewan ko sayo." Humakbang si Brix pero hindi ko sya hinayaan. Mas yumakap pa ako sa kanya.

"Mae, ano ba...bitaw."

Nag pout ako. "Ayaw." Sinamahan pa ng paglingo.

"Hay, ano ba yan!"

Muling humakbang si Brix, hindi parin ako kumalas, bagkos humakbang rin ako. Kaya ang nangyari kada hakbang ni Brix, hahakbang rin ako na nakayakap sa likuran nya.

"Maetot! Tigilan mo na yan!" Natatawang saway ni Brix.

Napangisi ako at kinagat ang likod nya. "Uggghh!" Daing nya.

Bumitaw ako ng yakap at pinalo ang likod nya. "Ang wholesome mo dumaing."

Pinamaywangan nya ako. "Kinagat mo ako, nasaktan ako at kahit sa pagdaing ko may komento ka?"

Napaismid ako. "Iba kasi e..."

"Ano? Anong iba?"

Napaiwas ako ng tingin. "A-ano...kwan...iba sa pandinig."

Pinitik ni Brix ang noo ko. Natawa ito. Kiniliti nya ako sa tagiliran kaya napasigaw ako. Tawa ng tawa si Brix at hinabol ako samantala panay naman ang iwas ko at pagsisigaw.

"Mae!"

Natigil kami ni Brix ng tinawag ako ni Trip nakalapit na pala ito sa amin. Nasa akin lang ang tingin habang nasa mga bulsa ng pantalon ang kamay.

Napatingin muna ako kay Brix bago ko lapitan si Trip.

"Mae." May babala sa tinig ni Brix.

"Huh?" Nilingon ko ito pero napalingo lang ito at nilampasan ako.

The Same Mistake (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon