Lumapit sa akin agad si Steph sabay ngiti niya.
'Sa susunod, uso tumawag ha?' sarkastik niyang sabi saka tumingin sa harapan kung saan andun ang mga kalaban.
'Sugurin sila.' mahinang utos ng lalaki bago iyon pumasok sa loob ng van at umalis.
Napabuga ako ng hangin sa inis. Ano yun? Biglang takas siya?
Nagsuguran naman agad sa amin ang mga nakamaskarang bungo kaya inihanda ko na ang sarili ko. Mabilis akong naglakad pasalubong sabay suntok ko sa lalamunan ng kawawang lalaki na ito.
Inalis ko ang aking kamao sa leeg niya kaya sumirit ang kanyang dugo sa akin, pinunasan ko ang aking mukha saka kinuha ang bakal sa sahig. Pinagmasdan ko kung paano makipaglaban si Steph, napangiti ako dahil kahit papaano ay marunong na siya.
Hindi lang siya maski sila Leo at Cloud.
'AHHHHH!!!!' Napalingon ako sa sumigaw.
'Sydd.' patakbo akong lumapit sa sasakyan ni Sydd.
'W-wag kang lalapit!' sigaw ng lalaki sa akin. Napatingin ako kay Sydd na halatang kinakabahan dahil nakatutok sa sintido niya ang bukana ng baril.
'Do you trust me?' tanong ko kay Sydd na tumango-tango bilang sagot.
Napahigpit ang hawak ko sa baril. Ngayon ko lang to gagawin, at kung sakaling pumalpak ako ay paniguradong mamamatay si Tito Jaesan kapag namatay si Sydd.
Hinawakan ko maigi ang baril saka walang alinglangan ipinutok yun sa lalaking nasa likod ni Sydd. Tumalsik ang dugo sa gilid ng pisngi ni Sydd.
Nakahinga ako ng maluwag dahil naka-stamba ako. Nilapitan ko agad si Sydd saka hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
'Sydd. Look at me.' Tinignan ako ni Sydd sa mata bago niya ako niyakap ng mahigpit.
'Sino ka ba? Bakit may mga taong gustong pumatay sayo?' bulong niya sa akin. Kumalas ako sa pagkakayakap sabay ngiti sa kanya.
'Gangster ako.' Kitang-kita ko sa mata niya ang gulat. Hinawakan ko ang kamay niya saka siya isinakay sa passenger seat ng kotse niya alam ko kasi na hindi niya magagawang mag-maneho.
'Dito ka lang, babalik din ako agad.' Sinarado ko ang pintuan saka tumulong sa pag-puksa ng mga kalaban.
Pinalo ko ng malakas sa ulo ang isang lalaking babaril sana kay Cloud patalikod. Yung isa naman na susugod sa akin ay agad kong sinapak sa dibdib ng magkakasunod. Napalingon ako sa aking gilid at napangisi ako ng may papalo sa akin ng bakal kaya napa-tumbling ako patalikod atsaka umayos ng tayo bago siya barilin sa ulo.
'Wala ng kalaban!' sigaw ng tauhan ko. Napalingon ako sa mga lalaking nakahandusay sa sahig. Yung iba mga patay na at yung iba ay wala ng malay.
'Okay ka lang ba?' Napatingin ako kay Steph na humawak sa kamay ko at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
'Mukhang okay ka nga lang.' Umiwas ako ng tingin sa kanya saka nilapitan si Cloud na may tama ng baril sa balikat.
Kinuha ko ang aking panyo sa bulsa ng pantalon saka itinali yun sa balikat niya.
'Mauna na kayo sa hideout at susunod ako doon. Ipagamot mo agad yang tama mo ng baril sa balikat.' Tumango si Cloud saka matipid na ngumiti.
'Mauna na kayo umalis.' sabi ko sa boses na siguradong sila lang makakarinig. Sumakay na ako sa kotse ni Sydd saka minaneho yun pauwi sa bahay namin.
BINABASA MO ANG
TGIN 3 : Her Daughter
Acak(Kassandra Kylie Smith) Almost perfect family na kami noong bata pa lang ako. Pero dahil sa nangyaring trahedya na dumating sa aming buhay ay nawala ang Perfect Family na inaasam-asam ng bawat anak na katulad ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sum...
