'ANO BANG KALOKOHAN TO HA?!' Napairap ako at naupo sa sofa.
'IKAW?! HINDI BA AT INUTOS KO SAYO NA PATAYIN MO SI ANDREI?! ANDUN NA EH! PINAKAWALAN MO PA!' Binato ni Nevado yung flower vase kaya napataas ang kilay ko.
'Pwede ba? Huwag ako ang sisihin mo! Yang anak mo na ubod ng pakialamero!' Tumayo ako sabay namulsa. Kinamot ko pa yung ulo ko dahil kinakabahan ako sa pwedeng parusanh ipataw ng halimaw na si Nevado.
Unang utos niya ay pumapalpak ako. Inis kong tinignan si Steph na nakatingin lang sa Dad niya ng seryoso.
'ANONG KALOKOHAN TO STEPH HA?!' Sinugod ni Nevado si Steph at akmang sasapakin ang anak ng humarang ako agad.
'Nevado, huminahon ka pwede? Ako ng bahala kay Andrei katulad ng sinabi mo ay susundin ko ang inuutos mo.' Huminga siya ng malalim sabay upo sa swivel chair niya.
'ALIS!' biglang sigaw niya kaya napairap na lang ako. Hinatak ko yung kamay ni Steph palabas sa opisina ng Dad niya.
'Sa susunod na mangingialam ka sa ginagawa ko ay ako mismo ang sasapak sayo.' Binatawan ko ang kamay niya at naglakad na palabas ng mansyon nila.
Sumakay na ako sa sasakyan ko at pinaharurot yun pauwi sa bahay. Andun na nga naman eh!
Mapapatay ko na si Andrei pero naudlot pa ang peste! Pinalo ko ang manibela sa sobrang inis.
Kung hindi sana nangialam si Steph siguradong patay na si Andrei ngayon eh, pero wala eh.
'Akin ka lang.'
Napabuga ako ng hangin ng maalala ko na naman yung sinabi ni Steph sa akin habang yakap-yakap niya ako.
Ipinarada ko ang kotse at lumabas. Pagkapasok ko sa bahay ay naabutan kong masayang nagkwekwentuhan si Tito Jaesan at Sydd.
'Mabuti naman at umuwi ka na.' Nakangiting pilit na sabi ni Tito Jaesan saka niya ako pinandilatan ng mata.
'Tsk, hindi pa ba yan uuwi?' Taka kong tanong sabay nguso kay Sydd na tinignan ako ng masama.
'Dito muna siya matutulog ngayong gabi. Sige na at matulog ka na.' Si Tito Jaesan na sinenyasan ako na umalis na kaya naman umakyat na ako sa hagdanan.
Pagkapasok ko sa kwarto ay pabagsak akong nahiga sa kama. Kailangan ko pa tuloy huntingin si Andrei.
Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang inis.
KINABUKASAN
Pagkababa ko ng hagdanan ay dumiretso agad ako sa dining area. Napangisi ako ng aking maabutan na sobrang saya ng pamilya ni Tito Jaesan habang kasama si Sydd na halatang wala na sa mukha ang mailang pa.
Naupo ako sa tabi ni Kiro na agad yumakap sa akin.
'Goodmorning Ate Kass.' bati ni Kiro.
'Goodmorning.' Kinurot ko ang pisngi niya saka nginitian si Yuki at binati din ng 'Goodmorning.'
So far, natapos kami kumain ng matiwasay.
'Sabay na ba kayong dalawa papasok?' tanong ni Tito Jaesan sa amin ni Sydd.
'Tito hindi kami magsasabay, may pupuntahan pa ako.' sagot ko at tumango siya. Dahil mukha namang nagets niya na may pinapaggawa sa akin si Nevado.
Tinapik ko ang balikat ni Sydd at nauna ng lumabas ng bahay. Bago ako sumakay sa kotse ko ay nakita ko si Kiyana na sumakay sa kotse niya at mabilis niya yun minaneho paalis.
BINABASA MO ANG
TGIN 3 : Her Daughter
Acak(Kassandra Kylie Smith) Almost perfect family na kami noong bata pa lang ako. Pero dahil sa nangyaring trahedya na dumating sa aming buhay ay nawala ang Perfect Family na inaasam-asam ng bawat anak na katulad ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sum...
