Bullet-Twenty Nine

1.3K 57 11
                                    

Napahawak ako sa aking ulo at ramdam ko pa rin ang sakit ng pagkakapalo ng baril.

Pinagmasdan ko ang buong paligid. Nasa isang malaking kwarto ako at kulay itim ang pader nito. Napakunot ang noo ko ng bumukas ang pintuan.

'Mabuti naman at nagising ka.' Nilapitan ako ni Andrei saka siya naupo sa tabi ko. Napaatras ako ng hawakan niya ang noo ko.

Bigla siyang natawa sabay ngiti.

'Don't tell me ay natatakot ka pa rin sa akin? Hindi ba at sinabi ko naman sayo na mag-kakampi tayo sa pagbagsak ni Nevado?' Hinawakan niya ang baba ko saka siya ngumisi.

'Hindi ka man lang ba mag-papasalamat sa akin dahil sinagip ko ang buhay mo?' Inalis ko ang kamay niya sa baba ko saka sumandal sa headboard ng kama.

'Bakit naman ako mag-papasalamat sayo? Isa pa bakit andoon ka sa lugar na iyon? Sinusundan mo ba ako ha?' Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kamay niya saka siya tumingin sa akin ng seryoso.


'Tama ka sinusundan kita dahil gusto kitang protektahan.' Nagulat ako sa sinagot niya.

Protektahan?

'Alam ko na hanggang ngayon ay wala kang ideya kung sino ang may pakana ng muntikang pag-dukot sayo, pero maniwala ka dahil all this time asa likod mo lang ako para tulungan ka.' Tumayo siya saka namulsa.


'Bakit mo to ginagawa?' taka kong tanong.

'Dahil katulad mo ay gusto ko din mapabagsak si Nevado.' Pagkasabi niya nun ay tumalikod na siya at lumabas ng kwarto.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko. Di na ako nagulat ng aking makita na maraming tawag at text si Tito Jaesan.

Kaya naman agad ko siyang tinawagan.

(Kassandra?! Kassandra?!)

'Tito, okay lang ako.' Narinig ko ang malakas niyang pagmumura sa kabilang linya kaya inilayo ko muna ang cellphone sa tenga ko.

(Umuwi ka na ngayon din!) Pinatay na ni Tito yung tawag kaya naman bumangon na ako sa pagkakahiga ko sa kama.

Lumabas na rin ako ng kwarto at napanganga ako sa ganda ng mansyon ni Andrei. Talagang pagmamay-ari niya ang mansyon na ito?

'Uuwi ka na?' Napatingin ako kay Andrei na ngumiti na naman. Ang hilig niyang ngumiti sa akin yung ngiting walang kaproblema-problema yung buhay niya.

'Oo, salamat pala.' Inirapan ko na siya at rinig ko naman ang mahina niyang tawa. Abnormal.

*****

Pagkauwi ko sa bahay ay nakaupo sa sofa si Tito Jaesan ng makita niya ako ay agad siyang tumayo at sinuri ang buong kabuuan ko.

'Ano bang nangyari sayo ha?! Alalang-alala ako pati sila Ryan ay naghahanap sayo.' Naupo ako sa sofa at inihilig ang batok ko.

'May dudukot sa akin kagabi mga nakamaskara sila ng bungo, yun din ang mga bumugbog kay Ash at Arthur. May sumagip sa buhay ko kaya nakikita mo pa ako ngayon.'

Naramdaman ko na naupo sa tabi ko si Tito Jaesan.

'Sino ang nagligtas sayo? Naiinis ako sa aking sarili dahil hindi man lang kita nailigtas kagabi' Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Tito kaya idinilat ko ang aking mata.

Hinawakan niya ang kamay ko saka yun hinalikan.

'Ikamamatay ko na kapag pati ikaw ay nawala pa dahil sa kapabayaan ko.' Nginitian ko si Tito saka pinunasan ang luha sa pisngi niya.


TGIN 3 : Her DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon