Pagkaupo ko sa upuan dito sa garden ay nangalumbaba agad ako.
'Hay.' nagbuga ako ng hangin mula sa aking bibig saka ipinikit ang mata ko.
Mag-cucut muna ako ng klase ngayon.
Gusto ko mag-isip ng bagong plano laban kay Nevado Alvaro. Lalo na at nasimulan ko na rin lang.
'Bakit mag-isa ka dito?' Napadilat ako saka tinignan si Topher na naglapag ng coke in can sa ibabaw ng mesa.
'Gusto ko eh.' sabay kibit balikat ko.
'Si Caleb bumalik na naman sa pagiging playboy.' Pailing-iling niyang sabi.
Napahawak ako sa malamig na coke in can saka gumuhit doon gamit ang hintuturo ko.
'Hindi mo ba siya mahal? Kasi alam mo mahal na mahal ka niya.' Tinignan ko si Topher na ngumiti.
'Fine. Paghihiganti pa rin ang nasa isip mo tama?' napangisi ako sa sinabi niya.
Binuksan ko yung coke in can saka ininom yun.
'Walang mangyayari kapag naghiganti ka Kass.'
'Meron.' sagot ko agad.
'Ano?' mapaghamon niyang tanong.
'Katarungan. Yun ang makukuha ko.' Humiga ako sa mesa at naramdaman kong sinusuklayan ni Topher ang buhok ko.
'Tama, Makukuha mo ang katarungan pero hindi ang kasiyahan. Ipagpapalit mo ang kaligayahan sa paghihiganti?' saka ako napapikit. Alam ko na umalis na rin si Topher.
Tanging mga ligaw na ibon na lang ang naririnig ko at ang hininga ko.
Kaligayahan o paghihiganti? Napangiti ako ng tipid. Simula pa lang ay paghihiganti na ang una kong pinili.
Tumayo na ako saka naglakad papunta sa canteen dahil nakaramdam ako ng gutom. Hindi kasi ako kumain sa bahay kanina lalo na at di pa kami okay ni Tito Jaesan.
'Caleb, huwag dyan.' Napatigil ako sa paglalakad saka lumingon sa may field. Napakunot ang noo ko ng aking makita si Caleb kasama ang isang babae na halatang nursing ang kurso.
Nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila ako nakikita. Nakaakbay si Caleb sa babae saka niya hinalikan yun sa labi. Torrid.
Napaiwas ako ng tingin saka nag-diretso sa paglalakad, pero ang yabag ko ay napakabigat. Para akong tamad maglakad.
Huminga ako ng malalim saka umiling-iling. Hindi ako nagseselos.
Pumasok ako sa canteen saka nag-order ng makakain. Naupo ako sa pinakasulok saka nakayukong kumain.
Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil nawalan ako ng gana. Nilalaro ko lang ng tinidor ang inorder kong pagkain.
'Nagselos ka?' Tinignan ko ng masama si Steph na naupo sa tapat ko.
Asa likuran naman niya nakaupo sila Ash, Arthur, Leo at Cloud.
Tinignan ko si Cloud na kumindat kaya ngumiti ako.
'Selos? Kanino?' taka kong tanong.
'Kanino pa? Edi doon sa fiance mo na aso.' nagtawanan sila Ash, Arthur at Leo pero si Cloud ay ngumiti lang.
Sa totoo lang ay kakampi ko si Cloud ng palihim. Lahat ng nalalaman niya sa magkakaibigan ay sinasabi niya sa akin.
Yung Daddy naman niya ay dating kaibigan ni Papa kaya kakampi ko din ang matanda na yun.

BINABASA MO ANG
TGIN 3 : Her Daughter
Acak(Kassandra Kylie Smith) Almost perfect family na kami noong bata pa lang ako. Pero dahil sa nangyaring trahedya na dumating sa aming buhay ay nawala ang Perfect Family na inaasam-asam ng bawat anak na katulad ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sum...