Nanlalaki ang aking mata habang nakatitig kay Steph na naglakad palapit sa kanyang ama at pinapaputukan ulit iyon ng baril.
'Kalagan niyo sila.' mahinang utos niya sa mga tauhan ng ama niya.
Nang maialis ang lubid na nakatali sa aking kamay at paa ay napatayo ako.
Lumingon sa akin si Steph at naglakad siya palapit sa akin na bigla kong ikinakaba.
'Sasama ka sa akin.' nanlilisik ang kanyang mata sabay hawak sa kamay ko at kinaladkad ako ng lakad.
Hindi ko man lang maramdaman ang sakit ng katawan ko dahil walang tumatakbo sa isip ko kundi paano niya nagawang patayin ang sarili niyang ama.
Nang maisakay niya ako sa kotse ay pinaharurot niya yun ng takbo.
'Kaano-ano kita?' nang-gigil niyang sabi.
Hindi agad ako makasagot. Kasal si Tito Jaesan at Kiyana, magkapatid si Kiyana at Nevado na kanyang ama. Pinsan ko sila Yuki at Kiro.
Hindi kami magkaano-ano.
'Hindi tayo magkaano-ano, ata?' hindi ako sigurado sa sagot ko dahil kasi baka third cousin kaming dalawa.
'Bullsh**t!' biglang sigaw niya.
Inihinto niya ang sasakyan at hinawakan ang kamay ko.
'Wala akong pakialam kung second or third cousin tayo, ang mahalaga ay akin ka.' seryoso niyang sabi habang nakatitig sa mata ko.
'S-steph.' nauutal kong tawag sa kanya.
'Ako na lang please......Ako na lang at huwag na si Caleb. Masaya na sila ni Carlene.' naluluha niyang sabi.
Hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan ang luhang tumulo.
'Bakit ako Steph? Bakit ako pa ang minahal mo? Bakit dahil sa akin ay pinatay mo ang ama mo?' naiiyak kong tanong sa kanya.
'Dahil mas masakit para sa akin kapag ikaw ang pumatay kay Dad.' sagot niya.
Wala akong masabi kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit.
'Please......Ikaw na lang ang meron ako....Ikaw na lang.' naipikit ko na lang ang aking mata dahil ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
******
Pagkapasok ko sa bahay ni Tito Jaesan ay naabutan kong umiiyak si Kiyana.
'LUMAYAS KA KIYANA!!!!ALAM MO PALA HA?! PINALANO NIYO MAGKAPATID ANG PATAYIN ANG KAPATID KO! WALA KANG PUSO!' sigaw ni Tito Jaesan.
'Mama.......Papa......' umiiyak na sabi nila Kiro at Yuki na nakaupo sa hagdanan.
Nilapitan ko si Tito Jaesan at pumagitna ako sa kanila ni Kiyana.
'Tito, ano bang sinasabi mo?' taka kong tanong. Sinipa niya ang mesa na agad tumalsik at sinuklay ang kanyang buhok sa galit.
'Inamin na sa akin ni Kiyana na dapat ay buhay si Sandy! Pero dahil sa inutos ni Nevado na patayin si Sandy ay pinatay niya ang kapatid ko! Pinatay niya!' naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko.
'Ganun ba?' naiiyak kong tanong. Naupo si Tito Jaesan sa sofa at tumingin kay Kiyana na nasa likuran ko na umiiyak.
Umakyat ako sa hagdanan at inakay sila Kiro at Yuki paakyat sa hagdanan.
BINABASA MO ANG
TGIN 3 : Her Daughter
Random(Kassandra Kylie Smith) Almost perfect family na kami noong bata pa lang ako. Pero dahil sa nangyaring trahedya na dumating sa aming buhay ay nawala ang Perfect Family na inaasam-asam ng bawat anak na katulad ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sum...
