Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Bullet Fourteen

1.4K 51 0
                                        

Pumasok ako sa opisina ni Tito Jaesan dahil sinabihan ako ni Kiyana.

'Saan ka nagpunta kahapon?' kunot noong tanong ni Tito. Naupo ako sa tapat niya saka nangalumbaba.

'Sa isang kaibigan lang.' Tumayo siya sa kinauupuan niya at humarap sa may bintana.

'Tssss....Alam ko na nagkausap na kayo ni Nevado. Alam ko din na may sumusunod sa akin, kay Kiyana, at sa dalawa kong anak.'

'Kunin mo ang brown envelope dyan sa ibabaw ng mesa, matagal ko ng nasubaybayan ang mga taong yun na sumusunod sa atin ngunit nagpapatay malisya lang ako.' Kinuha ko yung envelope saka inilabas doon ang mga itsura ng lalaking sumusunod sa amin.

'Wag kang mag-alala dahil hindi sila nakakasunod dito sa bahay. Yung pinapaggawa sayo ni Nevado ay gawin mo. Just go with the flow habang gumagawa ako ng plano.' Humarap si Tito saka ngumisi sa akin.

'Ang plano na makakapag-pabagsak sa kanya.' Naupo siya sa upuan at dumekwatro.

'Ipapadala ko sila Kiyana, Yuki at Kiro sa US dahil andun sila Tito Rey mo. Nagkakausap kami tungkol kay Nevado na may balak patayin ka. At hindi lang ikaw kundi kami na may relasyon sayo.' Hindi ako makapaniwala. Alam na rin ni Tito Jaesan ang nangyari sa akin?

Ibig sabihin ay may pinapasunod siya sa akin?

'Kass, aakto ka na ikaw lang ang nakakaalam na nagkausap kayo ni Nevado. Huwag kang matakot dahil magiging safe ang pamilya ko. At sisiguraduhin kong magiging safe ka din.' Tumango na lang ako at lumabas ng opisina niya.

Napahawak ako sa kwintas ni Mama. Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Takot. Puro takot lang.

Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse ko. Nagmaneho na ako papunta sa University.

Napangiti ako ng tipid. Akala ko ay naaayon sa akin ang kapalaran ngunit nagkamali ako. Hindi basta-basta ang pinasok kong gulo ngayon.

Ipinarada ko ang kotse at sinukbit ang aking bag bago lumabas. Nilock ko ang sasakyan saka naglakad papasok sa Campus.

Namulsa ako at napatigil ng aking makita sila Caleb na mga nakangiti habang papalapit sa akin.

'Hi Leader.' Napatingin ako sa aking gilid. Si Steph na nakangisi sa akin.

'Kass!' Napalingon ako kay Caleb na hinatak ako palapit sa kanya.

'Relax.....Wala naman akong gagawing masama sa kanya eh.' Nakangiting sabi ni Steph sabay kindat sa akin.

'Sinaktan ka ba niya?' tanong ni Caleb ng umalis na si Steph.

'Pwede ba tayong mag-usap?' seryoso kong tanong. Agad naman siya ngumiti at akmang hahalikan ang noo ko ng umiwas ako agad saka naglakad.

Huminto ako sa may garden at humarap kay Caleb na nakangiti pa rin.

Sorry Caleb.....Ayokong madamay ka sa gulong to.....God knows how much I love you.

'Tigilan na natin to. Ayoko na Caleb. Gusto ko muna mag-focus sa sarili ko.' Kumunot agad ang noo niya.

'Malaking sagabal ba ako sayo?' Kinuyom ko ang aking kamay para mapigilan ang maluha.

'Oo, kaya kung pwede lang? Tama na to. Itigil na natin tong kalokohan.' Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

'Kalokohan? Kalokohan ba ang magmahalan tayo huh?!' Sigaw niya. Nakita ko na may taong nagtago sa isang puno at halatang tauhan yun ni Nevado.

TGIN 3 : Her DaughterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon