Bullet Two

2.1K 79 4
                                        

Pagkapasok ko sa bahay ay agad akong nilapitan ni Tito Jaesan.

'Dinalaw mo ba ang parents mo?' Tinanguan ko lang siya bilang sagot.

'Asaan sila Yuki?' kunot noo kong tanong.

'Asa itaas naglalaro sila ni Kiro.' Napatingin ako kay Kiyana na lumabas galing kusina.

'Tapos na ang klase mo?' nakangiti niyang tanong sa akin.

'Edi sana wala ako dito.' sarkastik kong sagot.

'Kassandra.' may pag-babanta sa tono ng boses ni Tito Jaesan kaya inirapan ko silang pareho bago umakyat ng hagdanan.

Bago ako makarating sa aking kwarto ay nakarinig agad ako ng malalakas na tugtog. Naglakad ako palapit sa kwarto nila Yuki saka yun binuksan.

'Hi Ate!' Tumakbo palapit sa akin si Yuki kaya naupo ako para salubongin siya ng yakap pati si Kiro.

'Anong ginagawa niyo?' tanong ko sa dalawa.

'Sumasayaw po kami ni Kiro, tara Ate sali ka!' excited na sabi ni Yuki. Tumayo ako saka pinat ang parehas nilang ulo ni Kiro.

'Marami akong gagawin, sige na maglaro na kayo ulit.' saka ko sila tinalikuran. Sakto naman na si Kiyana ay kakaakyat lang.

'Kumain ka na ba?' nakangiti niyang tanong. Inirapan ko siya saka naglakad papunta sa kwarto ko.

'Alam kong galit ka sa akin dahil hindi ko nailigtas si Sandy.' Sabi niya bago ako makapasok sa kwarto ko. Napabuntong-hininga ako saka siya hinarap.

'Pero hindi ako pumatay sa kanya Kassandra. Sana ay huwag ka sa akin magalit kundi sa mga taong gumawa nun sa kanya.' Pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi.

'Hindi kita sinisisi Kiyana. Ayoko lang nakikita yang mukha mo.' saka ako pumasok sa kwarto at binalibag yun ng sara.

Naupo ako sa kama saka pinakalma ang aking sarili.

Flashback

Dahil sa patuloy akong umiiyak ay may isang nakakita sa amin kaya agad akong binuhat ni Mama sabay takbo namin.

-BANG BANG BANG-

'Argghhh!!!' sigaw ni Mama habang patuloy kami tumatakbo. Napayakap ako sa leeg ni Mama habang umiiyak pa rin.

'HABULIN NIYO SILA! KAILANGAN NATIN SILANG MAPATAY!' sigaw ng lalaki.

'Anak.....Anak huwag ka ng umiyak.' Umiiyak na sabi ni Mama. Nagtago kami malapit sa may ilog saka niya pinunasan ang aking pisngi at niyakap ako.

Nakita ko ang kulay pula na umaagos mula sa balikat ni Mama kaya mas naiyak ako.

'Shhhhh, mahahanap nila tayo anak. Huwag ka ng umiyak please.' Nakarinig kami ng mga yapak kaya napatigil ako sa pag-iyak.

'Siguradong hindi pa nakakalayo ang mag-inang iyon!'

Naramdaman ko ang pag-luwag ng paghinga ni Mama.

'Makakatakas din tayo anak.' bulong niya bago siya mawalan ng malay.

-KNOCK KNOCK KNOCK-

Tumayo ako saka binuksan ang pinto.

'Patulog ako dito mamaya!' dire-diretsong pumasok sa kwarto ko si Caleb kaya sinara ko na ang pintuan. Nahiga siya sa kama saka binuksan ang t.v

'Wala ka bang junkfoods dito?' tanong niya sa akin habang nanonood ng t.v

'Pinapunta ka dito ni Tito ano?' taas kilay kong tanong. Nakangiti siyang nilingon ako sabay kindat niya.

'Baka daw kasi mag-laslas ka ulit eh.' Napangisi ako sa sinabi niya. Naglakad ako palabas ng veranda saka pinagmasdan ang mga tauhan ni Tito Jaesan na nagbabantay sa loob at labas ng bahay.

'Kinakamusta ka sa akin ni Papa. Bakit kaya hindi ka dumalaw minsan ano?' Inakbayan ako ni Caleb saka ginulo ang buhok ko.

'Ayoko nga. Makikita ko lang doon ang Mama mo at ipipilit na naman niya sa akin na pakasalan ka!' Inalis ko ang pagkaka-akbay niya sa akin saka ako naupo sa sofa doon.

'Bakit? Talaga naman na mag-papakasal tayo diba?' Tinignan ko ng masama si Caleb na kumindat sa akin.

'Ayokong pakasalan ka!' Inis kong sabi pero tinawanan niya lang ako sabay higa sa hita ko.

'Wala ka ng magagawa dahil ikakasal ka sa akin at magiging asawa mo ako.' kumagat labi siya kaya sinabunutan ko ang kanyang buhok.

'Ayos yan, para kapag nasarapan ka sa akin ay alam mo na ang dapat gawin.' sabay kindat niya. Inis kong tinulak palayo sa akin ang ulo niya saka ako tumayo.

'Hahahaha, napaka-seryoso mo kahit kailan!' Nginisian ko lang siya saka pumasok sa loob ng kwarto ko.

Lumabas na din ako ng kwarto at pagkababa ko ay si Tito Jaesan pati si Kiyana ang naabutan kong nag-uusap ng masinsinan.

'Huy Kass!' sigaw ni Caleb kaya tiningala ko siya. Nag-dirty finger ako bago tuluyang lumabas ng bahay.

Sumakay agad ako sa kotse saka minaneho yun ng mabilis.

Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa kalsada. Ng mamatay si Mama at si Papa ay di ko na nakita si Mommy.

Si Mommy Sandra at Daddy Jaedan. Ang sabi sa akin ni Tito Jaesan ay namuhay na sila sa ibang bansa. Kada pasko at bagong taon ay di sila umuwi.

Ayaw nila akong makita. Bakit? Dahil ba ako ang may kasalanan kung bakit namatay sila Mama at Papa?

Wala naman akong kasalanan sa nangyari eh. Masaya kaming pamilya pauwi ng bahay galing sa tagaytay ng biglang may nagpaputok ng baril.

Hindi kami tinantanan ng mga sasakyang sumusunod sa amin hanggang sa iwanan kami ni Papa sa kalsada. Nang mawalan ng malay si Mama ay siyang dating nila Tito Ryan, Rey at Ram.

Inuwi nila kami sa bahay ni Tito Jaesan at si Kiyana na isang doktorang girlfriend noon ni Tito ang siyang gumamot kay Mama.

Ngunit sinabi niyang nawalan ng dugo si Mama kaya hindi na nakayanan pang gamutin ito. Nang gabing iyon ay may nakakita kay Papa na patay na daw. May tama siya ng baril sa noo at sa ibang parte ng kanyang katawan.

Kada naalala ko ang mga nangyaring iyon ay naglalaslas ako. Dahil hindi ko matanggap na ako lang ang nabuhay.

Napatigil ako sa pagmamaneho ng makita ko muli ang kalsadang ito.

Ang kalsadang kung saan iniwan kami ni Papa. Nagmaneho ako muli habang pinagmamasdan ang mga punong matatayog sa magkabilang gilid ng kalsada.

Napatigil ako ng aking makita ang posteng hanggang ngayon ay may bakat ng tama ng mga baril. Kung saan natagpuan si Papa na wala ng buhay.

Napahigpit ang hawak ko sa manibela. Ito na ang tamang panahon para mag-bayad ang mga taong pumatay sa magulang ko.

TGIN 3 : Her DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon