Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Bullet Thirty-One

1.1K 47 1
                                        

Napabalikwas ako ng bangon at tumingin sa paligid ko.

Napakunot ang noo ko dahil andito ako sa loob ng kwarto ko.

Bakit wala akong maalala?

'Kassandra...' napalingon ako kay Tito Jaesan na kakapasok lang ng kwarto ko.


'Tito Jaesan, wala kang pasok?' tanong ko sa kanya pagkaupo niya sa tabi ko.


'Ano bang nangyari sayo kagabi ha? Bigla ka na lang dinala dito ng anak ni Nevado.' kunot-noo niyang tanong.


'Wala akong maalala eh. Ang natatandaan ko lang ay may papatayin akong hayop.' sagot ko. Nakita ko naman na napatampal sa kanyang noo si Tito Jaesan.


'Impossible naman na bigla kang nawalan ng alaala, hindi kaya.....' nanlaki ang mata ni Tito Jaesan at inamoy ang bibig ko kaya tinulak ko siya palayo sa akin.


'Hindi ako lasing kagabi. Isa pa hindi ako nagda-drugs!' tumayo ako sa kama at sinenyasan siyang lumabas na ng kwarto ko.


'Bago kita iwanan dito ay may gusto akong sabihin sayo.' seryosong sabi ni Tito Jaesan.


'Anong meron?' taka kong tanong.


'Si Klyde.....Nakita na namin siya.' nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Tito.


'T-talaga? A-asaan siya?' naluluha kong sabi. Nilapitan ko si Tito Jaesan na umiwas ng tingin.


'Tito.....G-gusto kong makita ang P-papa ko.' hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon.


'Bigla na lang siya tumakbo agad. Hindi ko alam bakit naging ganun ang reaksyon niya ng makita niya kami. Pinaputukan niya kami ng baril at may mga tauhan siya.' Naramdaman ko na tumulo ang aking luha ngunit agad ko yun pinunasan.


'May mga tauhan siya? Paano nangyari yun?' taka kong tanong.


'Inaalam pa nila Ram....Kaya sana ay mag-iingat ka palagi ha?' hinalikan ni Tito ang noo ko bago siya lumabas sa kwarto ko.


Kinuha ko naman agad yung cellphone na binigay ni Nevado at tinawagan si Steph.


(Hello?) napalunok ako dahil halatang bagong gising lang siya.

'Ahhh???... Naka-istorbo ba ako sayo ha?' narinig ko na natawa siya sa kabilang linya.


(Pagdating sayo ay hindi ka nakaka-istorbo.) napairap ako agad sa sagot niya.

'Anong nangyari kagabi? Bakit wala akong matandaan!' sigaw ko.


(Hoy! Anong wala kang matandaan? Ano ba yang sinasabi mo ha?) halata kay Steph ang inis.


'Tsss....Tingin mo ba ay gagawa ako ng kwento ha? Sabihin mo nga sa akin kung anong nangyari! Magkita tayo sa Starbucks itetext ko sayo yung lugar. Bye!' dire-diretso kong sabi at pumasok na sa banyo para maligo.


*******

Umorder ako ng Americano Coffee at naupo ako sa upuan. Napatingin ako sa pintuan na bumukas at niluwa si Steph na nakakunot ang noo.

Naupo siya sa tapat ko sabay ngisi niya.


'Wala kang natandaan na nangyari kagabi ha?!' inis niyang tanong.


'Tingin mo ba ay papupuntahin pa kita dito para itanong sayo kung anong nangyari kagabi ha?' taas kilay kong sabi.


'Pinatay ni Sean ang dapat ay makakalaban mo sa Rank Battle. Pagkatapos ay hinalikan ka niya sa labi! At alam mo ba kung anong ginawa mo ha?' pasigaw niyang sabi. Napapatingin sa amin yung ibang customer kaya tinignan ko ng masama si Steph.


TGIN 3 : Her DaughterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon