Bullet Seven

1.6K 69 1
                                    

Pagkapasok ko sa building na pa-sikreto kong pinatayuan lingid sa  kaalamanan ni Tito Jaesan ay inilock ko ang buong gusali saka tinurn-on ang mga patibong kung sino man ang magtangka na pumasok sa loob.

Pinagmasdan ko sa itaas ng dingding ang malaking picture frame ni Mama at Papa nung kinasal sila. Naupo ako sa sofa saka inihilig ang batok ko.

Flashback

'Ma, alam ko pong mali ang turuan si Kassandra ng self-defense sa murang edad niya pero magagamit niya to pam-protekta sa kanyang sarili.' Kinuha ko ang aking manika saka naupo sa sofa. Napangiti ako saka hinalikan sa noo ito.

'Sandy, baka kasi may mangyari na parehas nating kinakatakot balang araw.' Napatingin ako kay Mommy Sandra na ngumiti sa akin saka tumingin ulit kay Mama.

'Ma, alam ko po tong ginagawa ko.' sinarado ni Mama yung pintuan saka niya ako nilapitan.

'Anak, gusto mo bang may ibang tao ang kumuha sa manika mo?' agad akong umiling-iling.

'Good kung ganun dapat ay matuto kang ipaglaban ang pag-mamay ari mo.' Hinawakan ni Mama ang kamay ko saka naglakad kami sa parang monster na foam.

'Anak, siya ang kukuha ng manika mo.' Inilagay ni Mama ang manika ko sa ibabaw ng ulo ng monster kaya naiyak ako.

'Mama, akin yun!' iyak ko habang tinuturo ang aking manika.

'Anak, sapakin mo ang monster kasi kakainin niya ang manika mo sige ka.' Agad ako tumakbo palapit sa monster saka pinalo siya. Napatigil ako sa pag-iyak kasi para siyang marshmallow kaya pinalo ko ito ng pinalo.


Tumayo ako saka pumunta sa basement kung saan doon ang gym ko. Hinubad ko ang suot kong t-shirt saka inumpisahang i-boxing ang punching bag.

Habang mas lumalakas ang suntok ko ay siyang malakas tumatalsik ang punching bag.

Hinawakan ko ang punching bag para tumigil sa pag-talsik saka ako naglakad papunta sa mga baril ko na nakalapag lang sa mesa.

Kinasa ko agad ang isang baril saka pinag-babaril ang mga manequin. Napangisi ako ng puro sa ulo ang tama nito.

Humarap ako sa malaking salamin saka pinagmasdan ko ang aking kabuuan.

Sayang Mama at Papa, hindi niyo nakita ang pagiging ganap kong dalaga. Kung nabubuhay pa sana kayo ay nagagawa kong makangiti ng totoo.

Hinawakan ko ang maikli kong buhok saka kumuha ng gunting para bawasan ito ng kaunti dahil medyo humaba na siya. Binawasan ko din yung maikli kong bangs saka ako ngumisi sa harap ng salamin.

'Jaesandy Cruz, the leader of Satan Gang and the most undefeatable Gangster in the whole world. I would like to present her daughter.......

Namulsa ako saka ngumiti ng nakakaloko.

Kassandra Kylie Smith.' Saka ko binato sa salamin ang hawak kong gunting.

****

Pagkauwi sa bahay ay sinalubong ako nila Yuki at Kiro.

'Bakit hindi pa kayo natutulog?' taka kong tanong sa dalawa saka pinat ang parehas nilang ulo.

'Ate! Pupunta po kami sa Enchanted Kingdom nila Mama at Papa.' si Yuki na hinahatak yung laylayan ng jacket ko.

'At kasama po kayo Ate!' Tumalon-talon si Kiro kaya binuhat ko siya agad.

TGIN 3 : Her DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon