Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Bullet: The Final

1.3K 60 3
                                        

Binitawan ko ang ulo ni Carlene at naupo sa mesa.

'Hindi.....' naiiyak na bulong ni Steph.

'Ano may isisigaw ka ba Nevado?' kunot noo kong tanong.

'BASTARDA KA!!!!!' sigaw niya habang nagwawala. Sinenyasan ko yung tauhan na itapon na yung sako dahil ang baho-baho.

'Ikaw ang nauna, pinaramdam mo sa akin ang sakit agad sa bata kong edad. Sinira mo ang pamilya ko at sinira mo ang buhay ko. Oras ko naman na ngayon.' nakangisi kong sabi.

Nagkatinginan kami ni Steph.

'Bakit mo siya dinamay?!' sigaw niya.

'Dahil lahat sa pamilya ko dinamay niyo.' gigil kong sagot.

'Kass...' nilingon ko si Sean na hinalikan ang noo ko at ngumisi siyang nakatingin sa mag-ama.

'P-paano ka nakatakas?!' sigaw ni Steph.

'Sa tulong ko.' nakangiting sabi ni Andrei.

'MGA HAYOP KAYO! MGA DEMONYO!' sigaw ni Nevado.

'Aysus. Kanina ka pa nagsisisigaw na demonyo kami eh anong tingin mo sa sarili mo ha?' irita kong tanong.

Napatingin ako kay Sean na inilabas ang maliit ngunit matalas niyang kutsilyo.

Lumapit siya kay Steph at napaiwas ako ng tingin.

'Panoorin mo Nevado....Panoorin mo ang gagawin ko sa anak mo katulad ng ginawa mo sa Papa namin ni Kassandra.' galit na sabi ni Sean.

'Kass...' napalingon ako kay Steph na umiiyak. Naramdaman ko ang malakas na tibok ng puso ko.

'Maawa kayo! Huwag na si Steph! Ako na lang!' umiiyak na sigaw ni Nevado.

Kinuyom ko ang kamao ko ng idikit ni Sean ang kutsilyo sa mukha ni Steph.

'Itigil mo yang nararamdaman mo.' bulong sa akin ni Andrei at niyakap ako.

'ARGHHHHHHH!!!' sigaw ni Steph. At nag-umpisa ng maluha ang mata ko.

'Please......Stop.' bulong ko habang nakayakap kay Andrei.

'WAG!!!!! ITIGIL MO YAN!!!!' sigaw ni Nevado.

Naramdaman ko na hinalikan ni Andrei ang ulo ko. Kumalas siya sa pagkakayakap at pinunasan ang luha sa mata ko.

'Wag lagi ang puso ang pakikinggan at gagamitin mo, dapat pati ang isip.' hinalikan niya ang noo kaya nilingon ko si Steph na wala ng mukha, at wala na rin buhay.

Nilingon ko si Nevado na tulalang nakatingin sa dalawa niyang anak na wala ng buhay.

'Gagawin ko na ba ang plano?' tanong ni Andrei.

'Gawin na natin.' sabi ni Sean. Pinagmasdan ko silang dalawa na pahigain si Nevado sa bakal na lamesa at itinali ang lalaki na wala ng imik.

Tinignan ko yung galloon na may maliit na butas at tumutulo ang tubig sa noo ni Nevado.

Pinagmasdan ko naman si Steph. Naikagat ko ang sarili kong labi bago umiwas ng tingin.

'Papatayin na natin ngayon ang mga tauhan ng mga leader na pinatay mo.' tumingin ako kay Andrei.

'Tutulong ako, para matapos na to.' sabi ni Sean.

Napagkasunduan namin na patayin ang mga tauhan na nagtatangka sa buhay ko. Halos lahat ng yun ay napatay ko ng walang awa. Yung iba ay pinasunog ko pa.

'Bukas ililibing na si Papa.' sabi ni Sean habang nagmamaneho papuntang hideout ni Nevado.

Nagdadasal ako na sana ay ligtas si Sydd.

'Pwede bang itabi na lang si Papa sa puntod ni Mama?' tanong ko kay Sean.

'Sure.' sagot niya.

Nauna yung mga tauhan ni Sean at Andrei na sugurin ang hideout bago kami pumasok. Napangiti ako ng makitang buhay si Sydd.

Kinalagan siya ng mga tauhan at niyakap ko siya.

'Im sorry.....Im sorry Sydd.' naiiyak kong bulong.

'Thank you.....Niligtas mo ulit ako.' bulong niya bago mawalan ng malay. Binuhat naman siya ni Andrei at dinala namin sa bahay.

Agad naman nagpatawag ng doktor si Tito Jaesan.

'Mauuna na ako at panonoorin ang pagkamatay ni Nevado.' sabi ni Andrei kaya tinanguan ko na lang.

'Siya ba ang panganay mong anak?' naiiyak na tanong ni Lola habang nakatingin kay Sydd. Tumango si Tito Jaesan bilang sagot.

'Mauuna na ako Kass.' tinignan ko si Sean na niyakap ako.

'Ano ng balak mo?' kunot noo kong tanong.

'Pupunta ako sa Amerika para mag-aral doon dahil yun ang gusto ni Papa.' nakangiti niyang sabi.

'Matapos ang libing ay didiretso agad ako sa Amerika.' dagdag niya pa.

'Pwede ba sumama?' tanong ko.

'Hindi ka papayagan ni Lola.' sabay nguso niya kay Lola.

'Kung susuportahan mo ako ay di malabong pumayag siya.' taas kilay kong sabi.

'No way, baka kung ano pa magawa ko sayo at makalimutan kong kapatid kita.' hinalikan niya ang noo ko bago magpaalam.

'Si Nevado?' galit na tanong ni Tito Jaesan.

'Asa hideout ni Andrei.' sagot ko.

'Dalhin mo ko doon.' gigil niyang sabi at kinaladkad ako palabas ng bahay.

Pagkapasok namin sa hideout ni Andrei ay narinig ko agad ang iyak ni Nevado.

'Carlene.......Anak ko....Steph.....Mga anak ko....' hiyaw niya.

'Tito.' bati ni Andrei. Pinanood ko si Tito na pinagsasapak sa mukha si Nevado.

'Wala ng thrill kapag namatay agad yan.' nakangiting sabi ni Andrei sabay akbay sa akin kaya tinignan ko siya ng masama.

'What?' taka niyang tanong.

'Yang kamay mo.' inis kong sabi.

'Bakit? Wala naman masama since single ka na ulit.' sabay kindat niya.

Siniko ko naman ang tyan niya at dumistansya sa kanya.

'Sabi ko naman sayo diba? Hindi kayo ni Steph para sa isa't-isa,.' nilingon ko si Andrei na pinat ang ulo ko.

'Age doesn't matter okay? Mas matanda lang ako sayo ng 3 years.' natatawa niyang sabi.

'Seriously?' sabay irap ko sa kanya.

Tsk. Abnormal sa abnormal.

TGIN 3 : Her DaughterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon