15. CHOICES

627 20 0
                                    

"Bakit nandito yan?!" Nginuso ni Brix si Trip na nakatayo sa labas ng kotse nya.

"E, Brix..." nilingon ko si Trip, sa amin din ni Brix ito nakatingin.

Tumango ito at ngumiti. Ibinalik ko ang tingin kay Brix na mas lalong sumama ang mukha. Alam ko nakita nya kung paano ako nginitian ni Trip.

"Gusto nyang tumulong." Sabi ko rito.

"Tumulong? Huh. Kung di ko pa alam." Mahinang sabi nya pero hindi nakaligtas sa pandinig ko kaya pinandilatan ko ito.

"Wag ka ng magreklamo...nagpunta ang tao dito na may malinis na hangarin kaya pwede bang pakiharapan mo naman ng maayos?" Hindi ako galit, nagpapaliwanag lang.

"Malinis na hangarin my ass!" Side comment ni Brix na sadyang pinaparinig sakin.

"Brix ano ba?!" Pinaweymangan ko sya. "Tutulong ka sa pagbuhat ng mga laruan para sa mga bata o sisipain kita palabas ng shelter?"

Kanina pagkatapos namin kumain ni Trip sinamahan nya ako bumili ng regalo para sa isang bata na mag-b-birthday sa susunod na araw. Yun naman talaga ang sadya ko sa mall noong magkita kami.

Pero dahil naaaliw kami sa pamimili ng mga laruan, naisip nyang bilhan narin pati ang ibang bata.

Pagdating sa shelter, tinawag ko si Brix para magbuhat ng karton-karton na laruan, pero kanina pa sya maraming side comments kung bakit nandito si Trip.

Pareho silang matigas ang ulo, I wonder kung maging mabuting magkaibigan din ang dalawa.

Wala akong nakuhang sagot mula kay Brix kaya tinalikuran ko na ito at binalikan si Trip.

"O, anong nangyari dun?" Tanong nya.

Umismid ako at tinuro ang compartment ng kotse nya. Ako nalang ang magbubuhat nito, pagnanakit ang kasukasuan ko konsensya na ni Brix yun.

Ang arte nya!

"Hayaan mo na, hindi ko napakiusapan. Baka nireregla yun baka daw mabinat sya."

Natawa naman si Trip at tinapik ako sa balikat. Bubuhatin ko na sana ang isang Box kaya napatingin ako dito.

"Ako na. Kawawa naman ang mga buto mo, mukhang dalawang nerves nalang ang di nakakapirma magkakalasan na yan." Ngumisi pa sya.

"Hindi ako buto't balat! May laman parin to 'no." Protesta ko.

Maganda talaga ang naging araw ni Trip, pansin ko na hindi ito pagod ngumisi at ngumiti ngayong araw.

"Sige nga papisil ako?" Sabi nya.

"A-ano?" Nabingi ako, sorry naman.

"Kako, papisil. Titingnan ko kung may laman pa nga." Aniya.

Nag-init ang mukha ko at nag-iwas ng tingin. "Wag ka nga."

Humakbang pa ito palapit. "Please Mae?" Panunudyo nito.

"Trip ahh!" Natatawa ko itong tinulak.

Pero hinuli nya ang kamay ko. Ngumuso ito at pinitik ang tungki ng ilong ko.

"Ano ba! Haha!" Pilit kong hinila ang kamay ko pero ayaw nitong bitawan.

"Ayoko." Muli itong nag-pout na ikinasinghap ko. Ang cute nya! "Di mo pa nga ako pinagbibigyan."

Lumamlam ang mata nya.

"Sigurado ka?" Ako.

Muling nagliwanag ang mukha nya. "Oo naman!"

"Loko-loko!" Kinurot ko ito sa tagilaran kaya napaatras sya.

Dahil hawak nya ang kamay ko nasama ako sa paggalaw nya. Nahila nya ako at napasubsob ako sa dibdib nya. Namayani ang katahimikan.

"Ang dami-daming bubuhatin oh! Puro landian!" Nasa gilid namin si Brix.

Hindi ko maintindihan, dahil pilit nya kaming pinaglalayo ni Trip, Oo nasa ganun parin kaming eksena ni Trip parang magkayakap.

"Ano ba Brix." Umayos ako ng tayo pero ang mga kamay ni Trip nasa beywang ko parin.

Nakakunot noo si Trip pero si Brix namumula na. Sa inis?

"Diba sabi mo Mae magbuhat ako ng mga dala ninyo?" Hinarap nya ako.

Tiningnan ko sya na nahihiwagaan. "Oo, kaya lang bakit mo ako tinutulak?" Palayo kay trip? Dagdag ko sana.

Nag-iwas ito ng tingin. "Dadaan ako. Nakaharang kayo." Sabi nya.

Napa Tsk. Si Trip. "Kailangan sa gitna namin?"

Oo nga naman!

"Paki mo?" Hindi ko nakita ang expresyon ni Brix dahil nakatalikod ito sakin at nakaharap kay Brix.

Puno naman ng pagka amaze ang mata ni Trip. May pigil na ngiti sa mga labi nito.

Ang pigil na ngisi nito ay nauwi sa isang malutong na halakhak. Nakatingin lang ako sa kanya. Wala namang nakakatawa.

"Idiot!" Brix.

Nahimasmasan na ata si Trip at tumikhim. Tinignan nya ako at hinila dalawang hakbang ang layo mula sa kotse nya.

Hinapit nya ako sa beywang kaya dahil nabigla ako agad nayakap ko sya.

"Ayan, Brix hindi na kami nakaharang. Pwede ka nang magsimula magbuhat." Nasa himig ni Trip ang saya.

Napulunok ako sa sobrang lapit namin. Lilingonin ko sana si Brix pero hinawakan ni Trip ang ulo ko at sinubsob ang mukha ko sa dibdib nya.

"ARAAAYY!" napasigaw ako ng mahigpit ang pagkakahawak at sobrang lakas ng humila sakin.

Pagtingin ko si Brix, nilagay nya ako sa likod nya at nakita ko ang sobrang tuwa sa mga mata ni Trip.

"Ikaw ang nagdala nya diba!" Tinuro ni Brix ang mga nakabox na laruan. "Ikaw ang magbuhat nyan." Sabi nya at hinila ako.

"T-teka B-brix..." Kinaladkad nya ako. Wala na akong magawa kaya nilingon ko si Trip.

Nagulumihan pa ako ng nakahawak ito sa tyan, nakasandig sa kotse nya at tumatawa.

Tapos nadinig ko pa si Brix habang mabilis kaming naglalakad.

"Idiot! Stupid! Jackass!"

Napakamot ako sa noo.

"Ano bang nangyayari?"

*****

SURE? INOSENTE?

****

MAEJESTY




The Same Mistake (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon