Naupo kami sa unahan at pinatunog ang mga daliri ko sa kamay. Napangisi ako ng umakyat sa arena ang emcee.
'HANDA NA BA KAYO?!!!!!' biglang sigaw niya kaya naghiyawan ang mga tao. Tumingala ako at pinagmasdan ang SATAN GANG na nakaukit sa itaas.
'MAGKAKAROON NG BAGONG MECHANICS ANG RANK BATTLE. KUNG SAAN AY ANG MGA LEADER NG BAWAT GANG AY PAPASOK SA ISANG LUMANG BUILDING UPANG MAGPATAYAN O MAGBUGBUGAN.' pinakita sa malaking t.v ang lumang building na sinasabi niya. At bawat sulok nun ay may nakalagay na CCTV camera.
'KUNG SINO ANG MAIWAN NA NAKATAYO SA SARILING PAA AY SIYANG TATANGHALING RANK 1.'
Natahimik ang buong paligid kaya napangiti ang emcee.
'LAHAT NG LEADER AY HINDI SABAY-SABAY PAPASOK BAGKUS AY LAHAT SILA NAKA-PIRING ANG MATA AT ANG MISMONG TAUHAN NAMIN ANG MAG-PAPASOK SA KANILA SA LOOB NG LUMANG BUILDING.'
Napalingon ako kay Sean na itinali ang kanyang buhok sabay kindat sa akin ng magtama ang aming mata.
Nagulat ako ng biglang may humawak sa baba ko at humalik sa labi ko.
'Ayoko ng tumitingin ka sa ibang lalaki.' tinignan ko sa mata si Steph na seryosong-seryoso nakatingin sa akin. Napapikit ako ng halikan niya ako muli sa labi.
'Akin ka lang.......Akin ka lang...' bulong niya sa pagitan ng labi namin. Agad akong tumayo at inayos ang bangs ko.
'UMAKYAT NA DITO SA ARENA ANG MGA LEADER.' naglakad agad ako papunta sa arena. Tinignan ko si Steph na nakangiti sa akin bago lagyan ng piring ang mata ko.
May humawak sa braso ko at inaalalayan ako maglakad. Maya-maya ay umaakyat na kami sa hagdanan. Narinig ko na bumukas ang pintuan at naglakad kami papasok.
'Hindi mo maaaring tanggalin ang piring mo sa mata hangga't wala pa ang signal ng emcee.' tumango ako bilang sagot.
Anim......Anim na leader ang papatayin ko at masaya na ako doon. Napangiti ako sa bago kong plano na naisip.
'UMPISA NA ANG LABAAAAANNNNN!' narinig kong sabi ng emcee kaya tinanggal ko agad ang piring sa aking mata.
Napatingin ako sa mesa na may iba't-ibang sandata na nakalagay. Kinuha ko ang dalawang baril at chineck kung may bala saka iyon inilagay sa likuran ng pantalon ko.
Kinuha ko ang matulis na dagger saka pinindot ang bungo kong singsing.
Lumabas agad ako sa kwarto saka naglakad sa hallway. Napatago ako ng may makita akong pigura ng lalaki na may sinusundan na isa pang lalaki.
Mabilis akong naglakad papunta sa lalaki saka sabay takip sa kanyang bibig at nilaslas ang kanyang leeg. Tinitigan ko naman ang lalaking sinusundan niya na napakahina ng pakiramdam.
Dahan-dahan ko binaba ang wala ng buhay na lalaki saka naglakad palapit sa lalaking papatayin niya sana. Nang maramdaman niya na may tao sa kanyang likod ay agad kong sinaksak ang kanyang tyan ng mabilis habang nakatakip ang aking kamay sa bibig niya.
Nakarinig agad ako ng takong ng sapatos kaya mabilis akong pumasok sa isang kwarto.
Pinakinggan ko sa aking tenga ang takong na lumagpas sa mismong kwarto na pinagtataguan ko kaya binuksan ko ang pintuan saka ibinato sa kanya ang Dagger. Agad siyang napahiga at sumigaw.
Mabilis ko siyang nilapitan saka binali ang kanyang leeg. Kinuha ko ang isang baril sa aking likuran saka nag-abang sa hagdanan. Ng may makita akong paakyat ay agad ko yun binaril.
Napangiti ako ng matamaan siya sa ulo. Ngunit biglang nawala ang ngiti ko ng aking makita si Sean na nasa harapan ko.
'Napaka-bagal mo pumatay, halos tayong dalawa na lang ang natira.' nakangiti niyang sabi.
'Ahh talaga?' di makapaniwala kong sabi. Pero nanlaki ang aking mata ng may isaksak siya sa leeg ko at pinagsusuntok ang aking tyan.
Hindi ko alam kung ano ang tinurok niya sa akin pero wala akong maramdaman. Sinapak niya ang mukha ko kaya napahiga ako sa sahig.
Walang humpay niya ako sinasapak pero wala akong maramdaman. May binulong siya sa tenga ko na siyang dahilan para mawalan ako ng malay.
*******++********
Napakagat ako sa ibabang labi ko at dahan-dahan idinalat ang aking mata.
'Boss, gising na po siya.' Napansin ko na hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Napansin ko na nakaupo ako sa silya habang nakatali ang aking kamay.
'Little one.....' tinignan ko si Nevado na may hawak na baril at masamang-masama ang mukha.
'Nevado.....Akalain mong nabuhay pa ako.' natatawa kong sabi. Sinabunutan niya ang buhok ko sabay sampal niya sa mukha ko.
'Wala akong paki kung patay na patay sayo ang anak ko....Dahil kayang-kaya kitang patayin ng walang nakakahadlang sa akin alam mo iyon diba?' nanlilisik ang kanyang mata habang nagsasalita.
'Bakit hindi mo pa ako patayin ngayon ha?' nakangisi kong tanong. Agad naman siya tumawa ng malakas.
'Tingin mo padadaliin ko ang buhay mo ha Little one?' Nagtaka ako sa sinabi niya. Agad niyang sinenyasan ang kanyang tauhan na buksan ang buong ilaw dito sa hideout niya.
Hindi na ako nagulat ng aking makita na nakagapos din sa silya si Kiyana, Tito Jaesan, Yuki at Kiro.
Panay ang iyak ng dalawang bata ngunit walang lumalabas na tunog dahil nakabusal ang mga bibig nila. Ganun din si Tito Jaesan na halatang galit na galit. At si Kiyana na umiiyak lang.
'Lahat sila ay papatayin ko mismo sa harapan mo bago kita patayin.' nakangiting sabi ni Nevado.
Agad naman ako natawa ng tutukan niya ng baril sa sintido si Kiro na umiiyak. Tinignan ko si Tito Jaesan na nanlalaki ang mata habang nakatingin sa akin.
'Patayin mo.' sabi ko. Halatang nagulat si Nevado sa sagot ko.
'Patayin mo Nevado. Pati yung isang bata. Patayin mo tutal yun naman ang napagkasunduan natin diba? Kapag hindi ako naging Rank 1 ay papatayin mo ang pamilya ko.' seryoso kong sabi.
Hindi......Hindi niya kayang gawin dahil alam niyang pamangkin niya ang batang iyon.
'Oh? Bakit hindi mo pa pinuputok yang baril mo?' taka kong tanong. Napansin kong nanginginig ang kanyang kamay sabay tutok ng baril kay Tito Jaesan.
Agad naman nagpupumiglas si Kiyana, napansin ko na nag-uusap ang dalawang magkapatid sa pamamagitan ng tinginan nila sa mata. At alam ko na napansin yun ni Tito Jaesan kaya pumikit na lang siya.
'Hindi mo kaya? Bakit? Natatakot ka bang magalit sayo ang kapatid mong si Kiyana?' Nanlalaki ang mata ni Nevado na napatingin sa akin.
'Tingin mo ba ay hindi ko malalaman ang karumihan ng lahi niyo ha?' nag-igting ang kanyang panga sabay tutok sa akin ng baril.
'Ikaw.........Papatayin na kita!' Sigaw niya kaya napapikit ako.
-BANG-
Napadilat ako ng mata at ganun na lang ang gulat ko ng nakabagsak sa lupa si Nevado. Napatingin ako sa lalaking may hawak ng baril.
'S-steph.' nauutal kong tawag sa kanya.
BINABASA MO ANG
TGIN 3 : Her Daughter
Random(Kassandra Kylie Smith) Almost perfect family na kami noong bata pa lang ako. Pero dahil sa nangyaring trahedya na dumating sa aming buhay ay nawala ang Perfect Family na inaasam-asam ng bawat anak na katulad ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sum...
