Bullet One

4.8K 88 9
                                    

Naupo ako sa pinakasulok ng room saka tumungo para mag-basa ng paborito kong libro.

'Tsss.....Hindi ko din alam kung bakit nakapasa ang babaeng yan dito sa Star University eh tignan mo naman siya. So ewwwwyyy!'

'Baka kasi may sa mang-kukulam ang babaeng yan!'

'Really? So scary naman niya kung ganun!'

'Shut up girls, baka marinig niya tayo!'

Inilipat ko ang pahina ng libro saka tumingin sa bintana. Ang tagal-tagal ng oras bago mag-umpisa ang klase.

Sumandal ako sa upuan saka nilingon si Rosa na siyang nakayuko habang nagsusulat sa kanyang notebook. Siya ang kanina pa pinag-bubulungan ng mga babae at nakaramdam ako ng awa sa kanya.

'Rosa.' tawag ko sa kanya pero di man lang siya nag-abalang lingunin ako. Di ko siya masisisi na mawalan ng tiwala sa kahit sinong tao dahil palagi siyang napagtitripan nito.

'Huwag mo na lang sila pansinin.' tinapik ko ang balikat niya bago ko kunin ang aking bag at isukbit yun sa likuran ko saka ako naglakad palabas ng room.

First day pa lang naman kaya sigurado puro pakilala na naman ang ganap. Habang naglalakad ako sa hallway ay may ilang lalaki ang napapatingin sa akin kaya napangisi ako.

-BRZZZZZKKKKTTTTT-

naupo ako sa bakal na upuan malapit sa may garden saka sinagot ang tawag.

'Kassandra, Hijah.....' Napairap ako ng aking marinig ang boses ni Tito Jaesan.

'Tito, ayoko okay?! Ayoko.' atsaka ko pinatay ang tawag. Nangalumbaba ako sa mesa saka pinikit ang aking mata.

Flashback:

'Klyde! Hindi mo kami pwedeng iwanan dito ni Kassandra!' Umiiyak na sabi ni Mama habang nakahawak siya sa laylayan ng polo ni Papa. Napasandal lang ako sa upuan habang umiiyak ng umiiyak.

Nakita ko ang kulay pula na tubig sa may kamay ni Mama habang nakahawak siya sa kanyang tyan.

'Sandy, ito lang ang paraan para mailigtas ko kayo! Ibababa ko kayo ni Kassandra dito at ako lang mag-isa ang mag-papahabol sa kanila!' Lumabas si Papa ng sasakyan saka niya ako binuhat pababa ng kotse. Ibinaba niya ako sa may kalsada saka hinalikan ang aking noo.

'Tandaan mo anak, mahal na mahal na mahal kita.' Naglakad si Papa papunta sa sasakyan saka inalalayan si Mama na paika-ika lumabas ng sasakyan.

'Kylde please! Papunta na dito sila Ryan! Mag-hintay lang tayo ng ilang minuto!' Umiiyak na sabi ni Mama pero hindi siya pinansin ni Papa na diretsong sumakay sa kotse at pinaharurot yun ng takbo.

'PAPA!!!' Umiiyak kong sigaw habang hinahabol ang sasakyan pero may humatak sa aking kamay.

'Anak, magtatago tayo!' Hinila ako ni Mama papasok sa gubat saka tinakpan ang aking bibig. Nagtago kami sa may likod ng matatayog na damo hanggang sa makita ko ang mga lalaking nakasuot na maskara kaparehas ng kay Batman.

'HOY!' Napadilat ako saka nilingon ang nang-gulat sa akin.

'Ano na naman problema mo Caleb?' Sabay irap ko sa kanya. Naupo siya sa tapat ko sabay ngiti niya ng maganda.

Yang ngiti niya na mabilis makapag-bighani ng mga kakabaihan. Pero pagdating sa akin ay walang epekto.

'Hindi mo ba ako namiss?' napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

'At bakit naman kita mamimiss aber?' Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking kamay saka nangalumbaba muli. Tumingin ako sa may field kung saan may mga naglalaro ng soccer.

'Tsk, pinapanood mo na naman ang pangit mong crush na si Steph.' sarkastik na sabi ni Caleb hindi ko na siya pinansin dahil busy ako sa pagmasid sa mga kaibigan ni Steph. Napangiti ako ng tipid.

'Uuwi na ako.' Tumayo ako saka namulsang naglakad palabas ng campus.

'Saglit!' pahabol na sigaw ni Caleb. Napailing-iling na lang ako hanggang sa marating ko ang parking lot.

'Ba't ba nagmamadali kang umuwi? May lakad ka ba?' Sumakay ako sa driver seat at sa passenger seat naman si Caleb.

'Huy!' Kinalabit niya ako sa balikat pero nananatili lang akong tahimik.

'Nice talking.' sarkastik niyang sabi. Tinuon ko lang ang aking atensyon sa kalsada papuntang sementeryo.

'May dadalawin ka?' Tinignan ko ng bagot si Caleb na ngumiti sa akin.

'Hindi ililibing kita.' Nanlaki ang kanyang mata kaya inirapan ko na lang siya. Inihinto ko saglit ang sasakyan saka binuksan ang bintana sa gilid ko.

'Manang magkano ho yang white rose?' tanong ko sa matanda.

'120 na lang para sayo hijah.' Kumuha ako ng 150 sa wallet ko saka inabot sa kanya.

'Sa inyo na ho ang sukli.' nakangiti kong sabi pagkakuha ng bulaklak saka ko inabot kay Caleb na nakakunot ang noo.

Sinara ko ang bintana saka nagmaneho ulit. Ilang dipa na lang ay malapit na kami sa aking dadalawin.

Ipinarada ko sa gilid ng kalsada yung sasakyan saka kinuha sa kamay ni Caleb ang bulaklak. Lumabas ako ng sasakyan saka naglakad papunta sa may malaking puno.

'Dadalawin mo pala sila Tita.' hindi ko pinansin si Caleb na nasa likuran ko lang. Naupo ako sa puntod ni Mama saka inalis ang mga tuyot na dahon.

'Hi Mama, miss na miss kita.' Inilapag ko ang bulaklak saka ngumiti ng tipid.

Pangako ko sayo Mama hinding-hindi ako matatahimik hangga't hindi ko kayo napaghihiganti ni Papa.

Hinawakan ko ang lapida ni Papa saka ngumisi.

'Happy Anniversary sa inyo ni Mama. I love you both forever.' tumayo ako saka namulsang humarap kay Caleb na nakatingin sa akin ng seryoso.

'Pupunta ka ba sa amin?' tanong niya. Umiling-iling ako saka inilabas ang maliit kong kutsilyo ngunit napakatalas.

Naglakad ako palapit sa malaking puno saka ginilatan yun ng pahaba.

'Akalain mo yun? 11 na beses akong bumalik dito simula ng iwan nila ako pareho.' Itinago ko uli ang maliit na kutsilyo sa aking bulsa saka tinapik sa balikat si Caleb.

Habang naglalakad ako pabalik sa aking sasakyan ay naramdaman kong may tumulo sa aking pisngi.

'Psh, fvk this tears.' nakangisi kong sabi sabay pahid sa aking pisngi.

TGIN 3 : Her DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon