Pagkapasok ko pa lang sa gste ng bahay ni Topher ay napakunot na ang noo ko sa dami ng tao.
Halatang buong estudyante ng Star University ay imbitado, napakalakas ng tugtog kahit asa labas pa lang ako paano kaya kapag nasa loob na?
Pumasok ako sa loob at halos mabingi na ang magkabilang tenga ko.
'KASS!!!' Napalingon ako sa gilid at saka sinalubong ng yakap si Topher.
'Akala ko ay di ka makakapunta eh!' sigaw niya sa tenga ko.
'Impossible mangyari yun!' sigaw ko sa tenga niya. Inakbayan niya ako saka iginaya sa may sala kung asaan andun sila Paul, Paulo, Caleb at Cloud.
'HI KASS!!' sabay na sigaw ni Paul at Paulo.
Naupo ako sa tabi ni Caleb saka kinuha ang isang bote sa mesa.
'Bakit ang tagal mo?' tanong ni Caleb.
Hindi ko siya pinansin saka pinagmasdan ang mga estudyante na narito sa loob ng bahay ni Topher.
Ss totoo lang pagkapasok ko pa lang dito sa bahay ay alam kong may mali. Nararamdaman ko dahil kinakabahan ako.
'Ayos ka lang?!' Nilingon ko si Topher na naglapag ng sisig sa mesa.
Sumandal ako sa sofa saka inihilig ang batok ko.
'May problema ka ba?!' Tinignan ko lang si Caleb na nag-aalalang nakatingin sa akin.
'Imbitado ba dito ang grupo ni Steph?!' kunot noo kong tanong.
'Hindi sila allowed dito!' sigaw niya kaya tumango na lang ako saka umayos ng upo.
'RESTROOM LANG AKO!' sigaw ko saka tumayo at naglakad papunta sa may kusina.
Napatago ako sa may cabinet ng makita ko si Arthur at Ash na pumasok mula sa likurang pintuan.
Sinasabi ko na nga ba at may masamang mangyayari eh!
'Sigurado ka bang ilalagay natin to sa inumin?' tanong ni Ash kay Arthur na panay ang lingon sa paligid kung may makakakita sa kanila.
Napatingin ako sa mahabang mesa kung saan andun ang malaking lagayan ng alak.
'Oo! Isasabotahe natin tong kasiyahan!' sigaw ni Arthur saka humarap sa mesa. Mabilis akong naglakad palapit sa kanila sabay akbay kay Ash na gulat na gulat.
'Napasadya kayo mga ginoo?' Naglakad palayo agad sa akin si Ash na may hawak na maliit na bote saka tumakbo agad palabas.
Nilingon ko si Arthur na naestatwa sa kinatatayuan niya kaya kinuwelyuhan ko siya.
'Sabihin mo kay Steph ang bulok ng style niya!' sabay suntok ko sa mukha niya. Napahiga siya sa sahig saka pagapang na lumabas ng pintuan. Agad ko naman nilock ang pintuan.
'Anong ginagawa mo dito?' takang tanong ni Caleb saka nagsalin ng alak sa baso niya. Agad niya yun tinungga saka lumapit sa akin.
'Baka gusto mo ng umuwi? Ihahatid kita.' seryoso niyang sabi.
Naupo ako sa silya saka nangalumbaba.
'Ka-birthday kasi ni Papa si Topher.' halos pabulong ko ng sabi. Naupo din sa tabi ko si Caleb.
'Gusto mo bang samahan kita sa sementeryo?'
'Huwag na, kada anniversary lang nila ako dumadalaw.' Sumandal ako sa upuan saka nilingon si Caleb na nakatitig sa akin.
BINABASA MO ANG
TGIN 3 : Her Daughter
De Todo(Kassandra Kylie Smith) Almost perfect family na kami noong bata pa lang ako. Pero dahil sa nangyaring trahedya na dumating sa aming buhay ay nawala ang Perfect Family na inaasam-asam ng bawat anak na katulad ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sum...