38. TO BE MINE

1.5K 15 2
                                    

Part two na po ito. Tapos na po yung kwento ni Mae. silipin natin kung kumusta ba c brix makalipas ang dalawang taon.

*****

Malayang natatanaw ni Brix mula sa veranda ng kanyang opisina ang mga nagpapastol ng baka at kabayo. Ang taniman ng ubas na naghihitik na sa bunga at for harvest na sa susunod na linggo.

Masaya syang nakikita ang mga tao nya. At tama kayo, sya na ang Hari ng Niashin hindi naman pala mahirap, marami syang natutunan.

At mas minahal nya ang mga taong kahit kailan hindi tumalikod sa Niashin. Patuloy ang paghanga at respeto ng mga ito sa kanya.


Ilang buwan nalang ay uuwi sya ng Pilipinas para dumalo sa ASEAN summit. Oo, hindi sila myembro noon pero naimbetahan sya bilang isa sa mga speaker. Marami kasi ang hanga sa ginagawa nyang pamumuno sa Niashin.

"May I disturb the King?"

Napapikit si Brix marinig ang tinig ng babaeng yun. Kinalma nya muna ang sarili bago hinarap ang bisita.

Paglingon nya, again and again she captured everything on him. The beat of his heart and ragged breath.

Dumako ang tingin nya sa mukha nito. Sa paglipas ng taon, halata na mas lalo itong bumata at gumanda, ang ngiti sa mga labi nito ay nag re-reflect sa mga mata nito. She's Happy and contented.

Bumaba pa ang tingin ko sa umbok ng tyan nito. Bigla akong napangiti at ang daming emosyon ang dumaan sa sikmura ko. Parang umiinit ang paligid at pinipiga ang puso ko.

The Kate Bermudez-Presston, ay magsisilang na ng una nyang supling. At excited na ang kaharian na salubungin ang bagong tagapagmana ng kaharian.


"B-bakit ka narito? Diba dapat nagpapahinga ka nalang?" Sabi ko at nilapitan ito, iginiya para makaupo sa sofa dito sa opisina ko.

Hinamas nito ang malaking tyan. Napangiti ako at nag-iwas ng tingin.

"Nabuburo na ako doon. Bakit ba aligaga kayo. Ang daming nurse at Doctor ang nakakalat sa paligid ng Palasyo. Kahit siguro sa banyo naglagay ka ng office ng Doctor."

Napakamot ako sa batok, tumingin akong muli sa tyan ni Kate, gusto ko rin mahawakan ang anak....

Si Kate na mismo ang humawak sa kamay ko at nilagay ito sa tyan nya. Tiningnan ko sya pero tumango lang ito binigyan ako ng pahintulot.

Gumalaw ang kamay ko...

"S-sumipa...did he just kick?!" Galak kong baling sa kanya.

Ngumiti si Kate habang pinapahid ang luhang namumuo sa mga mata nya. Napuno ng pananabik ang mukha ko. Inilapit ko pa ang tenga ko sa tyan ni Kate. At pumikit ako.

Dyos ko. Nadidinig ko ang tibok ng puso nya...malakas ito at parang kuryente na dumaloy sa mga ugat ko at nagbibigay ng lakas. Ipinagpatuloy ko ang pakikinig at paghaplos sa tyan ni Kate.

Ngunit bigla nalang itong napakislot at dumaing. Napatuwid ako ng upo, ngumingiwi na si Kate at parang nahihirapan.

"Bri...Brix...manga..nganak...na ata ako...ugh!"

Medyo natulala pa ako bago ako nagising ng..."BRIX!"

Sumirit na ako palabas ng opisina ko at nagsisigaw.

"MANGANGANAK NA SI KATE! MANGANGANAK NA SI KATE!" sigaw ko.

Ang unang nakita kong tumatakbo sa hallway ay si Kuya Fren, nabunggo pa nga ako nito sya ang unang dumalo kay Kate. Nanginginig pa rin ako at parang na iihi. Ano ba hindi ko na alam ang gagawin. Binuhat ni Kuya si Kate at nilampasan ako, muli nyang itinakbo si Kate sa pinakamalapit na clinic.

Bumalik ako sa loob ng opisina ko at nanghihinang naupo. Napahilamos ako at napasabunot sa buhok ko. Hindi ko parin kayang makita na nasasaktan si Kate, umaatras parin ako sa tuwing nakikita ko syang nahihirapan.

Ang gago ko, kaya hindi ko sya mapanindigan e. Sya ang kryptonite ko, kahinaan ko si Kate.

"King Brix! Dumating na po ang bagong Prinsipe!" Hindi ko na napansin na nasa harapan na nya ang Secretary.

Napasunod ako sa kanya ng puno ng galak itong lumabas ng opisina ko. Nagdasal muna ako at nagpasalamat sa Panginoon.

Dama ang kasiyahan sa buong palasyo lahat ay nakangiti. Palapit palang ako sa clinic ng madinig ko ang iyak ng sanggol at tawanan. Nagmadali akong lumapit at pinihit ang pinto.

Pero natigil ako sa kinatatayuan at parang naestatwa. Ang Kuya Fren buhat at sinayaw-sayaw ang Prinsipe. At si Kate may ngiti sa mga labi nito na pinagmamasdan....








Ang kanyang Mag-ama.


Muling namalisbis sa pisngi ko ang masaganang luha. Masaya at buo ang Pamilya nila ng Kuya ko. Umatras ako, dahil hindi ko kayang ipilit ang sarili ko sa mundo nila.

Seeing Zalea---Kate. Hindi ko na sya pwedeng tawagin na Zalea, dapat tawagin ko rin sya sa nakasayan na tawag ng nakararami. Dahil two years ago, isa na lang ako sa Nakakarami.

I'm her someone that used to know.

Two years ago, umikot ng 360 degrees ang mundo ko. Kate a
Help me na maibalik sakin ang trono, kapalit nun ay napalayo ang loob nito sakin at napalapit sa Kuya ko.


Habang busy Ako sa pamalalakad ng Niashin, napabayaan ko sya. Ngunit walang pagsisisi, kahit may kulang sa buhay ko napupunan ito ng mga ngiti at ligaya ng aking mga tao.

Kung ito man ang purpose ko sa Mundo, nagpapasalamat parin ako dahil nabigyan ako ng pagkakataon na Mahalin ng sanlibutan, ng aking nasasakupan. Sapat na para hindi makaramdam ng pagsisisi sa pagkawala ng babaeng tangi kung minahal.


Isinilang na ang bagong mamumuno sa Niashin, nawa'y magabayan ko ito at mapabuti ang landas para mas lalo pang lumago at gumanda ang buhay ng aming nasasakupan.

Siguro nga, hindi ako naitadhana na mahalin ng isang babae kundi naitadhana ako na Mahalin at ariin ng nakakarami.

Hindi ako naitadhana na Mahalin at ikulong sa mga bisig ko ang isang tao dahil naitadhana ako para yapusin ang nakararami. Hindi ako magmamahal ng isang kasarian lang, dahil ang puso ko ay nakatakdang Mahalin ang lahat bata, matanda, babae, lalaki at lahat na.

Salamat sa lumikha, binigyan nya ako ng malaking puwang sa puso ko para matanggap ko ang lahat ng ito. Mga puwang na handang magpapasok lahat ng nangangailangan ng aking kalinga.

I am the Runaway Prince.

I once loved a Princess.

I am a King.

I am alone in one corner of this Palace.

But I am not a nobody, cause this nobody can Love Everybody.

I am Brix Xyprus Presston...

And that was my story.


*****

END

****

HELLLO PO! THANK YOU! dahil pinayagan nyong papasukin ako sa mga puso nyo. Nawa'y nakapagbigay ako ng Inspirasyon at aral sa buhay. Lets prove that we can love and be love not just by one person but with Everyone.

GodSpeed!

SPECIAL CHAPTER TO BE POSTED...NEW GEN....


****


MAEJESTY

The Same Mistake (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon