Talak ng talak ang grupo ni Steph tungkol sa akin habang nakapikit ang mga mata ko at wala na akong balak sagutin pa sila.
Narinig ko na bumukas ang pintuan sigurado akong si Guardian ang pumasok.
'Stephen! Ano ba tong pinasok mo na naman?!' Halata sa tono ng lalaki na isa siyang makapangyarihang tao kaya idinilat ko ang aking mata.
Masama siyang nakatingin sa akin kaya napangisi ako. Si Nevado Alvaro.
'Ms. Cruz, pasensya ka na sa ginawang kalokohan ng anak ko sayo.' Napatayo bigla si Steph saka napasuklay sa kanyang buhok.
'Dad! Ako ang sinaktan ng babaeng yan kaya bakit ka sa kanya humihingi ng pasensya?!' Halos pasigaw na sabi ni Steph.
'Sinisigawan mo ba ako huh?!' Dinuro ni Nevado Alvaro ang anak niya na napayuko na lang.
Napakagandang eksena para lang ako nanonood ng drama sa serye.
Pumasok sa loob ng opisina si Guardian saka niya pinaupo si Nevado Alvaro.
'Mr.Alvaro hindi ko na ho nagugustuhan ang ginagawa ni Stephen dito sa loob ng Campus. Hindi lang to isang beses nangyari kundi marami na, Ngayon lang naman na isang babae ang nanlaban sa kanya.' Napatingin sa akin si Nevado Alvaro saka niya pinasadahan ng tingin si Steph na nakayuko lang.
'Hayaan niyo ho dahil hindi na po ito mauulit pa.' Napabuntong hininga lang si Guardian saka sinenyasan sila na pwede ng umalis.
Nagtaka ako ng pati sila Ash, Arthur, Cloud at Leo ay na kasamang makalabas ng office.
'Mga ilang minuto ay pwede ka na ring lumabas.' Nakangiti kong nilingon si Guardian.
'Tsk tsk tsk.' Ngumiti lang siya sa akin saka tinuon ang atensyon sa mga papel na nasa ibabaw ng mesa niya.
-BRZZZZZKKKKKTTTTT-
Kinuha ko sa bulsa ng aking pantalon ang cellphone saka sinagot iyon.
'Oh?'
(Pumunta ka mamaya dito sa court ha?) Napairap ako saka sumandal ng maayos sa upuan.
'Tssss sino na naman kalaban mo?'
(Sino pa ba? Edi ang gumasgas sa labi ko kagabi!) Napangisi ako saka inayos ang maikli kong buhok.
'Sige, ano ang pustahan niyo?'
(Kung sinong manalo ay sasapakin ang natalo ng walang humpay.) Napatigil ako sa pag-suklay sa maikli kong buhok.
'Hanggang sa mamatay?' naeexcite kong tanong dahil gusto kong sumali kung ganun ang magiging pustahan.
(Baliw! Sympre hindi! Basta ha? Pumunta ka dito at aantayin kita) sabay end call niya. Ibinulsa ko na yung cellphone saka lumabas ng office ni Guardian ng hindi nagpapaalam.
Namulsa ako saka naglakad papuntang court para mabatukan si Caleb.
'Kyaaaaaa!!!!! Sana mag-umpisa na yung game!'
'OMG! Nakita mo ba si Steph? Shocks ang hot niya lalo na si Cloud!'
'Ay hindi! Walang sinabi yan kay Caleb ko! Ang yummy ng biceps!'
Napailing-iling ako sa mga sigawan ng mga babae. Akala mo ngayon lang nakakita ng lalaki eh.
Habang naglalakad ako sa gitna ng court ay mag iilan na natahimik. Lumapit ako sa pwesto nila Caleb.

BINABASA MO ANG
TGIN 3 : Her Daughter
De Todo(Kassandra Kylie Smith) Almost perfect family na kami noong bata pa lang ako. Pero dahil sa nangyaring trahedya na dumating sa aming buhay ay nawala ang Perfect Family na inaasam-asam ng bawat anak na katulad ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sum...