Bullet Five

1.6K 61 0
                                        

Pagkapasok ko sa bahay nila Caleb ay naabutan kong nakaupo si Tito Ryan sa sofa habang umiinom ng kape.

'Goodmorning Tito.' bati ko saka naupo sa tapat niya.

'Ngayon ka lang napadalaw ulit dito.' ngumiti ng tipid si Tito Ryan saka humigop sa kanyang tasa na hawak-hawak.

'May itatanong ho ako sa inyo.' pagsisimula ko saka bumuntong-hininga.

'Totoo ba? totoo bang gangster kayo noon nila Mama?' nakita ko ang gulat sa kanyang mukha bago mag-iwas ng tingin.


'Im her daughter Tito Ryan, I want to know the true.' Napahawak siya sa kanyang noo saka binaba sa mesa ang hawak niyang tasa.

'Oo, totoong gangster kami ni Sandy pero noon pa yun.' Tinitigan niya ako sa mata saka siya ngumiti ng tipid.

'Alam kong malalaman mo din ang totoong katauhan ng mga magulang mo lalo na at gumagawa ka ng paraan para mahanap ang mga taong pumatay sa kanila.' Sumandal ako sa sofa saka dumekwatro.

'I will make them pay.' seryoso kong sabi.

'Masisira lang ang buhay mo bilang normal na tao Kassandra.' Hinawakan ni Tito Ryan ang kamay ko ng mahigpit.

'Baka pati ikaw ay mamatay katulad ng nangyari kay Sandy at Klyde. Isipin mo hijah, nag-buwis sila ng buhay para mabuhay ka ng maayos.' Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko saka tumayo.

'Pero hindi naging maayos ang buhay ko ng mamatay sila....Nung patayin sila ng mga hayop na yun ay nasira na ang buhay ko.' Hindi ko na inantay pa ang sasabihin niya dahil naglakad na ako palabas ng bahay nila saka sumakay sa sasakyan ko.

Habang nagmamaneho ako ay ramdam ko ang paghigpit ng kamay ko sa manibela. Nanggigil ako sa galit na nararamdaman ko.

Para maging maayos ang buhay ko? Bullshit! Dahil hindi naging maayos ang buhay ko simula ng mamatay ang mga magulang ko.

Pagkaparada ko ng sasakyan sa parking lot sa Star University ay kinuha ko sa backseat ang bag ko saka lumabas. Nilock ko ang sasakyan saka namulsang naglakad sa Campus.

'Nabalitaan niyo bang maglalaban daw ng basketball ang grupo ni Steph at grupo ni Caleb?'

'Really? Kanino mo yan nalaman girl?!'

'Doon sa mga nakarinig sa usapan ng mga cheersquad members!'

Napatigil ako sa paglalakad saka nilingon ang grupo ng mga babaeng naglalakad papunta sa garden.

'Naeexcite na ako mamaya manood!'

'Sa tingin niyo sinong grupo ang mananalo?'

'Kay Baby Steph ako!'

'Tse! Si Honey Caleb ko ang mananalo!'

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa room. Dating gawi ay naupo ako sa pinakasulok katabi ni Rosa.

'Oh.' inilapag ko yung chocomucho sa mesa niya saka ako nangalumbabang tumingin sa bintana.

Loko-loko talaga yung si Caleb at talagang binalikan pa si Arthur. Hindi talaga siya matatahimik hangga't hindi siya nakakaganti.

Napabuntong-hininga ako saka kinuha ang librong binabasa ko.

TGIN 3 : Her DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon